CHAPTER 21- Ang Nakataya
REI’s POV
Lumipas pa ang mga araw, nabalitaan ko na lang na napa deport na si Mr. Sang, lumabas kasi na marami na rin palang reklamo sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong koneksyon meron si Ryan kaya napadali ang deportation niya. Iba na rin ang may ari ng resto. Si Ben, ayun, as if hindi ko siya nakilala. Moved on na rin kaming mga nakakaalam.
Lunch time, tatlo lang kami. Si Dylan kasi, nasa kabilang campus, may training sa chess. Malapit na rin kasi yung laro niya. Pinuntahan siya dun ni Grace, since malapit lang naman, para sabay na raw silang mag lunch, mag bestfriend daw kasi yung dalawa. Malamang magka-develop-an yan.,hehe..Si Andy at Dina, magkasama, nagsolo sila kasi monthsary nila ngayon, istorbo raw kami. Si Eula madalang na naming makasabay sa lunch, lumalablayp kasi ang bruha. Di na siya boyish ngayon, blooming na ang lola mo. Inilabas na niya ang kanyang ganda. Sa kalapit na school kasi yung boylet niya kaya pag lunch at uwian nagkikita sila.
Halos lahat ng girls sa canteen ay parang naiinggit sa akin. Dalawang sikat na varsity player ang kasabay kong mag lunch. Si Jay at Ry close na sila. As in nagsusubuan ng pagkain..patawa, haha, joke lang, hindi sila Bro-mance ah. Katuwa lang kasi dati parang mainit ang dugo nila sa isat isa, parang silent war. Siguro kasi kahit naman team kayo, meron pa rin competition among players. Natapos na ang lunch break, ako lang mag isa tuloy ang bumalik sa building.
Pagdating ko sa room, andun na si Eula. Parang malungkot siya, mukhang may problema. Dumating na ksi yung professor kaya hindi ko na siya nakausap, magkalayo kasi kami ng upuan.
Uwian na, kasabay ko naglakad palabas ng campus si Eula. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin yung problema niya. Kasama rin namin si Ryan, sa labas kasi nakapark yung sasakyan niya ngayon.
Ako- “Teka, si Basty yun ah” tukoy ko ay iyong boyfriend niya. Hindi kami close nun, minsan lang naipakilala ni Eula sa akin yun, alam ko kasi matagal din siyang niligawan. Nakikita ko rin na sinusundo niya si Eula.
Biglang may lumapit na babae kay Basty, humalik pa, tapos tumalikod na sila at umalis, nakaakbay pa siya dun sa babae. Nagulat naman ako dun, tumingin ako kay Eula, parang gusto ko ngang takpan yung mata niya para hindi niya Makita.
Eula- “Wala na kami.”
AKo- “Ano?”
Ryan- “Kailangan ba talagang ulitin?” asar talaga to, narinig ko naman, nabigla lang ako. In fairness, ang sensitive niya to think na mahihirapan nga si Eula kapag sinabi niya ulit.
Ako- “Since when?” tanong ko na lang.
Eula- “Kanina lang.” so ito pala ang dahilan kung bakit malungkot na siya after lunch. “Hindi niya raw talaga ako gusto. Nakipagpustahan lang siya.” May ganun? Adik pala yung lalaking yun eh. Naiyak na rin siya. NIyakap ko na lang siya. Bale first boyfriend niya kasi yun.
Ryan- “Aba, loko yun ah. Mga katulad niya ang dapat tinuturuan ng leksyon. Anong karapatan niyang paglaruan ang damdamin ng iba?” wow, ang sweet naman ni Ry, tama naman siya eh, mananagot sakin yung lokong yun.
Ako- “Siraulo pala siya eh, igaganti kita.” I’ll take revenge para sa ginawa niya sa kaibigan ko. “Don’t worry, hindi naman siya kawalan eh.” Tumahan na siya, humihikbi na lang, yakap ko pa rin siya.
Ryan- “Kami ng bahala sayo.” Dumating na rin yung sundo ni Eula kaya umuwi na rin kami. Pinalakas rin namin ang loob niya bago kami naghiwalay.
RYAN’s POV
Ang boring na ng gabi, walang practice kanina, wala na ring pasok bukas. Niyaya ko na lang lumabas si Rei.
Rei- “Ry, anong ginagawa natin dito? Mahilig ka rin magbilyar?” Andito kami sa malapit na bilyaran. “Oh, teka, si ano yun ah, andito pala siya.”

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...