CHAPTER 52 – Ang Sa Akin Lang Naman
RY’s POV
Days passed at habang tumatagal lalo lang akong nahihirapan. Mas malala pa ito nung magkalayo kami nung Christmas break. Kahit na hindi naman kasing layo ng Japan ang distansya naming dalawa.
I chose not to bother her. ANo namang sasabihin ko?
Isa pa, part of me hindi pa rin tanggap yung nalaman ko. Na may feelings pa rin siya jay JC, sa hindi ko malamang dahilan. Basta, ayoko lang nun.
“In charge of props. Not bad.” Si Dina, ibig niyang sabihin yung role namin para sa final project sa Literature subject.
“We’re not actors and actresses” si Grace. Meron kasing play na bubuuin ang klase namin. Hinati kami based sa kung ano ang participation. At dahil nga wala namang magaling umarte sa amin, we chose to work backstage.
“Mga mukhang artistahin nga lang.” Banat naman ni Andy.
E di sumang ayon na lang din kami. ;)
“Teka, si Jay kasama sa play.” Tama, nakuha kasing actor ang loko. “Bale tayo lang din palang lima?” yung iba kasi may kanya kanyang gawain na rin.
“Pero kaya ba nating gumawa ng props?” si Dylan. Tapos katahimikan. Everybody realized na wala nga palang artist sa amin. Si Dylan, magaling sa art ng paghahalaman. E hindi lang naman garden ang setting ng play. Hindi ito basta bastang play lang, magiging malaking parte ito ng final grade namin, dapat seryosohin namin.
“We’re allowed to ask for help.” Si Grace.
“May mga fine arts major sa team, baka pwedeng mapakiusapan.” I suggested.
“bakit pa tayo kukuha sa team eh meron naman tayong kasamang fine arts student.” Si Andy
“She’s busy.” Sagot ko agad.
Dina - “Uy grabe naman. Imposible namang hindi tayo bigyan ng time ni Rei.”
Grace – “Parang ilang araw na nating hindi siya nakakasama ah. Siguro naman na-miss rin tayo nun.”
Dina – “Ikaw nang bahalang magsabi sa kanya Ry ah” bago sila umalis ni Grace para pumunta sa meeting regarding nga dun sa play.
At naiwan na naman ako sa dalawa. Boy’s Corner part 2.
“Ano ba talagang nangyari?” panimula ni Dylan.
“Pagkatapos namin kayong iwan ni Di nung gabing nalasing ka? Wag mong sabihing…..” si Andy
“Ang labo. Its not what you are thinking.” Depensa ko.
“Kung ganun, anon ngang ginawa mo?” kung makapagtanong si Dylan, parang ako nga ang may kasalanan. “Hindi kasi kayo normal ngayon ni Rei eh.” At tinawag pa kaming abnormal.
“Hindi kayo magiging ganito kung wala ka talagang ginawa.” Tamang hinala rin itong si Andy.
“Wala nga eh. Siguro hindi lang niya matanggap na si Celine pa rin ang pipiliin ni JC. Na Malabo na yun kasi hindi naman siya si Celine, na malayo silang dalawa.” Sabi ko, ang kulit na kasi eh.
Dylan – “Sino naman ang nagsabi niyan? Ikaw? SInabi mo mismo sa kanya?”
Tumango lang ako.
Andy – “Bad trip ka talaga tol.” Kung mas malapit ako sa kanya, malamang may kasama pang batok yun. “Baliw ka na ba? Ikinumpara mo sila?”
Hindi ako nakasagot. Hindi naman kasi ganun ang intensyon ko.
Dylan – “Si Celine, ang tunay na mahal ng ex-fiancee niya, at ang dahilan ng paghihiwalay nila.”

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...