CHAPTER 48 – Ang Kaarawan ni Dylan
REI’s POV
Naman! Ang bilis ng panahon. Back to school ang drama ng lahat. Syempre lahat my hang over pa sa lagi na lang bitin na bakasyon.
Pero, ang barkada, vacation mode pa rin. Pagkatapos ng Three Kings. Byahe na naman kami ng Tagaytay. Para saan?
For Dylan’s Birthday celebration.
Kumpleto na ang lahat. Mawawala ba naman si Grace sa birthday niya?
“O, may problema ba?” Tanong ni Dina sa nagmamanehong si Andy, para masaya, sama sama kami sa biyahe. Sasakyan ni Andy ang dala. Hindi na namin kasama si Dylan, nauna na siya para mapaghandaan ang pagdating namin. Si Jay kasama na namin.
“Meron eh.” Nag aalala na ring si Andy, hindi ko alam kung nanggu-good time lang.
“Yung preno?” nagaalala na rin si Grace.
Naku, huwag lang siyang magkakamali ng sagot.
“Sandali, hinto muna tayo.” Naihinto naman niya, hindi naman pala preno ang problema.
“TIngnan ko nga.” Si Ry, bumaba na rin siya ng sasakyan saka binuksan yung makina. Bumaba na rin kaming lahat. “Ang labo Tol, hindi ka ba nagpa-maintenance?” Tapos may mga tiningnan tingnan siya sa makina.
Andy – “Next week pa ang schedule ko eh.” Nakitingin na rin siya sa makina.
Dina – “Bhe? Baka hindi na tayo makaabot kina Dylan niyan.” Napakamot lang ng ulo si Andy. Ganun kaya yun kasama? E mukhang maayos naman.
Ry – “Relax lang. Malapit na rin naman tayo. Saka, wala namang masyadong problema.” He assured us. “HIramin ko muna mga gamit mo diyan.”
Inabot naman sa kanya ni Andy yung toolbox. Tapos may kung ano na siyang kinalikot. “Tara na. Okey na ito.” Sabi niya pagkasara ng makina.
Ini-start na ni Andy tapos byahe na kami.
Andy - “Ibang klase ka talaga tol.” Mukhang okey na.
Ry – “Meron lang konting inayos.” Ano naman kaya yun? Anyway, kahit naman explain niya hindi ko rin maintindihan. Ang alam ko lang kasi, mag drive. Period.
Ilang sandali na lang, malapit na raw kami. Nakita ko yung nakasulat sa arko na dinaanan namin. VILLA CAROLINA. Sabi nila, this place was named after Dylan’s grandmother.
“Happy Birthday!” kanya kanyang bati na kami sa kanya pagdating.
Dylan – “Thanks! Guys.”
“Mabuti naman maaga pa kayo. Akala ko aabutin na kayo ng dilim sa daan.” Si Aunt Cher, ang Mom ni Dylan.
Dylan – “O guys. Alam na.” Alam na means, alam na nila kung saang room sila mag stay.
Sinamahan na kami ni Dylan sa tutuluyan namin. Malaki rin itong Villa Resort. Maraming kwarto.
Dina – “So, tayong tatlo naman ang share sa room.” Tatlo naman yung bed.
“Yeah, unless you want to stay with Andy.” Grace teasing her.
Dina – “No way!” slightly blushing.
Hehe, nakakatawa naman. Uhm, kami nga ni Ry natulog ng magkatabi sa kama. Eh, iba naman kasi itong dalawa. May malisya.
Katapat lang naman namin yung room nung mga boys. Bale tatlo lang din sila dun. Si Dylan kasi may place na talaga rito.
“Can’t wait to see you guys in two piece.” Si Dina. Nasa loob na kaming tatlo. Night swimming kasi mamaya.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomantizmSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...