CHAPTER 4- Ang Totoo

58 1 1
                                    

CHAPTER 4- Ang Totoo

REI’s POV

Andito ako ngayon, same spot kung saan ko hinintay si JC noon, pero mas late na kasi kailangan kong makausap si Celine ngayong uwian. Tamang tama, palabas na sya, with her friend/bodyguard na ata, kasi lagi ata itong nakabuntot sa kanya.

Ako- “Celine” nilingon naman nya ako at matipid na bumati. “Can we talk?” diniretso ko na, kasi baka pag nagtagal ito, magbago pa ang isip ko. Lumingon naman ako sa kasama nya.

Ryan- “Kung ano man ang sasabihin mo, pwede mo namang sabihin ng kaharap ako.” Naman, akala siguro nya eh susugurin ko at sasaktan si precious Celine, hindi ako warfreak nu.

Celine- “Ayos lang Ryan, sige hintayin mo na lang ako sa gate”

Ako- “No, it’s okay. Baka may kinalamn din sya ditto”. Pigil ko na lang kasi nga baka masaktan ko sya? Hehe..joke, hindi nga ako warfreak..promise.. ;) eh kung talagang mahal nga ni pogi itong si Celine eh dapat nga nyang malaman na hindi talaga iniwan ng prince charming nya ang kanyang prinsesa.

Attentive na silang dalawa dapat umpisahan ko na.

“JC and I are arranged. Nalulugi na kasi ang negosyo nila at kami na lang ang makakapagsalba. Yes, it may seem that he chose the business/family over you. Pero masisisi mo ba sya? He’s trying to be a good son.” Sige, ipagtanggol mo pa si JC, mahal mo eh. “He never stopped loving you” ouch, napakasakit pala ang mga salitang yun..for me, pero sa kanya, it makes her whole again. “I’m sorry, I’m not aware that you exist. Hindi ko naman itutuloy ito kung alam ko na beforehand.”

Celine- “Bakit mo sinasabi sa akin yan? Para saan? Just to clear your conscience?” Antaray ah, sya na nga itong tutulungan eh. “May mababago ba? Babalik ba si JC sa akin?” Obvious naman eh, itatanong ko pa ba kung mahal nya pa si JC? Eh di parang tinarakan ko na naman ang puso ko pag narinig ko pa sa kanya. Biglang..

“Rei” si JC, sinundan pala ako. “Anong ginagawa mo, Celine?” lingon nya pa rito, may bahid pa talaga ng pagmamahal. At ouch, niayakap pa sya ni Celine, di na rin napigilan ni JC, nakalimutan na nya na andito ako, but I’m ready for this.

“JC, I think its time na panindigan mo na si Celine” Utang na loob Rei, wag kang iiyak. Gagawin nya talaga yang sinabi mo.

Celine- “I’m sorry JC, hinusgahan kita, hindi ko alam na parehas lang pala tayong nahihirapan. Kung para ito sa pamilya mo, naiintindihan kita.”

JC- “No Celine. Hahanap ako ng ibang paraan nang hindi na kita masasaktan” Ayos, parang sila na lang ang tao ditto. Pero ginusto ko naman to diba?? Diba?? “Rei” Baling nya sa akin. “I’m sorry, hindi ko rin kayang patagalin pa ang kasinungalingan. You deserve to be happy”. I know, kaya nga ngpaparaya na.

Ako- “Love will always find its way”

“Salamat” nagduet pa silang dalawa.

Eh ano pang ginagawa ko ditto? Tumango na lang ako sabay exit na, baka magbago pa ang isip ko. I know I did the right thing but why am I hurting? I never had the chance to tell him how much I love him, well, what’s the point? I just keep it to myself. Masakit pala talaga ang mabigo sa pagibig. Kahit na sa sandaling panahon na nagaksama kami. And I just can’t help my tears from falling.

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa, ngunit ayokong, may makakita. Kahit anong sakit ang aking naranasan, yan ay ayokong kanyang malaman. Mga araw na nagdaan, kailanma’y hindi malilimutan. Kaytamis na araw ng pagmamahalan ang akala ko’y walang hangganan. Ang pag ibig kong ito, luha ang tanging nakamit buhat sayo. At sa Maykapal twuna’y dalangain ko, sana kapalaran ko ay magbago. Naks, tumi-theme song pa, kunwari na lang minahal nya rin ako para swak na talaga sa akin ang kanta..assuming? ;)

RYAN’s POV

Yung fiancée ni JC tinawag si Celine, may mahalaga raw sasabihin, syempre hindi ko iiwan si Celine, mahirap na, baka kung ano pang gawin nya, sa sitwasyon ni Celine, wala itong ganang lumaban at mukhang kahit anong sakit eh tatanggapin nya na lang. Hindi ko naman sinasabing mukha itong warfreak, actually, mukhang hindi nga ito marunong pumatay ng insekto. Iba pa rin kasi pag nagalit ang babae, baka nalaman nya na nagtataksil ang fiancée nya at si Celine ang gagantihan.

Rei- “No, it’s okay. Baka may kinalaman din sya ditto”. Ayun, sinabi nya rin, at least hindi ko na kailangang umalis. Teka, may kinalaman? Bakit? I should listen attentively.

Takte, kwinikwento nya na ang lahat. Bida na naman si JC, kesyo hindi nya talaga gustong iwanan at saktan si Celine. Eh nasaktan na nga diba. Maibabalik pa ba yun? Ito namang isa, hindi maitago ang kasiyahan sa nalaman, yumakap pa kay JC, hanep, parang eksena sa pelikula.

At ito na nga ba ang sinasabi nya na may kinalaman ako ditto? Ano bang alam nya sa nararamdaman ko? Teka, ito namang dalawa, parang may sariling mundo na, masikip na ito para sa aming tatlo, ano pa? eh di umexit ka na. Habulin ko na lang si Rei, para pagalitan kung bakit nya pa sinabi. Mas lalo na tuloy akong nawalan ng chance kay Celine. Pero sa napansin ko, sobra syang nasasaktan, nararamdaman ko ang pagpipigil nya na ang iyak. Papagalitan nga ba sya o dadamayan? Dahil parehas kami ng sitwasyon. Pero bigla syang nawala, saan kaya sya nagpunta.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon