CHAPTER 42 – Ang Bagong Bahay
RY’s POV
‘Bye, BABY’ hindi ko maitago ang ngiti ko. Kahit magmukha akong eng eng habang naglalakad pauwi. Iba kasi ang dating ngayon nung mga salitang iyon, unlike the first time she called me ‘Baby’. Yung time na inaasar niya akong alagaing bata.
Though it’s just a simple play I created, it still put smile on my face.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit medyo lutang sa ere. Para yun lang? Eh ano, it affects me nga.
“Saan ka galing?” bago pa ako makapasok ng gate.
“Dad.”Lumabas siya ng kotse. Sa labas na kasi nakagarahe yung kotse niya since andun yung kotse ko sa loob. Haist, mabuti naman at siya lang. “Ah” ano nga ba? Maniniwala ba siya kung sasabihin ko na nag-jogging ako, nang nakatsinelas?
Dad – “Nice stuff toy in the room.” So nakita nga nya si Fidge. Paanong hindi eh ang laki nun. Yung stuff toy na bigay ni Kuya PJ kay Rei. Fidge as in Pidjei(PJ). “For someone special?”
Ako – “Yeah” hay, buti naman change topic. Kung alam lang niya, hindi naman sa akin galing yun.
Dad – “I would be glad to meet her…your mystery girl.”
Ako – “Well, Dad, kasi wala pa namang…” mystery girl? Sino namang ipapakilala ko sa kanya. Eh yung someone special ko hindi naman ako yung someone special niya.
Dad – “It’s okey. You don’t need to rush things.” Pagkatapos niyang kunin yung sadya niya sa kotse. Sumandal muna siya. Hindi pa muna kami pumasok ng bahay. “By the way, I met this beautiful lady last night.”
Ako – “Dad?” ang tatay ko, naghahanap ng ibang babae? At lady pa, meaning mas bata. Kaya ba hindi sila good ni Mom? She must have been really that beautiful para maapektuhan ang nanay ko.
Dad – “Hey! Don’t get me wrong. I’m so much in love with your mother. And for suspecting me, nagdadalawang isip na ako kung ibibigay ko sayo yung pangalan niya.” Ngaks, tamang hinala naman kasi ako. “I like her for you.” Agad? Kakikilala lang niya boto na siya, ni hindi nga niya kilala ng lubusan. “I don’t know. And I believe I’m good in judging people.”
Ako – “Sorry, dad.” I feel the need to apologize. I suspected him.
Dad – “Its okey. Masyado ka namang sensitive.” Ginulo niya pa yung buhok ko. “Halika na sa loob, baka gising na ang Mom mo.”
Pumasok na kami sa loob. Hindi na niya talaga sinabi yung pangalan. Okey, like I care. Magaling naman talagang kumilatis ng tao si Dad, pero ako pa rin ang makapagsasabi ng babaeng bagay sa akin, diba?
“Both of you, better get going.” Si Mom, nagmamadali ng umalis? At ngayon na?
Ako – “Aalis na po kayo?” I asked Dad.
Dad – “Yeah, nagkausap na kami ng Mom mo.” Ah, so mukhang nagkabati na sila.
Mom - “Ryan Albert” buong pangalan talaga? “Get your things. Sasama ka na sa amin. You’ll be moving back to the main house.”
Ano? Sa main house? Biglaan naman .
Mom – “Last time I talked to Yaya Mil, it seems that she can’t be with you anymore. Kaya umuwi ka na lang kaysa wala kang kasama rito.”
Ganun lang? Ambilis naman niya magdecide, without consulting me.
AKo – “Mom. I can’t” so I have the guts to refuse. Hindi pwede. Babalikan ko pa si Rei, kung babalik ako sa main house, hindi ko na basta basta magagawa yun.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...