CHAPTER 29- Ang Puppy Love 2

51 0 0
                                    

CHAPTER 29- Ang Puppy Love 2

 

RYAN’s POV

Ang linis ng suot kong uniform. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok ko, nag spray din ako ng pabango ni Dad.

Ako – “Ano sa tingin mo? Bagay na ba?”

Dylan – “Ang pogi mo boy, sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo?”

Ako – “Oo naman, nararamdaman ko na malaki naman ang pag asa ko. Suportado mo naman ako diba.”

Dylan – “Syempre naman, o ito na yung hinihingi mo. Mas maganda raw ang white kaysa pula.”

Ako – “Ganun ba. Salamat ah” binigay niya na sa akin yung 3 roses na hiningi ko. Hindi ko pa ksai kayang bumili nun eh, hindi pa ako pinagkakatiwalaan nun sa pera, masyado pa raw akong bata kaya limitado lang ang allowance ko. Mabuti na lang at flower arrangement ang business nila.

Sigurado talaga ako sa ginawa ko nun na pagtatapat sa matagal ko ng crush na si Ate Tin. High school siya and I was in 5th grade. Five years ang tanda niya sa akin. Age doesn’t matter naman eh. Elementary pa lang siya, crush ko na siya. Minsan kasi yung mga 6th grade nagbabantay sa lower grades. Natyempo kasi siya sa section namin. Simula nun crush ko na siya. Mahilig rin siya sa basketball, buti na lang kasi mahilig din ako dun. Kaya naging close kami. Pinakilala ko na rin siya kay Kuya PJ. Ewan ko ba pero after nun, mas lalo kong ginusto na gawin yung pagtatapat ko.

Alam ko kung saan siya madalas tumambay. Tamang tama, wala siyang kasama kaya magandang pagkakataon ito.

Dylan – “Good luck” sumaludo pa siya sa akin, gumanti rin ako bago na ako lumapit kay ate Tin. With roses at my back.

Ate Tin – “’Yan, ikaw pala” bati niya sa akin, pag angat ng ulo niya mula sa pagbabasa ng textbook. “May kailangan ka ba sa akin?”

Ako- “Meron sana akong gustong sabihin”

Ate Tin- “Sige, may maitutulong ba ako” sinara niya yun textbook and gave me her full attention.

Ako – “Gusto kasi kita eh.” Diretso ko ng sinabi. Sabay abot ko sa kanya ng mga bulaklak.

Ate Tin – “Wow. Ang ganda! 3 white roses.”

Ako – “3 means ‘I like you’”

Ate Tin – “This is so sweet ‘Yan. You know what? I love you.” Like lang yung sinabi ko, love sa kanya, kaya umasa ako. Lumapit pa siya para i-hug ako. “I love you like a brother, alam mo naman na gustong gusto ko magkaroon ng kapatid  na katulad mo. Naku, ikaw talaga.” Parehas kasi kami na walang kapatid. Tapos ginugulo niya pa yung buhok na matagal kong sinuklay para nga sa araw na ito.

 My first ever heartbreak.

Ang sakit nun ah, dinurog niya ang munti kong puso. ;) 

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon