CHAPTER 1- Ang Pagkikita
REI’s POV
John Carlo “JC” Suarez is one of the best thing that happens in my life, kahit na nga ba arranged lang kami. To the rescue kasi ang pamilya ko (through me) para maisalba ang nalulugi nang business nila JC. Well, kala nyo mabait ang pamilya ko no?..syempre may kapalit yun, ang food chain industry kasi nila ay magandang karagdagan sa AMV (stands for Amado M. Valderama-ang lolo ko) Group of Companies. Kaya kailangan, merger through marriage ang mangyari, at ako lang naman ang pwede. Ang half sister ko (anak kasi ako ni Papa sa ibang babae) ay 30 y/o kaya hindi pwede..19 lang naman kasi si JC..ako? 17 pa lang, tapos meron akong half brother, so definitely, hindi talaga pwede, not to mention na magpapari sya.
At dahil nga anak lang ako sa labas, isang tipikal na kwento pa rin, hindi ako ganun katanggap ni ate at ni lolo rin, for Papa’s sake lang kaya nila ko natatagalan. Kaya nga tinanggap ko na ang arranged marriage ko para masabi nila na may pakinabang naman ako. We are planned to get married few months after my debut..so hindi naman sila masyadong nagmamadali diba. No regrets, kasi mabait naman si JC, kaya nga ako nahulog sa kanya..I love him more than anything..bonus na lang yung physical features nya, gwapo kasi yun. Eh, mukha namang walang sabit kasi pumayag rin naman sya. Pero sigurado ako sa sa itsura nun, nagka-girlfriend na sya sa Pilipinas, dito kasi sa Spain nakabase ang pamilya ko, I'm here since I'm 10 y/o.
Ngayon, andito ako naghihintay sa canteen ng university ni JC sa Pilipinas, sinamahan ko kasi sya para asikasuhin ang ilang mga bagay kasi magtatagal na rin sya sa Amerika, mage-expand kasi ang pamilya ko from Europe to Amerika, dun na kami after wedding, kaya dapat settled ang lahat dito bago kami magpakasal. Wow, hindi naman ako excited makasal no, kahit na nga feeling ko hindi ko pa naeenjoy ang single life ko, kung hindi naman ako arranged kay JC eh malamang, wala akong boyfriend, siguro kasi pangit ako? ;) Buti na lang mahal ko sya..pero teka, mahal rin kaya nya ako? He never said that he love me, madedevelop na lang yun sakin, kaya lang hindi na uso ang film ngayon, digital na ang uso. Joke ;D.
Ooppsss..teka, sino yung babaeng kausap nya? In fairness, maganda sya, chinita, maputi, seksi..ouch, insecure?hehe..syempre hindi ko napigilan, lumapit ako.
Ako- “JC? Uhm, tapos na ba?”.. I’m talking about sa nilakad nya..syempre, nag-HI naman ako sa girl, at meron pa palang boy dun, siguro jowa nung girl, cute din..bagay naman sila.
JC- “Ah, oo, halos patapos na..nga pala, ito si Celine and Ryan..mga kaibigan ko. Guys, si Rei, my fiancée”..
Nakipag shake hands naman ako, hindi naman yun tinanggap nung guy, too much for a gentleman huh..pero kinuha naman ni Celine.. teka, sandali..Celine?? parang pamilyar..syempre pamilyar kasi sikat na brand yun..pero hindi lang eh..I heard this name..if I’m not mistaken..from JC? Bakit parang kinabahan ako bigla. His EX or current? nagtataksil ba sya sa akin? Naks, kung makareact parang asawa..but we’re getting there..pero ganun pa rin eh..from the corner of my mind nagsasabing wag akong maniwala na kaibigan lang sya. Girl’s instinct? Could it be??
BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...