CHAPTER 19- Ang May sakit

60 0 0
                                    

CHAPTER 19- Ang May sakit

REI’s POV

Hinila ko na siya. Si Andy talaga, hindi ko naman inuto si Ryan, kailangan lang talaga kasi hindi ko pa nagagawa na gumawa ng portrait na nasa harapan yung model. Ayun, bakit ba parang big deal? Ilibre ko na lang para makabawi, saka wag ko na raw siyang tawaging Mr. Athlete, dito kami sa labas ng campus, uwian na rin kasi. Libre ko siya ng fishball at kwek kwek, yun pa lang ang kaya ko eh,hahaha, nagtitipid. ANg kaso, siya rin naman ang nagbayad.

Ako- “Ryan, may sumusunod sa atin.” Sabi ko sa kanya, naglalakad na kami papuntang sakayan, wala kaming wheels ngayon kasi nasa talyer for maintenance. “Fans mo”

Ryan- “Hayaan mo lang sila, magsasawa rin yan.” Tsk, sanay naman na kasi siya ng ganyan.

Ako- “Girls, gusto nyo ba ng picture?” tanong ko sa kanila paglingon ko, dalawang high school students. “Its okay, I’ll take it” alok ko sa dalawa. TUmingin naman ako kay Ryan, nagulat naman siya. “Sige na, pagbigyan na natin sila. Baka maging stalker mo pa ang mga yan.” Kanina pa kasi talaga ako di mapakali eh, ganun talaga pag may sumusunod sayo.

Ryan- “Sure, just one” bulong niya sakin, ayiee, pumayag na rin, natakot siguro sa stalker thing. Hehe, dami na niyang pabor sa akin ah, di bale, para sa kanya naman ito.

“Thanks ate” halatang kinikilig pa yung dalawa, nagpaalam na rin sila, mukhang kuntento na sila sa picture ng sikat na player ng campus.

Ako- “Ang bata ng fans mo ah. Pag sikat ka na talaga, wag mo kong kalimutan ah” Biro ko pa sa kanya

Ryan- “Wag mo ng ulitin yun ah” alin? Yung picture?

Ako- “Kaw talaga, ang dami mong fans, may magaganda, hindi mo naman pinapansin. Minsan pansinin mo sila. Wala kang nililigawan, wala ring nalilink sayo. Paano kang makakamove on niyan?” ooppss, natigilan siya, sensitive pa rin kasi ang issue kay Celine.

RYAN’s POV

Hindi ako mapakali, parang may sumusunod sa amin. Hanggang sa biglang kausapin ni Rei yung dalawang hayskul.

Magpapicture sa fans? Ngayon ko lang ginawa ito. Kundi lang nakiusap sa akin si Rei. Hindi ko naman kasi ugali ito.

ANo namang kinalaman ng pagpansin sa kanila sa pagmomove on ko? Porket walang nalilink at nililigawan hindi na makakamove on? Pwede namang hinihintay lang kita? Naks, hahahaha..pag sinabi ko yang biro na yan, siguradong may pambara ito.

Ako- “Naku, nagsalita. Bakit, may nanliligaw ba sayo ngayon? Wala ka namang dini-date ah, hindi pa man, nambabasted ka na.”  natigilan naman siya. Para namang naka move on na siya. Nakita ko kaya yung sketch pad niya, maraming portrait ni JC, latest lang, yung iba pa, during practice namin. Ibig sabihin lagi niya pa rin itong iniisip kaya nadodrowing niya ng walang gayahan. “Sige, sa bawat date mo, susunod ako sa gusto mo, I’ll get to know other girls.” Tingnan ko lang kung  may mangyari, nang biglang..

“Ella” may lalaking tumawag sa kanya, Huh, sino naman kaya ito. “Yung usapan natin ah, wag mong kalimutan.”

Rei- “O, ikaw pala, uo naman, hindi ko nakakalimutan.” Sagot niya, “Nga pala, ito si Ryan, Ryan, ito si Ben,” Pinakilala niya kaming dalawa.

Ben- “O pano, sunduin na lang kita, saan ka na ba nakatira ngayon?” tapos kausap na naman niya si Rei

Rei- “Hindi, magkita na lang tayo dun. Gaya ng napagusapan.”

Ben- “okey, sige. See you. Sige, pare, una na ako.” paalam niya sa amin.

Ako- “Date? Sino yun?”

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon