CHAPTER 37 - Ang Yaya (Original)

44 0 0
                                    

CHAPTER 37 – Ang Yaya (Original)

RYAN’s POV

Hindi ako nagigitara at kumakanta sa harap ng maraming tao. Pero ginawa ko for the first time last night. Magpapahuli ba ako? Nagkaka-jamming-an na rin lang eh. Hehe. Hindi ko lang kinaya yun duet na impromptu daw.

Nagkaroon pa kami ng asaran kanina sa almusal. Nag alarm yung cellphone ko. May reminder, ngayon nga pala yung birthday ng isa sa mahalagang tao sa buhay ko.

Nasa biyahe na kami, going somewhere North. Taun-taon, dumadalaw naman ako sa kanya. Kasama ko ang tropa. Ngayon kasi hindi sila makakasama, mabuti na lang andito si Rei, may kasama ako.

HUminto muna kami sa isang fastfood chain para mananghalian.

Rei – “Gusto mo. Ako naman mag drive? Parang malayo pa” ang lakas talaga ng loob, akala mo naman may lisensya.

Ako – “Hindi na.” ang sungit?

Rei – “Okey. Basta hinto na lang tayo pag napagod ka ah.” Oo, alam ko namang concern lang siya.

Nakarating na kami sa pupuntahan namin. May ilang stop over din kami, mapilit kasi si Rei. HIndi niya ako tinulugan sa byahe kahit na alam kong antok na antok na siya.

May banderitas sa mga daan. Bisperas din kasi ng fiesta ngayong gabi. Hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Ako – “Andito na tayo.” Inihinto ko na yun kotse sa bakuran ng bahay. BUmaba na rin kami.

“Nandito na pala si Yan-yan.” Si kuya Gino yun, pag kakita sa amin. Nagtrabaho rin siya sa amin bilang hardinero, pinag aral ng magulang ko, nagtatrabaho na siya ngayon sa hotel ng pamilya ko na malapit lang dito.

Ako – “Kumusta?” bati ko sa kanya. Nag high five pa kami.

Kuya Gino – “Cindy!” sigaw naman niya na tinutukoy yung kapatid niya.  “pakisabi mo na kay Lola, andito na si Yan---ay si Ry pala.” Sanay pa rin talaga siya sa Yan-yan. “Hindi mo ata kasama yung iba, susunod na lang ba sila?” sanay din kasi siya na buong tropa ang andito.

AKo – “Hindi sila makakapunta.” Napansin naman niya si Rei na nakababa na rin ng kotse. “Ah, siya ang kasama ko ngayon, si Rei”

Kuya Gino – “AH, teka, hindi naman siya chinita, di ba chinita yung …” bulong lang niya yun sa akin.

Ako – “Kaibigan ko siya.” Yung chinita na tinutukoy niya, si Celine yun. Kasama kasi siya last year, wala si JC nun kaya akala nila dito, girlfriend ko siya.

KUya Gino – “Kaibigan lang talaga? Maganda, ingatan mo. Maliligawan yan dito.” Paanong maliligawan? Kung alam lang niya ang pagiging amazona nito. “Kahit sa akin.” Pati siya? Type niya?

“Kuya, ano ba yang sinisigaw mo.” Si Cindy, nakababata niyang kapatid. “Ry---este Kuya Ry? Kadarating mo lang? itong si Kuya hindi ka pa pinapasok, kanina ka pa hinihintay ni lola.”

Kuya Gino – “Sige na, ako ng bahala sa mga dala niyo, saka diyan sa kasama mo.” Kumindat pa.

Ako – “Ah, Rei, si Kuya Gino at Cindy, magkaptid sila. Apo sila ni Nanay Mil”  pakilala ko sa kanila. pwede ba namang makalimutan ko siya.

Rei – “Hi!” ang tipid ng bati.

REI’s POV

Si Nanay Mildred ang may birthday ngayon. Kwento sa akin ni Ry, siya ang guardian niya simula nung ipinaganak siya. Siya rin kasi ang nag alaga sa mama niya kaya parang lola na siya ni Ry.

Pumasok na kami sa bahay kasama yung dalawang apo niya na nauna nang sumalubong sa amin. Si Kuya Gino, parang matanda lang siya ng isa o dalawang taon kay Kuya PJ saka si Cindy na malamang hayskul pa lang.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon