CHAPTER 6- Ang Dahilan

55 0 0
                                    

CHAPTER 6- Ang Dahilan

REI’s POV

Days earlier. After kong maging stupid cupid kina Celine at JC…

Ako-“Grandpa”..tawag ko sa pansin ni Lolo pagpasok ko sa opisina nya. Andito rin kasi sya sa Pilipinas for a business trip, kasama ang ate ko.

Grandpa-“What brings you here hija? Kumusta na ang lakad nyo ni JC?”

Ako-“It’s about him kaya ako nandito. We broke up.”casual lang na sabi ko, kunwari alang feelings, but deep inside, it’s as if my heart is piercing. “I broke up with him…” klinaro ko, mukha kasing maghihistrikal na sya, baka isipin nya si JC ang nakipagbreak for another girl. “I just don’t feel like marrying him.” Wow, lame reason.

Grandpa-“Really? sayang naman, gusto ko pa naman ang merger. Since, walang kasal, wala na rin merger.”kaswal nya lang ring sabi

Rei-“E lo, yun nga po, sana ituloy nyo po na tulungan sila kahit walang kasal. Magaling po si JC magpatakbo ng negosyo, mababawi rin po natin ang investment natin sa kanila.”

“Grandpa already said no.” mataray na boses na pumasok. Si ate Agnes pala. “Merger through marriage is the stongest one, we can’t risk without it.” Naman, business lang talaga ang mahalaga? Panu ng nararamdaman ko.

Grandpa-“I think that’s settled, Hija, go back to your room”

Ayun, bumalik na lang ako dito sa kwarto, mukha kasing may paguusapan sila. Business. What’s new? E panu na nga ako. Wala na yung Plan A. Eh, teka, meron ba akong Plan B? Napapikit na lang ako, itutulog na lang muna sana nang may kumatok sa kwarto. Pinapasok ko naman, I was surprised..si Ate Agnes.

“Well, you can still save his company”. Sabi nya, agad agad? Ala man lang intro? Buti na lang hindi ako slow. “Are you willing to pay the price?” tila nanghahamon nyang sinabi.

Ako-“By all means.” Naks, antapang, but I really mean it. Sa sobrang laki ng pagmamahal ko kay JC, I could do anything, martyr. I sighed. As if namang ipagpapatayo nya ako ng monument.

“Submit yourself, just give up being a Valderama. You’ll be stripped down of your rights as an heiress. Meaning, mawawala sayo ang lahat. Magandang buhay, ang shares mu sa kompanya. Lahat nag iyan, kapalit ng hinihiling mo, para maisalba ang business ng ex-fiancee mu.” Yun lang? tsk..

Ako-“ok, I accept” agad agad rin?di man lang nag isip? Ganun ko ba talaga kamahal si JC? Anyways, pera lang naman yan, karangyaan. Hindi naman ako mayaman nung bata ako eh. Besides, ito na ang chance nila to get rid off me. Ramdam ko naman na hindi ako welcome. I am just an excess baggage. Ok na rin yun, at least I’ll be free. At ang mahalaga, Malaya na rin yung dalawang lovers.

Tapos ang bilis ng mga pangyayari, I heard JC and Celine flying to Amerika, syempre hindi ko sinabi ang sitwasyon ko. Ano na nga bang sitwasyon ko? Ayun, naiwan na ako sa sa Pilipinas, Nagulat man sila sa desisyon ko, I know, somehow, they’re happy. Hindi naman nila ako iniwan ng walang wala, they gave me enough money to pay for a decent lodging, nakapagenroll naman ako, dun na ako pumasok sa school nila JC and I’m taking up Fine Arts, I’m really an artist. Panimula lang naman ang meron ako, syempre I need to earn for a living. Parang princess Sara? But I’m actually from rags-to-riches-to-rags. Ganun talaga ang buhay. Syempre namimiss ko sila, I still love my family. yun ilang mga kaibigan ko dun. Lalo na ang bestfriend kong si Harold. After hearing what happened to me, he wants to fly here para damayan ako but I stopped him, baka paginitan sya ni Lolo, wala raw dapat tumulong sa akin para magtanda ako. A rebellious granddaughter?  Teka, anu bang kasalanan ko? Magmahal? Kasalanan na ba yun? Well, honestly yes, kung sa maling tao. Naks, parang expert sa love. Hehe,, And that’s how my story goes, until I met a familiar face.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon