CHAPTER 57 - Ang Kaarawan ng Prinsipe

34 0 0
                                    

CHAPTER 57 - Ang Kaarawan ng Prinsipe

REI’s POV

A local investigation was conducted after the incident. They referred it as confidential para hindi na kumalat and for the protection of persons involved. Napadali rin naman yun nung matagpuan si Kuya Jim, yung driver ni JC

It turned out that JC was the target. Meron siyang malaking project na nakuha. Inamin din niya that a desperate competitor  gave him a death threat. Since mahigpit ang security niya sa Amerika, sinamantala nila na andito siya sa Pilipinas.

Hindi rin naman niya akalain na aabot sa ganun. Sabi niya, his mistake was not taking it seriously at pumunta pa siya rito. Nadamay pa raw kami.

Kaya nagpaalam sila na babalik na ng Amerika. Sinundo na lang sila for their security. Saka, baka raw pag nagtagal pa sila rito, mas ma expose ako.

Limang araw na rin ang nakalipas after nun. Everything seems normal. Wala namang nakaalam nung nangyari nung gabi nung Universtity Ball kundi kami kami lang.

Nung pumasok ako, tinanggal ko na rin yung mga bandage ko, para less tanong na rin. Gumaling na rin yung sugat ko.

Si Ryan, hindi pa nakakapasok. Tapos, bumalik na naman yung hindi siya nagpaparamdam. Ni hindi nga namin siya nakasama o nakausap nung nag-birthday siya nung 17.

Until I found out that he was back to their main house. Nalaman ng parents niya yung nangyari, of course,kasi nga may connection sila sa police. Kaya nga madali ring napadeport ni Ry si Mr. Sang, yung dati kong boss.

Hingipitan yung security niya kasi nga magbi-birthday pa siya. Naniniwala kasi yung parents niya na lapitin ng disgrasya kapag nagbibirth day. Ngayon pa lang ang celebration.

Kaya lang, wala naman akong invitation. Maski text, email, wala. Pagkatapos nung sinabi niya sa akin, nung mismong Valentine’s day. Naku, sabi na nga ba nanggu-goodtime lang yun.

Naniwala pa naman ako.

Sabi ng barkada, hindi naman talaga sila binibigyan ng invitation ni Ry, like automatic na raw kasi yun. Anyway, wala rin naman akong balak pumunta. Siguradong andun ang parents niya. Para saan pa at nagtago kami dati diba.

“Rei! Rei!” hindi lang katok, may tawag pa.

E di pinapasok ko na sila sa apartment. Sina Dylan at Grace.

“O, di ba ngayon ang party ni Ry, bakit hindi na lang kayo dumiretso.” Nasabi ko naman kasi at nalinaw sa kanila na hindi ako sasama.

Dylan – “Oo, kaya nga kami nandito.” Nakaayos na kasi sila, dinaanan lang talaga ako.

Grace – “Sorry Rei, pero wala kasi kaming maisip na mas magandang regalo eh.”

Sabay hila nila sa aking dalawa.

“Uy, teka, hindi nga ako sasama.” Pero wala namang nagawa sa kanila yung pagtanggi ko.

Nailabas nila ako at naisakay sa kotse.

“Let’s go? Huwag nating hayaang mainip ang prinsipe.” Si Jay ang driver.

Grace – “We need to get the princess dressed first.” Sabay may tinawagan siya. Parang si Dina.

“Just let us be.” Sabi sa akin ni Dylan.

Naguguluhan ako sa kanila kaya minabuti ko na lang na tumahimik. I think, kung may gawin man ako, it would be three against one.

We then headed to Dina’s house. Andun silang dalawa ni Andy, prepared na rin.

“Perfect!” si Dina. Sinabi niya after niya akong ayusan at bihisan.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon