RYAN's POV
Unti unti na ring nahimasmasan si Rei from her first meeting with her 'ultimate crush'. Hindi niya ko talaga tinantanan hanggat hindi ko prinint yung picture nilang dalawa. Nag offer pa siya sa akin na i-stalk si Angel Locsin para rin daw may picture kami. Akala niya nainggit ako sa picture nila. Psh, san nga kaya yun pwedeng i-stalk? ;)
Alex- "Guys, listen! May sasabihin si Coach." Tawag sa amin ni captain after ng practice.
Coach- "Boys, alam kong pressured kayo sa mga laban natin. Dahil lahat tayo gustong umabot sa finals at siguradong lahat gustong magchampion. But I don't want it to compromise our anniversary celebration." Naghiyawan naman lahat. Malapit na pala ang basketball team anniversary at isa yan sa may special celebration sa university. "I want you to enjoy it, well, dahil yan naman talaga ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon." Yun lang tapos kanya kanyang bulungan na. Lahat syempre excited sa event na ito.
"Sino naman kayang alumni ang makakasama sa exhibition match?" tanong ng isang sophomore.
"Yan...ay sikreto muna" si Ate Jane ang sumagot na bahagya pang tumingin sa gawi naming mga regular players.
Ang exhibition match kasi ang pinaka highlight ng celebration.
REI's POV
9th year anniversary ng St. Anthony's Basketball Team at bilang muse nga nila, syempre kasali ako sa celebration na ito. At, mahalagang papel ang gagampanan ko. AKo ang sasalubong at magsasabit ng medal sa alumni na kasali sa exhibition match.
SAbi na magandang bagay talaga itong muse muse-an. kasi..uhm, share ko na ba? Eehhh..shi-share ko na talaga kasi sobra sobrang saya ko..haha..ang OA, pwes kilig much lang naman. Kasi sasalubungin ko ang mga alumni na ngayon ay professional basketball player, at kasali lang naman dun ang pinakamagaling at pinakagwapong star player ng Bullets, none other than..dug dug..dug dug, diba dapat drums eh bakit parang heartbeat yun? Ang OA talaga..hehe.. eh si PETER PARK lang naman.
Lang? Wah, si Peter kaya yun. Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Ry pagkatapos kong malaman kung sinu sino ang alumni na mag ho-homecoming...
AKo- "Ry, hindi mo naman sinabi na graduate pala dito si Peter Park." Tsk, parang ang laki ng kasalanan tuloy niya.
Ry- "Kasalanan ko ba? Hindi ka lang talaga certified na stalker, bakit hindi mo alam kung saang school siya gru-maduate?" alam ko naman eh. At may certified stalker talaga ah, eh ano kayang level ko? hehe
Ako- "Alam ko kaya" kunot noo siyang tumingin sakin. "Ngayon alam ko na" bawi ko, hindi siya naniwala eh. Toinks, dale ako dun ah...
Sa kasalukuyan..
Haist, nadale niya ko dun ah. ALam ko naman talaga kung saan graduate ng college si Peter Park. Hindi ko lang kasi naikonek yung Colegio de San Antonio noon ay St. Anthony's University na ngayon. Eh syempre hindi ko na binida yun, mamaya sabihin niya naman na hindi ko alam ang history ng school na pinapasukan ko, e di dale na naman ako. Ewan ko ba diyan kay Ry, lately nagiging masungit.
Eto na sila. Lima sila. May team mate din na kasama si Papa Peter. Papa? Hehe..
Isa isa ko nang sinuot sa kanila yung medal. Syempre yumuyuko sila kasi..ang tangkad ko eh, hehe.
"Oh, it's you! Small world" sabi niya sakin pagkasabit ko nung medal. Wah, talaga lang ah, nakilala niya ko? Ngumiti lang ako,hindi ako nakapagsalita. Hindi ko talaga ini-expect na makikilala niya ko, kasi mukha siyang may memory gap, haha, joke lang. Madilim din kasi nun sa parking lot. Uhm, Hindi rin imposible kasi nga pala nagpicture din kami sa cellphone niya. Ngayon ko lang naalala, haha, ako pala ang may memory gap. Eh kahit naman hindi niya ko natandaan ipapaalala ko pa rin, kasi papa-autograph ko sa kanya yung picture naming dalawa. ;)
BINABASA MO ANG
Second Love
DragosteSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...