Chapter 46 – Ang Holiday Season
REI’s POV
Pagkatapos ng debut ko, ilang linggo na lang simbang gabi na. Mabuti naman at yung barkada kinukumpleto yun. Kahit na si Ry, hindi na niya matatapos, tuwing Christmas break kasi pumupunta siya kung nasaan ang parents niya so they can celebrate together.
Isang Christmas Event ang dinaraos sa university, hudyat ng pagsisimula ng holiday break. Syempre, lahat masaya. Dahil after ng mga exams, ngayon bakasyon na.
Nagkaroon din ng sariling party sa bahay nila Andy, I mean, mansion pala. Big time eh. Tradisyon naman nila ito kaya parang despidida na rin sa aalis at hindi nila makakasama ng bakasyon. Hindi lang si Ry ang aalis kundi pati na rin si Grace. Unlike Ry, na aalis na rin kinabukasan, si Grace, nandito pa sa Christmas.
HInatid rin namin si Ry sa airport. His destination - Japan. Wala namang makapagbagbag damdaming moments since babalik naman siya agad. Though, malungkot din. Akala ko makakasama ko siya, I mean, namin sa holidays. Kaya lang hindi naman talaga nila nakakasama si Ry pag bakasyon, bumabalik na lang raw kasi siya pag start na ulit ng klase. Tama lang naman kasi naniniwala pa rin ako na this season will be best spending with family. Kaya naiisip ko rin yung pamilya ko sa Espanya.
Dahil wala na ngang pasok, wala rin akong laging kakulitan na si Ry. Medyo natahimik rin ang buhay ko. Bukod sa pag drawing, jamming lang ako mag isa gamit ang gitarang bigay niya. Loner lang ang peg sa apartment ko. Pero hindi rin pala ganun katahimik, kasi nadalas din ang lakad namin ng aking mga girlfriends.
Si Dina at Grace. Nagyayayang mag shopping, bumili ng mga gifts, especially sa mga boylets nila. Nandiyan din yung mga pampering of selves. Girly things like parlor, massage at kung anu ano pa. Well, it’s nice spending time with them.
Christmas Eve. NIyaya ako ni Sky sa kanila magpasko, kaya lang nauna na akong iinvite ni Dina. Magtatampo siya kasi nga ako lang ang mawawala. Lahat kasi sila andun sa bahay nila. Siyempre, ang love of her life niyang si Andy, pati family niya. Dylan and family. Kami lang ni Grace ang solo, nauna na kasing umuwi sa China ang family niya.
Nakakatuwa naman, pati family nila close rin, parang pamilya lang talaga. First time ko kasi silang nakasama. Lahat sila mababait, kaya hindi naman ako nailang.
Ang host daw kasi this year ay sina Dina, so pati New Year dito na rin lahat mag celebrate.
Isang masaya at meaningful Christmas celebration.
SUnod, airport ulit. This time si Grace naman. Tulad ni Ry, sa pasukan na rin siya uuwi.
Dina – “O Rei, ilang araw na lang naman ang bakasyon, sa amin ka na lang muna.” Biglang aya niya sa akin.
At dahil mapilit siya, sino bang makakatanggi sa kanya. What Dina wants, Dina gets. May pagka makulit kasi. Hehe. Magpapatulong rin kasi siyang mag asikaso para sa New Year party.
Ilang araw lang naman saka para hindi naman nakakahiya na tinanggihan ko yung alok ni Sky na bakasyon sa kanila. Gusto ko rin naman yun kaya lang mahirap kasi meron kaming secret. At least dito, mukhang hindi naman nila kilala yung totoong ako.
BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...