CHAPTER 56 - Ang Insidente

35 0 0
                                    

CHAPTER 56 - Ang Insidente

 

RY’s POV

Parang hindi ko na kasi kaya itong nararamdaman ko. Kaunti na lang sasabog na yung puso ko. I can’t hide it anymore. Bahala na kung anong magiging kalalabasan nito. It is now or never.

Kinakabahan talaga ako. Paano ko kaya sisimulan? Ngayon na nga ba talaga?

Minabuti ko na lang na hindi na sumabay sa barkada pag uwi ngayon. Si Celine isasama na ni JC, so ako na ang makakasama ni Rei. Pinahatid ko na lang yung kotse ko rito. Kaya ko pa namang magmaneho.

“Wait lang. I’ll try it first.” Naunang pumasok si JC sa kotseng sasakyan nila pagkakita namin nun.

“Teka, pare, anong problema? Yan din ba yung gamit niyo kaninang pumunta rito?” mukha kasing bago sa kanya ang sasakyang ito kaya gusto niya munang makasiguro. Pumasok ako sa loob, hindi ko alam kung anong nangyayari kay JC pero may hinala akong hindi maganda yun. Hanggang sa makita ko kung saan siya nakatingin. “Sorry girls, I think we’re having a night out.”

Yun lang tapos bumwelta na yung sasakyan para makaalis. SI JC, patuloy lang sa pagmamaneho.

“Teka, sandali! SI Celine, hindi pa nakakasakay!” Narinig kong sigaw ni Rei.

“Hello, Andy, pare” naisipan kong tawagan muna si Andy, sa kabila ng pagpapanic ko. “Si Rei at Celine, nasa parking lot, pwede bang pakisabay niyo na lang muna sila?”

“Sure, teka. Ano bang nangyari?”

“Magkasama kami ni JC ngayon, meron lang kaunting….” Toot.. Battery empty?! Tsk, ano ba naman, wrong timing!

“Any idea about it? I can’t reach Jim” si JC, nagtatanong sa akin habang pilit kong inaaral yung bagay na itinuro niya sa akin kanina.

It’s a bomb. Na na-activate after he started the engine. Okey, ito na nga ata ang sinasabi nila na kapag nalalapit na ang kaarawan, lapitin ng disgrasya.

“Teka nga, anong ginagawa nito rito? May death threat ka ba?” tanong ko sa kanya. Kung sinumang target, maaaring siya yun. O pwede rin namang si Rei? Kung nakita sila na magkasama kanina. Pero bakit?

“No idea.” Siya rin nalilito. “Celine is calling. I don’t know what to say.” Mukhang nireject niya yung tawag. Hindi niya man aminin, halatang panic na rin siya.

“I’ll call the police” kinuha ko yung cellphone niya.

Damn! Hindi ako maka-contact. Hindi rin naman pwedeng huminto sa malapit na presinto.

“We can’t stop and we can’t get out of here.” Not until its deactivated. Merong wire na nagdurugtong sa bomba at sa pintuan. Kaya kung lalabas kami, siguradong sasabog ang bomba, kaya hindi kami nakalabas kanina at minabuti na lang naming lumayo.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon