CHAPTER 30 - Ang Nagpapanggap

51 0 0
                                    

CHAPTER 30- Ang Nagpapanggap

RYAN’s POV

Ako – “Kumusta naman pala ang lagay ni lolo?” I changed the topic. This is really my day. Ako lagi ang napaguusapan. Narrator ang dating ko ngayon.

Rei – “Mabuti na, pumayag na siyang magpagamot sa Amerika.” Masaya niyang ibinalita. “Balak na rin naming sabihin sa kanya ang totoo. Masyado kasing matalino si lolo, imposible lang rin na hindi niya kami mabisto.” Tapos biglang tumamlay, parang doble kara.

Nalulungkot siya kasi matatapos na ang serbisyo niya sa mga Park. That means mapapalayo na siya ulit kay Kuya PJ.

Ako – “Eh, paano kung isama ka nila? Kung tanggapin ka ni lolo bilang apo niya?” Actual-hypothetical question.

Rei – “o, e di sasama ako.” Impulsive answer. “Kung yun ang pagkakataon na makapasok ng tuluyan sa pamilya nila, bakit hindi? At least naging parte pa rin ako.” ANo bang gusto niya, maging parte ng pamilya through marriage? May girlfriend kaya si Kuya PJ. “Tapos, pag andun na ko, saka ko na lang iisipin kung paano aagawin si Peter.” Ngaks, in kontrabida tone.

Ako – “KOntrabida?”

Rei – “Hahaha” tawa pa, nililingon na kami ng iba pang kumakain dito. “Joke lang, as if namang maaakit ko si Kuya PJ. Loyal yun, saka ano namang panama ko sa supermodel niyang jowa, hehehe.”

Ako – “Adik ka talaga.”

Rei – “Uy, joke time lang yun ah.” Minsan hindi ko na alam kung kailan siya nagbibiro at hindi.

Ako – “Oo naman, buti alam mo. Wala kang laban dun.”

Rei – “Oo na, sige na! Ikaw na may magandang taste sa babae. Taas ng standards mo eh.” She’s talking about ate Tin. Tapos biglang banat ng.. “Ni hindi ko nga alam paano tatanggapin ni lolo na nagpapanggap lang ako” yan na nga ba sinasabi ko, kahit paano, may guilt feeling pa rin yan. “Paano kung hindi niya matanggap, tapos ipakulong niya ko.”

Ako- “Oh, e di dadalawin kita.”

Rei – “Wow, Thanks ha.” Hindi man niya aminin, alam kong nagaalala siya.

Ako – “Ano ka ba? Hindi naman pinabayaan ni Julian si Jasmin na makulong sa My Girl diba.”

Rei – “Aba, kumu-koreanovela ka na rin ah.” Oo, nahawa ako sa yo eh, napanood ko rin kasi yun dati, hehe, “Uhm, tama, hindi naman ako nun pababayaan ni Kuya PJ”.

Ako -  “Kahit na pabayaan ka niya, andito naman ako eh,…na dadalaw sayo, hahaha.” Inismiran lang niya ko, napikon, hehe, “Huwag mo ng isipin yun. Kahit hindi tama yung ginagawa mo, maganda naman ang instensyon mo.”

Rei – “Ganun ba yun? Ikaw? Okey lang ba sa iyo na lokohin ka?”

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon