CHAPTER 55 - Ang University Ball
RY’s POV
Masaya ang lahat sa preparation ng University Foundation Ball sa makalawa. Na natapat naman ng Valentine’s day. Kaya lang meron pa akong problema.
Andy – “Tol, wag mong sabihing hindi mo pa rin naaaya si Rei?” ayun nga ang problema ko. Wala pa akong ka-date
Dylan – “Wala ka bang balak i-date sa Ball?” ang yayabang, palibhasa may mga sure date sila. “SIgurado bang wala pang date si Rei” mismo, classmate pa naman niya si Sam. Pero sabi ni Dina, nung tinanong niya si Rei, wala pa naman daw.
Ako – “Tama na yan, kumain na nga tayo. Baka naghihintay na yung mga date niyo sa canteen” eh pagtulungan ba naman ako.
SIna Dina at Grace pa lang ang naabutan namin sa table. NIlagay muna namin yung mga school stuff sa pwesto bago pumila.
“Wala pa ba si Rei?” tanong ko dun sa dalawa. Hindi naman nakaligtas yun dun sa mga boyfriend nila.
“HInahanap hanap kita…hinahanap kita.” Nag duet pa yung dalawa habang papunta sa counter. “Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hinahanap hanap kita.” At itinuloy pa.
Grace – “Andito na siya, sinamahan lang sandali si Celine.” Meron nga pala siyang inasikaso dito.
Dina - “Oh, andyan na pala sila.” Parating na nga sina Rei at Celine…kasama si JC. Hindi ko na sila hinintay makalapit, pumila na lang ako sa counter.
MInsan lang sumabay ng lunch sa amin si Celine noon. Dahil nga meron siyang ibang circle of friends, kaya nung magkasama kami, dun kami sumasabay o kaya minsan kaming dalawa lang ang nagla-lunch. Nagrereminsice? Hindi naman, naikwento lang. Hehe. Isa nga kasi yan sa dahilan kung bakit nagtatampo sa akin ang barkada.
REI’s POV
Lunch, kasama ang mga balikbayan. Absent si Jay ngayon.
Grace – “Malapit na pala ang university ball”
Dina – “Oo nga, excited na ako. Lalo na sayo bakla. First time na kasama mo ang jowa mo.”
Grace – “Pero hindi naman first time kung sino.”
Andy – “Hala ka tol, nagsasawa na sayo.” Lakas mang asar nito, tawanan naman kami.
Dylan – “Bakit babe, nagsasawa ka na ba?”
Grace – “Of course not babe.” Ayun oh, ang mahinhing si Grace gumaganyan na. Harap harapan talaga yan. Sanay na rin, ngayon dalawa na silang naglalambingan sa tropa. Hanggang ganyan lang naman yan, pag asaran lang.
Celine – “Ry, dun ba ulit sa inyo?” three consecutive years na rin daw kasi sa hotel nila Ryan dinaraos ang Ball.
Ry – “No, fully booked kasi yung mga function rooms dito sa malapit.”
Andy – “Kelan ba kayo uuwi? Baka naman makakapunta kayo sa Ball.”
JC – “We still have 1 week. Kaya lang, hindi na kami students ng St. Anthony’s.” I heard hindi pwede ang hindi na student unless alumni.
Grace – “Or unless you are dating a student.”
Dina – “Yeah, pwede naman you are accompanied by someone from outside the campus.”
Celine – “Rei, may date ka na ba?” bakit ako tinatanong niya. Oo nga pala, wala pa. Si Sam nagtanong lang naman pero hindi ako niyaya, assuming lang ako, hehe. Si Jay nagsabi na siya dati pa pero mukhang may ka-date na siya.
BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...