CHAPTER 27- Ang Malaking Pabor
REI’s POV
Aminin ko na naging padalus dalos ako nung habulin ko yung snatcher kagabi. Hindi ko rin masisisi si Ry,paano nga kung may dala pala silang baril. Haist, masuwerte pa rin talaga kami.
“We’re here” si Peter yun, magkasama kami. Bakit? Ito na kasi yung simula ng pabor na hihingin niya sa akin. Pagkatapos naming pumasok sa maganda at malaking bakuran at bumaba ng kotse niya papasok sa isang magara at malaki ring mansion ng mga Park. Hindi ko akalaing ganito sila kayaman.
Ipapakilala na niya kasi ako ngayon sa pamilya niya at para ibalita na rin ang nalalapit naming kasal. “Hey! Daydreamer!” hahaha, paborito kong kanta na ginamit sa commercial ng ice cream. Oo na! daydreamer lang ang peg ko ngayon.
“Young master, kanina pa ho kayo hinihintay ng lolo niyo” salubong sa amin ng matandang lalaki na feeling ko butler nila. Nagbigay galang din si Peter. “Kamusta ho kayo?” baling niya sa akin. “Kamukhang kamukha niyo nga talaga si young miss”
“Paola?” tawag ng isang magandang babae kahit may edad na. Ang alam ko, yun ang pangalan ng kapatid niya. “PJ, anak, kamukhang kamukha nga siya ni Pao, lalo na sa personal. Siguradong matutuwa nito si Papa.” Mukhang siya ang mama ni Peter, paano ko ba babatiin ang biyenan ko? Haha, patawa, parang awkward naman magmano. “Iha, kumusta ka?” bumeso pa at yumakap pa sa akin. “Anong pangalan mo?”
“Rei po” magalang kong sagot.
Mrs. Park- “Rei, anak” anak? so tinatanggap mo na ko ‘ma? Hehe. “Pwede bang Paola muna ang itawag namin sayo habang andito ka?” tumango lang ako bilang sagot.
“Kumusta na ho si lolo?” singit naman ni Peter. Eh hindi na niya kami naipakilala sa isat isa
“Ganun pa rin, halos walang nagbago.” biglang pasok na sagot ni Uncle. Siya yung kasama ni Peter nung nagpapicture ako. Aba, ang pogi rin ni Uncle ah, ngayon ko lang naappreciate. ;)
Mrs. Park- “Kuya, she’s Rei, malaki maitutulong niya sa atin kay Papa.” Naikwento sa akin ni Peter si Uncle, kapatid siya ng tatay niya. Nasaan kaya si Mr. Park? Nasan kaya ang dad ko? Hehe.
“Kumusta? Call me Uncle Tom.” Nakangiti niyang sabi sa akin, at nakipag shake hands.
Ako- “Mabuti naman po”
“Paola?” ulit? This time lalaki naman ang boses. Pababa ng hagdanan. Sa dami ng sumalubong sa amin, hindi ko na napansin na nasa salas na pala kami ng mansion.
Peter- “He’s my dad” pakilala niya sa akin. SO ito na pala si Dad? Kumpleto na ang mga in laws ko, hahaha. Mas Kamukha ni Peter ang Dad niya.
Mr. Park- “Welcome to the family” wow? Agad agad? Ganito pala feeling na makitang muli ang long lost family? Matagal akong nawalay sa kanila kasi inakala nilang patay na ko nung isilang, ipinagpalit kasi ako sa ibang baby. Weh? Naging teleserye naman ang peg? Hehe.. Sinisira ko naman ang moment ko sa mga inlaws ko. In-laws daw oh, hehe.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...