CHAPTER 41 – Ang Nagtanan
REI’s POV
Hindi ko na siya nasagot. Lumabas na siya para tingnan kung sino yung dumating. Sinundan ko na rin para makiusi. Ang ganda ng sasakyan, yung driver kausap si Ry, tapos sumunod na lumabas ng sasakyan si…Madam?
Nakupo, buti na lang nakapagempake na ko. Papasok na sila rito sa loob. Lumakad ako palayo. Balik sa kwarto ko, kailangan kong magtago. Saan? Sa cabinet? Sa ilalim ng kama? Bitbit yung bag ko at ang aking sketch pad lumabas ako ng kwarto. Buti na lang nakababa na ako bago pa sila umakyat sa taas, maingat akong pumunta sa may pintuan sa likod. Nasa labas na ako ng bahay. Ngayon naman kailangan kong lumabas ng bakuran. Hindi naman mataas ang bakod, pwede ko namang akyatin.
Hinagis ko yung gamit ko sa labas at saka ako umakyat, nasa kalsada na ako. Later did I know na kaya pala ako nahirapan umakyat kasi naka-dress pa ako. Ang unang damit na bigay niya sa akin ay madumi na, may punit pa. Sumabit kasi ako sa bakal ng bakod.
Lumakad ulit ako palayo. Hindi ko alam saan basta dapat makalayo. GUmilid pa ako at nagtago sa puno pagdaan ng sasakyan na naghatid sa nanay ni Ry. Bago ako umalis sa pagkakatago, hinayaan ko munang makalampas yung isa pang magandang kotse na sumalubong.
Dejavu. Parang nangyari na to. Para na naman akong palaboy na naglalakad sa subdivision, buti na lang tahimik na sa paligid at walang makakakita sa akin, liban na lang kung matyetyempuhan ako ng mga guard na nagroronda.
Bago pa kung saan saan ako mapunta, meron akong alam na lugar na matutuluyan ko kahit ngayong gabi lang. Hindi na ako nagsayang ng oras, pumunta na ako dun
Wala namang masama kung dito muna ako tutuloy.
Naramdaman kong may nag vibrate sa bag ko. Cellphone. Naka silent mode nga pala ako.
“Hello?”
“Nasaan ka?” pangalawang beses na niya akong tinanong niyan ngayong gabi – si Ry. At the back of my mind, I really expect his call. And he did not fail me.
“Kumusta ng Mom mo? Magkaka bonding na kayo ngayong gabi.” Adik lang, imbes na sagutin ko yung tanong. Dapat ba asarin ko siya na since andiyan na ang nanay niya, pwede na siyang magpabasa ng bed time stories. Psshh, wrong timing for that kind of joke.
“Nasaan ka?” ulit niya, this time, firmly. Not to mention na medyo aburido na.
“Okey lang ako, meron naman akong matutuluyan na. Hindi ka pwedeng umalis diyan, baka hanapin ka.” Ano namang ipapaalam niya kung aalis siya ngayong alanganing oras na.
“Wherever you are, I’ll find you” matigas din ang ulo nito. Sinabi ko na, so it would save him trouble to track me through my phone. Pakipot pa ako, eh yung mga moments like this, siya ang gusto kong makasama. Seems like he’s heaven sent to make me realize that I am not alone.
RY’s POV

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...