CHAPTER 34- Ang Celebration

48 0 0
                                    

CHAPTER 34- Ang Celebration

 

REI’s POV

Akalain mo yun, ang swerte ko namang muse,hahaha. Champion ang first ever team na pinag-muse-an ko. At syempre, proud ako sa alaga ko na nag-MVP player pa.

DAhil lahat masaya, this calls for celebration na siya namang sasagutin ni Coach. Umuwi muna kami para makapagpahinga kahit paano. Night life kasi yung celebration, okay lang kasi wala namang pasok kinabuksan.

Ako – “Skyz Band? Ibang klase rin pumili si coach, may live band pa.” Pagpasok namin sa isang resto bar yun yung nabasa kong name ng band na magpeperform tonight. Ilan lang yung ibang tao kasi pinareserve ni coach ang place na ito.

Ry – “O bakit? Young at heart pa rin yan si coach. Paborito niya rin ang mga tipong Parokya ni Edgar.”

Ako – “Wow, talaga!” na amaze naman ako. ;) Nakita namin ang tropa na kumakaway kaya pumunta na kami sa table kung nasan sila.

Dina – “Oy, kayong dalawa, halika na. Let’s celebrate!” high spirited,

Bumati na kami kay coach pati sa mga tao dun. Nandun na lahat ng players kasama yung ilang din nilang friends na malapit din naman sa team. Kami pala yung huling dumating. Hehe.

Coach – “Kids” haha, parang mga bata lang kami. “Mag eenjoy lang tayo ah, hinay hinay sa pag inom.”

“Yes, coach!” parang mga bata lang rin na sumagot.

Andy – “Rei, what would you prefer? Hard?”

Ako – “Ladies’ drink? haha, Joke lang, hindi pa nga ako nakainom nun”

Jay – “Would you like to try this?” Inabutan naman niya ako ng drinks. Uhm, okey na rin yan. Nakita ko yan din yung iniinom ng mga girls, maliban kay Grace, juice lang kasi sa kanya. Aabutin ko na yung drinks kaso.

Ry – “Hindi sya pwede” harang niya, siya kumuha. “Siya driver ko mamaya kapag naparami ako ng inom.” Ano raw? May balak talagang magpakahappy happy ng loko. Isang beses ko nga lang siyang naipag drive, after nun parang wala na siyang balak ulitin.

Dina – “Overprotective naman ni Papa Ry.”

Grace – “Hayaan mo na Di, para may katulong akong umalalay sa inyong mga lasing. Hehe.”

Dylan – “Bilin ni coach bawal magpakalasing. Protective lang talaga si Ry.”

Ry – “Ha? Eh kasi, madaling malasing yan. Makasinghot lang ng alak lasing na. Saka hindi niyo alam anong kaya niyang gawin pag lasing.”

Ako – “Ang kapal! Hmmp, sige, hindi na ako iinom. Sorry Jay” siya naman kasi nag alok sa kin.

Jay – “It’s okey, ako na kukuha ng iinumin mo. Ano bang gusto mo?” Busy kasi lahat ng mga waiter.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon