Chapter 45 – Ang Regalo
REI’s POV
ANg saya lang kasi prepared sila. Sabi ni Ate Jane, kumain raw akong maigi kasi marami pang mangyayari sa program.
Nagngitian pa lang kami ni Sky at ang banda, hindi pa kasi kami nagkakalapit, busy pa sila sa pagtugtog eh. Habang kumakain kami. SUlit din yung binayad sa kanila ah, hehe.
“Nauna nang kumain yung banda para raw makatugtog sila ng maayos ngayon.” Si Ate Jane, napalingon naman ako sa kanya. Nakita niya kasi ako na nanonood lang sa tumutugtog.
“Ate Jane, thank you.”
“Dahil sila ang kinuha ko? Libre kasi kaya ayan.” Tumawa pa siya. She’s talking about SKYZ.
“Haha, hindi naman sila. I mean, salamat dito ah.”
“Alam mo bang ganito rin ang ginawa nila sa akin nung debut ko?” she said, out of the blue.
Ako – “Talaga?”
Ate Jane – “Naging tradisyon na yan sa team, bihira kasi ang babae sa basketball diba.” I see, 1st yr pa lang nasa basketball team na siya. Naging assistant, hanggang sa ngayon nga siya na ang punong abala sa mga events ng team.
Ako – “Pero iba kasi kapag ikaw ang nag asikaso.”
Ate Jane – “Naku nambola ka pa diyan. Kung meron ka mang dapat na pasalamatan, si Coach yun. SIya ang mastermind sa ganito. Alam mo naman, sabik yan sa mga ganitong event. Wala naman kasi silang anak na nagdebut. Lalo na at kapartner niya rin si Mrs. Lina sa ganitong bagay.” Three boys kasi ang anak ni Coach, lahat may mga sarili ng life. “Puro lalaki na nga ang anak niya, pati mga anak niya sa school, lalaki pa rin. Isipin mo na lang ang fondness nila sa anak anakang babae.”
Ako – “Sabagay, mas pasaway kasi ang mga boys kaysa sa atin.”
Ate Jane – “True.” Nagkatawanan pa kami. “O, Ready ka na ba?” nagtatakang mukha lang ang nakita niya. “Hindi pa nga tayo nagsisimula eh, sa program natin.”
Iginiya na niya ako dun sa upuan na nilaan nila para sa akin. Naghiyawan naman sila. Mag start na nga kasi yung program.
Ano bang tatakbuhin ng programang ito. Huminto na sa pagtugtog ang band, then they played a familiar sound. Graduation march, hahaha, joke lang. What would you expect to a traditional debut. Tugtog na pang cotillion. I guess 18 roses will be first.
My 18 roses? 11 out of 12 came from the basketball varsity team. KUlang kasi sila talaga ng isa. Yung 4 sa banda. Si Dylan. Si Sam, yung poging classmate ko na tumapos ng mural namin nung college week kasabay nung first ever game ni Ry eh napulikat siya nun. At syempre, last but not the least, si Daddy Coach. Hehe.
Yung order ng pagsasayaw, wala lang. Nagbunutan lang yung 17 boys. Yun pala yung pinagkaabalahan nila kanina.
Jay is my first rose.
Jay – “Anong masasabi mo sa exhibition match?”
Ako – “Loko! Exhibition match ka diyan.” Aba, tinawanan lang ako, pero hindi naman malakas.
Ayun, tapos sunud-sunod na sila randomly.
Ako – “Now, you finally meet the basketball team.” Sabi ko kay Sam habang turn na naming magsayaw.
Sam – “Yeah, Parang pamilya lang.”
Ako – “Sasali ka na?” minsan ko na siyang naayang sumali para mapunan yung 12 players. Nakita ko kasi na marunong din naman siya. Kaso, hindi naman siya sumagot ulit. Nginitian lang ako. “Okey, sabi ko nga eh. Hindi mo iiwan ang taekwondo.”

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...