CHAPTER 5- Ang Muling Pagkikita

65 1 0
                                    

CHAPTER 5- Ang Muling Pagkikita

RYAN’s POV

“Teka, may muse na ba tayo? Kung andito sana si Celine, baka pumayag yun lalo na andito naman si Ryan.” Si Jacob, talking about the coming intercollegiate meet, malapit na rin kasi yun at wala pa kaming muse. Like I care, kung sana si Celine na nga lang.

“There’s this beautiful girl na kapapasok lang sa college namin”. Si Adrew from college of Fine Arts and architecture.

“Ano? Sa college nyo? E sa dalang ng babae dun, may magkamali lang na isa na pumasok dun eh maganda na sa tingin nyo.” Banat ni James..nagkatawanan ang lahat (except me). Joke lang naman yun, syempre magaganda ang mga girls sa amin, esp. Celine. It so happen na ang CAFA kasi ay parang pang boys lang.

“Of course not, maganda talaga, her name is Mikaella, nakita nga ni Captain eh, mukhang type nya, well type ko rin.”sa sinabi nya naging intersado naman ang lahat, si Captain na may mataas na standard eh nabihag ng babaeng to? Maski si Celine nga eh hindi pumasa dun..mabuti na lang..so he leave her alone..(Celine na naman? Celine pa rin?)

“Eh bakit hindi nyo pa ininvite? Sino ba namang babae ang tatanggi sa ganung opportunity?”

“Ang kaso, bago pa nga lang. Intimidating, ang lakas ng personality. We decided to take it slow.” Ah ganun? Mukhang nangangain ng tao? Anung maganda dun?. “Ryan, baka pwede namang ikaw na lang ang makipagusap sa kanya. Baka hindi ka nya matanggihan.”

“Pass ako pare, ngayon pa lang hindi ko na sya type. Hanap na lang kayo ng iba.”wala naman kasi ako talaga sa mood.

It’s been a couple of weeks since I had my heart broke. Andito ako sa practice ng basketball pero walang ganang maglaro at makisali sa diskusyon nila. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam ko at dumiretso na ako ng uwi, ng mag-isa. Oo, mag isa na ako simula nun, wala ng sinusundo at hinahatid, wala na rin akong kinukulit at wala ng nangungulit sa akin. Bakit? Kasi umalis na si Celine, isinama na sya ni JC sa Amerika, andun na rin naman kasi ang mama nya. Naalala ko pa nung nagpaalam sila….

JC-“Pare, thanks for taking care of her habang wala ako. Don’t worry, its my turn now, di ko na sya pababayaan, I learned my lessons well”

Ako-“It’s better said and done”. Astig. J

Celine-“Ryan, thank you sa lahat ah, mamimiss talaga kita.”humalik pa sa pisngi ko.chumansing pa for the last time? Syempre gusto ko naman yun. “Keep in touch ah”. Ayun, umalis na rin sila. Hindi na ko sumama pa sa airport. Baka mahirapan akong pakawalan pa si Celine lalo. At ayun, hindi ko n nasabi sa kanya na mahal ko siya. Well, buti na lang rin, mapapahiya lang ako.

Ayun ang nangyari, dun na lang daw nila iisipin kung panu sosolusyunan ang sitwasyon ni JC. Hihingi na lang rind aw sila ng tulong sa mama ni Celine. Kahit ano, malusutan lang to. Against all odds ang drama nila. Eh ano pa bng magagawa ko? Magmukmok..ng konti lang naman, tapos magmo-move on. Wow, positive.. ;)

Andito ako sa kwarto ko nagmo-moment, nang makaramdam ako ng gutom. Bababa ako para mkahanp ng makakain. Takte, alang pwedeng makain. Wala naman kasing nagluluto sa akin hindi na rin ako nakakabili ng supplies, mag isa lang kasi akong namumuhay ditto sa bahay. Parents ko? Ayun nasa malayo..business matters.., kun andito sana si Celine, hindi ako magugutom, matakaw kasi un eh, mas masarap kumain pag may kaagaw..toinks.. Celine n naman? Nagmomove on nga ako diba..Sige, lalabas na lang ako tulad ng dati, mula ng umalis at umuwi ng probinsya un kasama ko sa bahay, lagi na akong sa labas kumakain..

At dahil ayoko ng magdrive pa ng malayo, subukan ko na lang ditto sa malapit na restaurant. Mukhang sosyal na pang masa. Pwede na. Teka, meron akong nakita na pamilyar na mukha, Mukhang hindi nya ako nakilala. ‘ELLA’ ang basa ko sa name tag na nakalagay sa kanya nang pagdaan nya sa harapan ko. Hindi ako maaaring magkamali, sya talaga yun. “May I take your order sir?”. Natigilan na lang ako sa waitress na nakalapit na pala sakin nang di ko namalayan. Binigay ko na ang order ko at pinagmamasdan ko lang yung babaeng yun.

“Miss, hanggang anung oras kayo open?”tanong ko dun sa waitress. Sya na rin kasi ang naghatid ng pagkain ko.

“Till 8pm po kami”. Sagot naman nya

Ako-“ Mga anung oras kayo lumalabas?”

Waitress-“9 pm po ang uwi ng mga empleyado.” Sagot lang din nya. Para pa nga syang nagblush. Teka, iniisip ba nya na type ko sya? Hehe..well, anu nga ba ang iispin mu dun? Di ko rin alam kung bakit ko natanong yun.

Maayos naman akong nakakain. Andito na rin ako sa parking lot. Mga pass 9pm na rin. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko rito.

Ayun, lumalabas na sya, bumaba na rin ako ng kotse.

Ako-“Rei?”tawag ko, hindi na ako nabigla nang lumingon sya, sabi na sya talaga yun.

“Ella, sya yun sinasabi ko kanina na nagtatanong ng time out natin, asus, kaw naman pla ang type. Kilala mu ba? Bakit Rei ang tawag nya sayo?” Narinig kong sabi ng kasama nya, yung kausap kong waitress kanina.

Rei-“Oo?” huh? Patanong? So hindi nya ko natatandaan? Eh ilang araw lang yun ah. “O sige, bukas na lang ulit. Ingat ka” paalam nya dun sa babae, pumara na kasi to ng jip. “Ryan, right?” baling nya sa akin. Natatandaan naman pala ko.

Ako-“Hatid na kita”. Ayus, hindi naman yun ang pinaghintay ko diba, dapt kokomprontahin ko sya, ipapaalam sa kanya na mali ang ginawa nya. Na sya ang dahilan kung bakit nasasaktan ko ngayon. Tumanggi naman sya. Pero I insist, kasi naguguluhan ako. Anung ginagawa nya rito? E sa Amerika naman sya nakabase. Wala syang kotse? Waitress? E di ba mayaman to, sila nga magsasalba ng business nila JC eh. O baka hindi totoong mayaman sya kaya naghiwalay na lang rin sila ni JC kasi wala naman pala talga syang magagawa. Ang pinaghintay ko ay para lang pala makatsismis ako? Hehe..joke lang.. Curious lang talaga ako. Mabuti na lang pumayag rin sya, at least I can hear her story.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon