CHAPTER 15 – Ang Muse
RYAN’s POV
“Tol,” tawag sakin ni Jacob, “ kala ko ba hindi mo type si Mikaella? Eh halos araw araw kayong sabay pumapasok?”
Ako- “Mikaella?” tanong ko.. ah..si Rei, Mikaella nga rin pala pangalan nya..Naalala ko na, so si Rei pala yun taga-CAFA na gusto nilang maging muse..tagal ng buffering ko eh..hehe.. “Ah, eh ano naman”, sabay bawi.
Jacob- “Tsk, pinopormahan mo?”
Ako- “Hindi” hindi naman talaga, at least hindi pa..teka, may balak ba akong pormahan yun..
Jacob- “In-endorse na siya ng basketball committee na maging muse natin sa darating na tournament, ayun, kinausap na rin ni Ms. Jane ang College nila. Di ko pa lang alam ang result.” Si Ate/Ms. Jane yung parang manager ng team namin. Siya ang nagaasikaso ng mga bagay bagay about sa team.
REI’s POV
Naku, ang daming mga tao..puno ang bleachers, malaki nga kasi talaga ang university na ito kaya dito ginaganap annually ang opening ng basketball tournament.
AKala ko andun lang ako sa bleacher bilang support kay Ryan at sa team niya, syempre sa school din namin, kaso eto ako ngayon. Kasama nila sa parade, opposite nung kay Captain Ball, hawak ang banner ng school namin.
Take note..may nakalagay na MUSE sa likod ng suot ko. O ha, first time ko ito kaya kailangan ng capturing moments. Sabay……click ng camera, tsk..yung mga barkada ni Ryan, mga supportive, okey, sila na ang bahala sa capturing moments. Eh panu ba ko napunta sa sitwasyong ito.
Isang araw, yung professor ko tinawag ako, I was chosen daw na mag-muse, at dahil excited si Mam, in-encourage niya ako, kasi bihara lang daw na mag-muse ang taga-college namin. Automatic 1 na kasi ang PE grade dun once na participant ka ng mga ganitong klaseng event at dahil grade conscious ako, tinanggap ko. Haha, joke lang..ayoko lang kasi ng PE namin ngayon, Modern Dance, eh hindi ko kaya yun, baka sa PE pa ako bumagsak. Bahala ng magtiyaga sila sa akin bilang muse..hehe…
SAbi ni Ryan, meron naman na raw talagang muse sila from College of Tourism, kaya lang nagkaroon ng emergency kaya hindi nakapasok this sem. Ewan ko ba bakit hindi na lang dun kumuha, e yearly naman daw taga dun ang kinukuha. Eh hayaan ko na lang, ok na to at least ligtas akong sumayaw..hehe..madali lang naman ng gagawin dito, hahawakan ang banner, lalakad ng konti at magpapakita ng konting legs. At least, napatunayan ko rin na hindi lang magaganda ang nagiging muse, nasa guts lang talaga yan.. ehehehe…
Tapos ng ipakilala ang lahat ng schools na participant.
“And the 34th Season of College Basketball Tournament officially opens!!” alingawngaw ng boses ng MC, sa wakas, tapos na. Pwede ng umuwi..hehe..
“Have you seen our beautiful muses?” may pahabol pa pala, teka kami yun ah. ;) “I’m sure, hindi lang sila magaganda kundi mga talented pa. After few moments, we will start their talent portion”..palakpakan ang mga tao,,pero ako hindi masyado.. Talent? Wala namang ganun na sinabi..Hindi ako prepared.
RYAN’ POV
This is my second time in this event at mas pinaghandaan ito ngayon compared last year. Hindi ko alam kung paano nila napapayag si Rei na mag muse, hindi ko lang din akalain talaga na tatanggapin niya. I’m not saying na hindi naman siya bagay at wala naman siyang K. Usually kasi na muse namin ay mga pa-demure effect, eh ito, hindi eh, astig kasi to. Ni halos wala ngang pinakitang legs (para bang na-disappoint ako dun? Hehe). Pumayag na rin siguro si Ate Jane sa gusto niya kesa wala naman kaming representative.
Nag enjoy naman kami sa ceremony, bilang..ahem..ace player (daw) ng team, andito ako nakapila sa likod ni Captain at ni Rei. Hanggang sa may biglang in-announce yung MC.
Rei- “Uy, Ryan, may talent?” nagaalalang bulong niya sa akin.
Ako- “Sinabi di ba?” umismid naman siya, halatang naasar. Okey sige, nakikisimpatya ako sa kanya. “Last year wala naman kasing ganyan.”
Rei- “Wow, supportive mo pare ah.” Sabi na naasar siya eh, Tapos mahina pa akong sinuntok sa dibidib, kitam, sabi na siga eh.
“Sorry, Rei. Hindi tayo na inform regarding this” si Ate Jane, pero mukhang kahit paano alam niya yun, di lang niya sinabi kasi baka hindi nga pumayag si Rei.
Rei- “Ay ayos lang po” ayos lang talaga? sige, alam ko nahihiya ka lang diyan kay ate Jane. “EH, meron pa po bang question and answer?” hahahaha..natawa naman ako dun. Beauty contest ba ito? Yung ibang nakarinig, tumawa rin.
Ate Jane- “Sigurado, wala na.”
Rei- “Ah, okey, buti naman” parang nakahinga na siya. “Tawa ka dyan.” Baling niya sa akin, nahuli pala niya akong nagpipigil ng tawa.
Ako- “ Hindi na.” sabi ko taas pa ng dalawang kamay. Baka maasar na talaga to saken. “MArunong kang magkarate diba? Gawin na lang natin yun ginawa ni Sandra Bullock sa Ms. Congeniality 1. Turuan mo sila ng self defense.” Medyo seryoso ko namang sinabi.
Rei- “ Eh hindi nga ito Beauty contest eh” ayun oh, bumanat pa. Tapos yun iba ang dami ring sinu-ggest. SUmayaw na lang daw siya, hindi naman ata nakatulong ang mga suggestions nila.
Ate Jane- “Rei, nandito pala ako kasi tinatawag na yung mga representative.”
Ako- “So ano ngang plano mo?”
Rei- “Watch me” sabi niya bago sila nakaalis ni Ate Jane.
Maya-maya, nagstart na, mukhang kami lang talaga ang walang alam. Yung iba may mga props pa. may back ups, yun iba impromptu. May nagmodel pa ng naka-swimsuit. Syempre marami namang natuwa. Enjoy naman palang panuorin to, hehe. I'm wondering, ano kayang gagawin nun ni Rei.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomansaSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...