CHAPTER 38 - Ang Pagsubok
REI's POV
BUmalik ako sa kwarto ko, magpalit daw ako ng damit. Sabi niya mag pambahay lang raw ako. Tutulong daw kasi ako sa pagluluto.
Okey, wala namang problema sa akin yun. Kaya lang kasi, yung pakiramdam na parang si Cinderella na hindi pinayagang sumama sa Royal Ball. Gusto ko pa namang makapanood ng sagala. Lalo na andun si Ry.
Narinig ko na nagvibrate yung cellphone ko. Naka silent mode kasi yun. May tumatawag, malamang si Ry, bigla kasing naiwan ako dito. Pagtingin ko, hindi naman pala siya.
"Hello, Cinderella" bati ng nasa kabilang linya. Sakto ah. MInsan na nga pala akong kinumpara ni Dylan kay Cinderella. "Kumusta fiesta diyan?"
AKo - "Ayun. Ayus naman, sayang wala kayo dito."
Dylan - "Oo nga eh, balita ko, kasali sa sagala si Ry ah. SInabi niya sa akin nung tumawag kami para bumati kay Nanay Mil. Balitaan mo ko kung tatagal nga sa lakaran yan."
Ako - "naku, hindi pwede eh, hindi kasi ako kasama, naiwan ako dito sa bahay." Ayun oh, magsumbong ba?
Dylan - "Ha? Pinaiwan ka ni nanay Mil?"
Ako - "Oo eh, sabi niya mas okey daw na maiwan ako.. nga pala, sige, babye na ah. Balitaan o text na lang kita mamaya ah. Bye." Pinagpalit lang pala ako ng damit, hindi ako pwedeng magtagal. Malamang naghintayn na rin siya sa akin.
Dylan - "Okey sige, Enjoy. Bye"
Naku, sabi na nga ba, iniwan na ako. LUmabas na ako ng bahay. Mabuti naman yung bahay kung saan nagluluto sa tapat lang pala. Pumunta na ako dun.
Nanay Mil - "Andyan ka na pala. Marunong ka bang magluto?"
Rei - "OPo"
Nanay Mil - "Bing, ito si Rei, tutulong siya sa inyo."
Bing - "Anak ako ni Nanay Mil, pamangkin ko sina Gino, Ate Bing na lang tawag mo sa akin."
Rei - "ok po."
Bing - "Sige, magsimula ka na. Ganito ang gagawin."
Ang daming lulutuin, parang magpapakain ng buong barangay, hehe. Ganito nga ata talaga pag fiesta. Nakilala ko pa yung ibang mga tao dito. Mga kamag anak din sila ni Nanay Mil. Yung anak, manugang ibang apo.
Meron silang pinaubayang luto sa akin. SI nanay Mil, andun lang din, nagmamasid. Supervisor? Hehe. ;) Hindi naman mahirap kasi marami kaming nagtutulong.
Lumabas lang din kami saglit para panoorin yung pagdaan nung parade. Masarap naman palang kabonding si Nanay Mil at ang pamilya niya. Mas quality time na rin ito kaysa sumama pa akong nakiparada sa sagala.
RYAN's POV
Si Nanay Mil, mahigpit pa rin talaga. Lalo na sa pagkilatis dito kay Rei. Hindi tuloy siya nakasama sa prusisyon ngayon. Okey na rin yun kesa ma expose siya dito habang ako nakakulong sa arko.
Nag enjoy naman akong kasama si Cindy sa paglalakad. Minsan isinasama siya ni Nay Mil sa bahay pag bakasyon kaya nakakalaro ko rin siya. 16 y/o pa lang siya ngayon.
"Ibang klase rin ang batang yun ah. Magaling sa kusina" bungad sa akin ni Nay Mil. Tapos na yun sagala, nakauwi na kami at kumakain ng handa ng bisperas at b-day ni Nay Mil. " Naaalagaan ka rin ba niya ng husto?"
Ako - "Oo naman po." Parang nalungkot siya. "Pero ibang klase pa rin po ang alaga niyo."
Nay Mil - "Aba, ay syempre naman." Selos siya. "O siya, tawagin ko na siya sa kusina para makasabay mong kumain." Umalis na rin siya.
Ilang saglit lang..
Rei - "Uy Ry, anong nangyari?" tanong agad pagdating niya.
Ako - "Ayun, naglakad ng malayo."
Rei - "Pagod ka na noh, magpalit ka na kaya muna. ANg init niyang suot mo eh."
AKo - "Mamaya na pagkatapos kong kumain. Ang sarap nito ah. Kayo bang gumawa."
Rei - "Oo, tama ka." Proud niyang sinabi. "Ang dami kong natutunan kina Ate Bing. Kaya maipagluluto na rin kita ng pang fiestang ulam."mukha namang mas nag enjoy siyang maiwan dito.
Tapos na rin naman ang mga fiesta happenings for the day. Inaaya na lang ako ni Kuya Gino sa inuman, pagod na rin ako kaya nag-pass muna ako. Magpapahinga na rin kami.
Ako - "Rei, halika muna sandali." Tinawag ko muna siya bago makapasok sa kwarto niya. "May ipapakita ako sa yo." Niyaya ko na siya sa may hagdanan.
Rei - "Anong meron sa attic?"
Ako - "Basta." Sumunod na lang din siya. Pagdating namin dun, binuksan ko yung bintana, saka lumabas dun. Sunod lang din siya.
Rei - "Wow! Ang ganda naman dito." Andito na kami sa may bubong. Sakto namang may mga fireworks. "Madalas ba kayo dito?"
Ako - "Hindi masyado. Marami kasi kami, ipinagbawal na rin ni Nay na umakyat ang marami, pag nagkakaharutan daw kasi baka madisgrasya kami."
Kumuha ako ng pansapin tapos humiga kami.
Rei - "Ang ganda talaga ng mga stars." Mas maganda naman siya diyan, hehe. Naglaro lang kami, gaya ng panghuhula ng mga constellations na alam namin.
Nahuhuli ko siyang napipikit na kaya niyaya ko na ring bumaba, mahirap nang makatulog pa siya rito.
KInabukasan.
Nanood muna kami ng mga palaro sa plaza. Pagkakain, pinaalis na rin kami ni Nay Mil, mahirap na raw kung gagabihin kami sa daan.Marami silang ipinauwing pasalubong sa amin.
Nagpaalam na rin kami. Nagustuhan niya na si Rei kaya nakuha ko na rin ang blessing niya sa relasyon naming dalawa. Na binigyan ko ng trabaho si Rei at magkasama kami sa bahay.
Rei - "Ano? Sinabi mo kay Nay Mil?"
Ako - "Nagtanong kasi siya, hindi naman ako makapagsinunagling sa kanya, saka isa pa. Hindi ba sinabi mo rin naman kay Pare?" napagusapan na namin yun, hindi rin ako sang ayon dun. Pero wala naman kaming pinag usapan na ililihim namin ang sitwasyon.
Rei - "Naintindihan ako ni Sky."
Ako - "Naintindihan din ako ni Nay Mil." Akala niya siya lang may pwedeng pagsabihan.
Rei - "Ry, I'm sorry, hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Kaya lang kasi, alam mo naman, baka kasi hindi siya maniwala na.... alam mo na. Unusual pa rin kasi na magkasama tayo sa iisang bahay. Nang tayo lang. Sa tingin ko kailangan ko ng humanap ng ibang trabaho."
Ako - "Ano? Wala naman akong sinabing ganyan. Hindi ka aalis. Hindi mo kailangan." Akala ba niya paalisin ko siya ng ganun lang? Mabuti na nga rin at hindi siya pumayag na sumama kay Sky. Nung sinabi niya kasi yun, gusto ng kunin ni Sky yung mga gamit niya at isama sa kanila. Mabuti na lang at nakinig siya kay Rei, ayaw daw niya kasi akong iwan. E paano kasi ayaw niya nang makaabala dun sa Pare niya. "May tiwala siya sa atin. Wala naman tayong ginagawang masama kaya wala tayong dapat ipagalala. Saka isa pa, gusto ka niya."
Rei - "Gusto ko rin naman siya. Though nung una, natakot ako sa kanya."
Ayun, mabuti naman at na-settle na rin ang isyu. Hindi niya pa rin ako tinulugan sa biyahe namin.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...