CHAPTER 26- Ang Ultimate Crush

54 0 0
                                    

CHAPTER 26- Ang Ultimate Crush

RYAN's POV

Saturday lunch time and I'm here in a restaurant. Hindi ko kinain yung hinaing pagkain sa akin kasi wala naman akong kasabay. Si Rei? Ito, andito makikipag date na naman. Hindi na talaga nadala. Mapipigil ko ba siya eh super excited siya sa araw na ito. Ganitong ganito kasi siya nung nagpaalam nung isang araw.

Rei- "Oh my! Ry, he's asking me out. Hindi nga lang dinner pero lunch time lang. Pero kahit na diba, date yun." Kinikilig pa.

Kahit paano okey na rin ito at least hindi naman pala siya tibo. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganyan. Kaya lang minsan nakakairita na. Wala nang ibang bukambibig kundi si Peter Park, parang mas okey pa na nagmumukmok siya over JC, at least yun wala ng chance. Tsk..ano ba yang iniisip ko? Ang selfish ko na yata, parang ang bitter ko sa pagmo-move on nitong isa.

Ako- "Cge, ikaw ang bahala. Basta pinaalalahanan na kita." Pumayag na rin ako, na guilty ako sa naisip ko kanina. After all, she really deserves to move on.

Rei- "Hindi naman siguro ito magagaya dun sa una. Ibang iba naman itong si Peter eh." Tama, mabuting tao si Peter Park.

Nagpaalam ako na lalabas, ewan ko pero parang bad trip ako eh. Kalalakad ko, nagkita kami ni Dylan sa plaza. Meron lang siyang pinuntahan at naisipang tumambay sandali.

Dylan- "teka, bakit parang masama ata yang timpla mo?"

Ako- "Wala naman" pero kwinento ko sa kanya yung date ni Rei.

Dylan- "Wow, ibang klase, ang bilis ah"

Ako- "Tama, ang lakas talaga ng tama ni Rei sa mokong na yun"

Dylan- "Ehem, hindi kaya nagseselos ka lang? Si Peter Park na naman."

Ako- "Ha? AKo? Nagseselos? Hindi ah, ano lang, kasi..kung ganyan siya eh di hindi na niya magagampanan nang maayos yung trabaho niya sa akin."

Dylan- "Natatakot ka na mahati ang atensyon niya"

Ako- "Siguro, parang ganun na nga."

Dylan- "Eh di nagseselos ka nga."

AKo- "Iba naman yun eh, masaya naman ako para sa kanya. Saka yung dati, matagal na yun." Nakatingin lang siya sa akin, hindi convinced. "Sige na nga, diyan ka na."

Dylan- "hahaha, ang sensitive mo na ata ngayon tol, iba na ata yan." Nangaasar pa. "Sige, uuwi na rin ako."

Ayun lang, naghiwalay na kami. Tsk, parang wala namang nangyari sa paglabas ko. Ganun pa rin.

Nagseselos ako? Bitter pa siguro, oo. Ano lang to, kasi broken hearted ako, natatakot lang ako na mawalan ng karamay, and Rei is the closest one. HIgit sa lahat naiintindihan niya ako kasi pareho kami ng sitwasyon. Hindi dahil sa may nararamdaman ako para sa kanya, kaya imposible rin na nagseselos ako. Tama, yun nga yun. ANg talino ko talaga, ayan settled na itong gulo na nararamdaman ko.

Kaya lang, pag uwi ko syempre siya ang bubungad sa akin. Nagulo na naman yung pakiramdam ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko tapos kung anu anong ginawa para lang ma divert yung isip ko.

"Can I take your order sir?" biglang tanong nung waitress, and that brought me back to present.

"Maybe later, may hinihintay pa kasi ako eh." I said, tsk..parang kanina pa nga ako dito. Si Rei, nasa kabilang table, hindi niya alam na sinundan ko siya. Wala pa rin yung ka-date niya. SIya itong babae pero siya ang nauna, hindi halatang excited.

REI's POV

Lunch DATE! Si Pater Park niyaya ako ng lunch date. Paano nangyari? Kasi nung bonfire lumapit ako sa kanila para nga magpa autograph, syempre hiningi ko ang tulong ni Ate Jane para may backer ako. Wah I love you ate Jane, ang supportive niya talaga. Sabi niya magkahawig daw kami ni Peter, di ba pag ganun malamang, soulmate? Hehe. Tapos niyaya muna nila ako sa pwesto nila. Starstruck na naman ako, buti hindi ko naman kailangang magsalita, nakikinig lang ako sa pagrereminisce nila ng college days.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon