CHAPTER 8- Ang Pagtulong

65 0 0
                                    

CHAPTER 8- Ang Pagtulong

RYAN’S POV

Ayun, nasundo ko sya sa boarding house at naihatid sa school, mali, naisabay pala, kasi parehas pala kami ng university na pinapasukan. Nagkahiwalay na rin kami agad kasi magkaiba ng building ang college namin. Hindi ko na sya hinatid sa room niya, baka ano pang isipin ng mga tao. Sabihin pa nila na playboy ako, dahil dati si Celine ang sanay nilang nakikita na hinahatid sundo ko. May pinapangalagaan ata akong image..hahaha..ayus.

Tapos na ang klase, nagtext na lang sya sa akin na mauna na syang aalis dahil may work pa sya, (kinuha ko na lang kasi ang number nya saka ko sya miniskol para maisave yun number ko) hindi na raw nya ako hintayin kasi may klase pa ako.

Dumiretso na lang ako sa resto, dahil tiyak, makikita ko sya dun. Kaso kanina pa ako ditto hindi ko pa sya nakikita. Day off ba nya ngayon? Eh bakit umalis na sya sa school ng maaga? Don’t tell me may iba pa syang raket maliban ditto. Nagdadalawang isip akong magtanong, ayun dumiretso na lang ako sa sa boarding house nila, dun ko na lang sya puntahan, tinitext ko sya pero hindi nagrereply, tinawagan ko pero nakapatay ang cellphone. Teka, ano bang nangyayari dun? Medyo nagpapanic na ako ha.

Ako-“Tao po?” hindi na ako nakatiis, kumatok na lang ako sa boarding house nila.

“Ano yun?”sagot ng kasera.

Ako-“Tatanong ko lang ho sana kung nakauwi na si Rei”

“Wala nang nakatirang ganyan ditto. Umuwi ka na.” ano raw? Tinaboy pa ako, eh kaninang umaga lang ditto ko sya sinundo. Lokohin nyang lelang nya. Mukhang masungit si manang eh.

“Boy”..may tumawag, teka ako ba yun? Boy daw? Mukha ba akong totoy? “Kaibigan k aba ni Rei?” ako na nga, paglingon ko, boardmate nya ata, kadarating lang, nursing student, mukhang graduating. “Roomate nya ko, Ate Sonia na lang, kelangan kitang makausap. Mukhang ikaw lang ang makakatulong sa kanya”

Ano? Tulong? May problema si Rei, teka bakit parang kinkabahan naman ako.

Andito na ako, palinga linga habang nagmamaneho, ramdam kong nasa malapit lang si Rei, dapat andito lang sya. Hindi ko na alam saan ko pa sya hanapin bukod ditto. Sa nagging takbo ng usapan naming ni Ate Sonia, kinakabahan talaga ako.

Ate Sonia-“Umalis na si Rei ditto, pinalayas sya ng kasera namin. Bakit? Kasi nagtapat sa kanya yun anak ng kasera namin, matagal na syang type, eh binasted ng lola mo, sa sobrang mama’s boy, ayun nagsumbong, eh may 1 month na rin hindi sya nakabayad, ginawang dahilan yun para palayasin sya.”

Ako-“Kinakapos sya? Diba maayos naman ang trabahao nya sa restaurant? Hindi sya pumasok kanina”

Ate Sonia-“Ayun pa isa, nagresign na sya dun, dinedelay kasi yung sahod nya. Ginigipit sya ng boss nya, tapos inalok ng indecent proposal.. uhm, alam mu na.. Recently lang namin nalaman na yung boss nya pla ang sekretong nagpapadala ng mga roses sa kanya. Sobrang haba ng hair ng batang yun eh. Pero minsan hindi pala maganda ang ganun. Maghapon kasi ang duty ko kaya hindi ko sya matulungan, sabi nya kanina dun sya makikituloy sa classmate nya sa Masagana Village, yun kasi pinakamalapit, magbabakasakali raw sya dun. After nun hindi ko na sya makontak. Nagaalala ako sa kanya,wala pa syang masyadong kaibigan ditto.” Tuluy tuloy nya lang kwento, ako naman nagulat. May mga lalaki pala talagang ganun. “Please naman, pag nahanap mo sya, sabihin mo kontakin ako. I’m worried sick”

Ako-“Sure, salamat ah.”umalis na ako, baka hindi ko pa maabutan si Rei.

Back to present, san ko naman kaya mahahanap ditto ang bahay ng classmate nya, mejo malaki rin itong subdivision, buti kabisado ko ito. Dito ako dumadayo ng gala noon, katapat lang ito ng subdivision namin. Hindi naman kasi ganun kahigpit ang security ditto kaya wala silang log kung sino ang pumasok, try ko kayang ipagtanong.

“ah, yung magandang babae? Oo, pumasok sya kanina, may kaibigan daw sya ditto.”sabi nung isa, kung anu ano pang description ang sinabi ko,nakilala naman pala. Buti na lang madali syang natandaan. Eh teka, kung nakapasok sya at pinatuloy ng classmate nya, e di hindi ko na sya makikitang pakalat kalat ditto sa daan. Whew, how will I to know?

REI’s POV

“Pasensya na Rei, andito si Papa, hindi kita pwedeng patuluyin ngayon.”si Shaira, nagbakasakali lang naman ako.

Ako-“Ayos lang, salamat na rin”. Umalis na rin ako, kontakin ko na lang daw sya kapag nkahanap na ako ng matutuluyan. Haist, eh panu ko gagawin yun? Eh yung cellphone ko, naiwan ko sa di ko alam kung san, ako n kasi ang nagmamadali. Eh kung nasa akin yun, sana naitext ko muna sya at naitanong ko kung pwede, eh di sana hindi na ako nagpunta ditto. Dumiretso na sana ako sa aking plan B. Plan B? meron ba ako nun? Siya lang naman kais ang kakilala ko na alam ko ang bahay. Kung doon naman sa mga kasamahan ko sa Resto, siguradong hahanapin ako sa kanila ng boss ko, tsk..madamay pa sila. Naglakad lakad na lang ako, hindi naman ako mukhang naglayas, parang makikisleep over lang, kaya hindi naman ako nagmukhang eng eng ditto sa subdivision. Buti konti lang gamit ko kaya hindi gaanong mabigat. Well, uo meron pala akong medyo bulky, un mga gamit ko lang sa pagdodrowing. Oh no, I’m dead.. No wait..think.. may paraan pa. Eh saan nga ko pupunta? Kung sa simbahan kaya?. Tiyak, hindi ako tatanggihan dun.

“Pare, may chiks, ..Akin na to ah”. Chiks? Teka, ano ako? Manok? Eh teka muna, baka naman hindi ako. Assuming lang.

“Tsk..Panalo pare, geh, pormahan mo.” So ako nga, la naman na kasing ibang tao, sumabay pa sila ng lakad sa akin,tapos yung isa nasa harapan ko na. Tatlo sila, hindi naman ako masyadong kinabahan..di naman sila mukhang adik, mga nakainom at nagtitrip lang saka parang kaedad ko lang.

Hindi ko pinansin, umiwas ako at dire diretsong lumakad nang mabilis, hindi ako papayag na pagtripan nila ko nuh, mga spoiled brat. Oo, parang ganun sila.

“Uy, suplada,” kantiyaw pa ng isa, nakasabay na naman sila sa akin, bakit ba ang bilis nila? O mabagal lang talaga ko? Medyo kinakabahan na ako ha, baka kung ano pang magawa ko sa kanila, warfreak? Wah, hindi ito ang panahon para magbiro, mukhang seryoso na rin sila eh. Tatakbo na lang ako, nang mabilis, Hindi ako runner talaga eh, hihingalin lang ako. eh panu kung maabutan ako? Oops, teka, hinawakan pa ako sa braso ng isa. Sisigaw na ba ako? Walang makakarinig, andito ako sa may plaza, medyo malayo sa mga bahay. Wala bang taong dadaan?

“Don’t touch me.” Matigas kong sabi sa kanya, hinigit ko na rin yung kamay ko. Sana matakot na sila.

“Naks, palaban! Gusto ko yan!”. Sabi pa nung isa, nyi, anu ba yan? Nakakabastos na sila ah, kanina pa. Patulan ko na kaya…

“Cge na Babe, sumama ka na sakin, hindi ka mgasisisi.” Babe? Si JC lang ang gusto kong tumawag sa akin nyan, sasama ako? Eh kung hindi ka lang lasing eh, la pa naman akong mapupuntahan ngayon. Haha, desperada? Sasama talaga sa stranger? Hehe..joke lang.. anu ba? Joke pa talaga sa ganitong sitwasyon? Eh inaaliw ko nga ang sarili ko eh.

“Tama na yan pare, kung ayaw pakiusapan, daanin na sa paspasan.” Nangaasar pang sabi nung parang pinakalider sa kanila. Tapos susugod na sya sa akin. That’s it. Papatol na talaga ako.

Syempre, umiwas ako, binaba ko muna yun mga gamit ko, tinulak ko sya at ubod lakas na sinipa sa dibdib, Napatumba ko naman sya. Palibhasa, lasing na rin. Nashock yung mga kasama niya, well pati sya. Pumorma pa ako na parang hinahamon sila. Ang tapang nu? Marunong kasi ako ng karate, sabi ni lolo dapat marunong ako ng self defense, anak mayaman eh, uhm..dati yun, well, anak pa rin naman ako ng tatay ko pero hindi na ko mayaman ngayon.

“Sabit pare, tara na!” ayun nagtakbuhan na sila after nilang itayo yung isa. Hayy..buntung hininga talaga, buti hindi na sila pumatol. Kasi mapupuruhan lang sila..hehe..joke lang, hindi naman ako talaga pang stunt woman..sabi na mga tripping lang sila..wah, sana hindi na nila ko matandaan baka gantihan pa nila ako.. pasalamat na lang at hindi mga adik ang nakasalamuha ko. Sobra rin naman kung merong adik na pakalat kalat sa medyo exclusive na subdivision na ito.

Pagkuha ko ng mga gamit ko..Nakakasilaw..may malakas na busina. May paparating n sasakyan..nakalimutan ko, nasa gitna pala ako ng kalsada.. tapos..

SCREEECHHHHH……

Uhm.. nasan ako? Anong pangalan ko?

Amnesia? Hehe..joke lang, hindi naman ako nabundol, kasi humninto talaga dun yung kotse. Pamilyar yung kotse..nakasakay na ko dun eh..

“Okay ka lang?” worried na tanong nung bumaba, lumapit pa sa akin.. si Ryan.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon