CHAPTER 49 – Ang Tamang Hinala
RY’s POV
I really don’t know what happened in Tagaytay. Simula pa nung bumalik si Grace, parang nag iba na sila ni Dylan.
Pati yung biglang pagiging close nila Rei at Dylan. Mayroon kayang nangyari nung nawala ako? Ang alam ko lagi lang kasama ni Rei nun ay sina Dina pati yung kapatid niya.
We had fun pa rin, lagi naman eh, pag birthday niya. Pero this time, parang may kulang. May kakaiba.
Until Grace broke the news about….. her fiancée.
They’re Chinese at isa iyong arranged marriage. All this time, naitago niya sa amin yun. Kaya nagulat kaming lahat, except, kay Dylan, na somehow parang alam na niya.
Hindi na raw niya sinabi para hindi na kami madamay. Kahit paano, ramdam namin na hindi kami gusto ng parents ni Grace, feeling nila bad influence daw kami sa anak nila. Naniniwala kasi sila na dapat mga katulad lang nila ang kaibigan ni Grace. Pero hindi pa rin nila napigilan ang friendship namin, thanks to our social status.
Isa pa, kaya hindi niya sinabi kasi alam niyang tututol kami dun at gagawa kami ng paraan para matulungan siya.
Kagaya ngayon. Nalaman namin na ngayon ang engagement dinner nila at nung Chinese niyang fiancée.
Hindi naman kami mahihirapan sa gagawin kasi nandito sila sa Hotel namin.
Andy – “Ano kaya kung itakas na lang natin si Grace?” andun kami sa medyo malayong side pero natatanaw namin sila.
Dina – “Kapag ginawa natin yun, baka lalo lang tayong ma bad shot sa parents niya.”
Rei – “So, anong plano?”
Dylan – “Hindi ko alam. Basta wag lang yung plano ni Andy.” Eh baka nga plano rin niya yun eh.
Ako – “Hindi rin naman pwedeng nandito lang tayo.”
Dina – “Ano kaya kung gumawa tayo ng scene, para ma-distract sila.”
Andy – “Cannot be, kilala nila tayo.”
Rei – “Except me. We have’nt met.”
Dylan – “Teka lang, hindi na natin kailangang gawin yan.”
Rei – “Paano kung mahuli tayo, makapagdesisyon siya ng hindi niya naman gusto.” She has a point.
Dylan – “Alam ni Grace ang ginagawa niya.”
Ako – “Tumatayo siya, mukhang may pupuntahan.”
Dina – “I texted her, sabi ko andito tayo sa labas. At gusto natin siyang makausap. Halika na.” sumunod na lang kami sa kanya. Ayun naman pala eh.
Napunta kami sa isang private na lugar.
Grace – “Anong ginagawa niyo rito?”
Andy – “Itatakas ka namin.”
Grace – “Not funny.” Aba, mukhang seryoso.
Dylan – “Grace, pwede bang huwag mo ng ituloy. Hangga’t maaari ngayon pa lang umurong ka na. Mas mahihirapan ka lang kapag pinatagal mo pa. Yung sinabi ko sayo…..” may sinabi siya? I think he already confessed.
Grace – “Dylan, magkaibigan lang tayo.”
Nagulat kami sa sinabi niyang iyon.
“Oo, alam ko. Sabi ko nga eh.” Si Dylan, sabay walk out. Hahabulin ko na sana, kaya lang si Andy na ang humabol.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomantikSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...