CHAPTER 14- Ang Kasunduan

66 0 0
                                    

CHAPTER 14-  Ang Kasunduan

Continuation

REI’s POV

9am na nga ako nagising, medyo tanghali na. Di bale, siguro naman tulog pa yun si Ryan. Dumiretso na ko sa kusina para paggising niya, may almusal na.

“Good Morning!” bati niya sakin. Nye, gising na pala sya, nasa kusina at nagaalmusal. “Huwag ka ng magluto, bumili na lang ako ng tinapay sa bakery.” Naku, nakakahiya naman, hindi ba dapat trabaho ko yun.

“Anong tinapay ba yan?” tanong ko na lang.

Ryan- “Spanish Bread.” Sagot niya, Spanish bread nga. “Paborito mo ito diba? Sa Spain ba talaga nanggaling ang spanish bread?” tumawa pa. ang aga aga e nangaasar? Kasi nalaman niya na may lahi akong Spanish, well, at least, nakinig naman pala siya kagabi, kala ko kasi nabagot siya sa kwento ko eh. “Masarap naman pla ito, favorite ko na ito ngayon.” kumuha pa siya ulit.

Ako- “Narinig mo na ba ang alamat ng Spanish Bread?” tanong ko habang nagtitimpla ng hot chocolate.

Ryan- “Hindi.”

Ako- “Okey, kwento ko. Noong unang panahon, merong panadero na nalulugi na ang kanyang panaderya. Kasi nagsasawa na yung mga tao sa luto niya. Umisip siya ng paraan at bagong recipe. ANg ginawa niya, yung tinapay nilagyan niya ng palaman. Nagustuhan ng mga tao. Yung panaderong ito ay..Spanish. Kaya tinawag yun na Spanish Bread. Hahaha..” oops, natigilan? hindi ba niya nagustuhan yung joke ko?

Ryan- “Hahaha, ang korni mo, imbento ka na naman” hmp, ang plastic ng tawa niya. “Wag ka ng maglalasing ulit, yan pala ang nagiging epekto sayo. saka hindi mo alam kung anong ginagawa mo paglasing ka. Nagwala ka kaya kagabi, kulang na lang igapos kita eh. Hehehe..”

Ako- “Weh? Wag ka nga, hindi ako nalasing kagabi ah” pagkaila ko, tawa lang siya, alam naman kasi naming dalawa na kalokohan yung sinasabi niya. “Teka, ano bang paborito mong ulam?” tanong ko para tumigil na siya sa pagtawa.

Ryan- “Kare-Kare”

Ako- “E di lutuin natin, marunong ako nun.”

Ryan- “Wala tayong ingredients. Saka baka ano pang kalabasan nun”

Ako- “Marunong nga ako, nahihirapan kaya akong gumawa ng menu. Mamaya hindi mo naman kainin yun lulutuin ko.” Hindi naman siya talaga pihikan sa pagkain, mas maganda lang rin kasi na may variety.

Ryan- “Sarado pa yung grocery, alas diyes pa magbubukas yun.” Dun talaga kami namimili kasi hindi naman tumatanggap ng credit card sa palengke.

Ako- “E di sa palengke tayo bibili. Mas mura pa dun,” Malinis din naman kasi ang palengke dito, “Uhm, sige ako na lang” may cash ako no, in-advance niya kasi yun sahod ko. Gusto niya ng treat diba, e di ito na yun. Baka naman nga kasi hindi pa ito nakakapunta ng palengke.

Ryan- “Tara na.” nauna pa sa akin? Papayag din naman pala.

That’s it. Operation, palengke. ;)

RYAN’s POV

First time kong mapunta dito sa wet market, itong si Rei parang sanay na sanay, palengkera? Hehe..Meron na kaming karne ng baboy kaya ang bibilhin namin dito ay mga gulay at kung ano pang kulang.

Napansin ko lang na kahit busy ditto sa palengke, yun ibang mga kargador, bata o matanda natitigilan at napapalingon kay Rei.

Rei- “Naku manong, pwede ho bang tawad ng konti?”narinig kong sabi ni Rei.

Vendor- “Tsk..o sige iha, o ayan, dinagdagan ko pa yan”

Rei- “Ay maraming salamat ho, siguradong maganda ang benta niyo ngayong araw.”

Vendor- “Dagdagan mo pa ng magandang mamimili” asus si Manong gumaganun pa. Naghahanda na ng pambayad si Rei, inunahan ko na.

Ako- “Ito pong bayad, keep the change.” Abot ko nung bayad tapos hinila ko na si Rei.

Rei- “Uy Ryan, ano kaba? Tinawaran ko na nga tapos keep the change ka naman. Hindi naman ganun kalaki yun tawad ko eh, may kita pa sya dun.” Akalain mo inalala niya pa yun kita nung tindero. “Saka, ako magbabayad.”

Ako- “Alam mo ba, pinagtitinginan ka nila.”

Rei- “Ako? hindi ah. Bakit naman?” bakit nga ba? Hindi dahil sa revealing yung damit niya. Ano bang suot niya, loose shirt tapos naka tokong (3/4 pants). Naka pony tail pa. Mukha nga siyang tomboy. O baka iniisip nila na sayang namang tomboy nito.

Ako- “Ah basta” tapos nagpatuloy na kami.

REI’s POV

Adik talaga tong si Ryan kanina, pinagtitinginan ako kasi ang gwapo kaya ng kasama ko. Bihira naman kasing maligaw ang katulad nito sa palengke. Kahit naging kargador pa ito, head turner pa rin. Tsk, andami ko sanang natawaran kanina, lalo na sa mga tinderang babae..hehe.. kaya lang ayun, siya rin naman ang nagbayad, halos lahat keep the change. Ang yaman talaga.

Naluto ko na ang kare kare, kare kare naman nga talaga ang lumabas..hehe, nagustuhan niya naman kahit paano ang tanghalian namin.

Ngayon, andito na kami naglalakad pauwi, galing kami sa misa, malapit lang naman ang simbahan kaya naglalakad lang kami.

Ryan- “Ah, Rei, sa susunod, huwag ka ng maglalasing pag may problema ka. Hindi mo naman kasi kaya. HUmanap ka na lang ng ibang paraan, mag arcade ka, mag internet, manuod ng movie. O kaya kausapin mo ko. Basta wag kang iinom, hindi makabubuti sayo.”

Tsk, concern? Hindi naman kasi siya nagtanong muna kung umiinom ako, basta niya lang akong niyaya, ngayon, bumabawi siya.

Ryan- “Kung sa tingin mo may mga pagkakataon na hindi mo na kaya, andito naman ako eh” wow, ang sweet, ganun din naman ako sa kanya. Nakahanda rin naman akong damayan siya eh.

Ako- “I’ll do the same here” tapik ko pa dun sa balikat niya. “Gusto mo na ng kasunduan?”

Ryan- “Anong klase? Tayo na lang?” tsk, adik to ah, ano ako, rebound? Joking na naman to. Nakapasok na kami sa bahay.

Ako- “I-let go na natin yun First Love natin,  kahit alam kong hindi ganun kadali."

Ryan- “and then?....”

Ako- “Hindi naman kasi titigil ang mundo dahil lang broken hearted tayo. We’ll help each other. Maghanap tayo ng SECOND LOVE.  ”

Ryan- “Okey, call ako dyan.”

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon