CHAPTER 59 - Ang Hadlang

35 0 0
                                    

CHAPTER 59 – Ang Hadlang

REI’s POV

Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas. Naging busy na kaming lahat. Sa schoolworks, sa ibang activities..at sa pag e-entertain ko sa aking masugid na suitor.

Siya lang naman kasi talaga ang nanligaw sa akin. Kung isang arranged marriage lang, malamang walang courtship.

Nadadalas din ang paglabas namin. Yes, we are exclusively dating. Minsan din kasama yung iba.

But we still make sure that it won’t affect our studies, after all, yun pa rin dapat ang priorities namin.

Kaya ngayon na lang ulit kami magde-date. Natapos na rin kasi namin yung exams sa ibang mga subject.

“Wow, ganda ng shirt natin ah. MVP? ‘My Valentine Prince’?” nang aasar na si Andy. Suot kasi ni Ry ngayon yung gift ko sa kanya.

“Syempre, maganda yung nagbigay eh.” Sagot naman nung isa.

“yun oh,,” si Dina

“Ayiehh..” si Grace

“The moves! Hahaha..” si Dylan.

At dahil alam naman na nila kung anong meron sa amin ni Ry, kaya hindi na rin maiwasan na subject kami ng tuksuhan.

Speechless sandali.

“Hindi ba talaga kayo sasama?” tanong ko sa kanila, original plan kasi lahat kami kasama, hanggang sa magbago ang plano.

“Pass na muna, wala si Jay, magtatampo na naman yun kapag iniwan natin siya.” Sabi ni Di. Hindi kasi kasama si Jay kaya cancel na muna yung lakad namin.

“Paano, enjoy na lang muna kayong dalawa.” Nagpaalam naman sila sa amin.

“Tara na?” pinagbuksan pa ako ng pintuan ng kotse. Lagi na niyang ginagawa yan sa akin. Umikot na siya para sumakay.

“Saan tayo?” tanong ko. Hinahayaan ko lang kasi siya kung saan. Minsan naman, tinatanong niya ako kung saan ko gusto. Wala naman kasi akong alam na gustong puntahan kaya siya madalas ang bahala.

“Ah, let’s see. How about ‘Rancho’s’, masarap dun. I’m sure magugustuhan mo. Siguro nami-miss mo na rin ang Spanish food.”

Tumango na lang ako. Hindi naman kasi mahalaga sa akin kung saan, kundi kung sino ang kasama.

Huminto muna kami sa gas station.

“Full tank.” Sabi niya sa gasoline boy na lumapit sa amin.

“Ser, baka po meron na lang kayong cash?” dinig kong sabi nung gasoline boy after tendering his payment.

“Teka, sinubukan niyo ba ulit?” si Ry. Tumango naman yung tinanong.

“Ry? May problema?” hindi ko na natiis magtanong.

“Wait lang ah.” Meron na kasing magpapa-gas sa likod namin kaya itinabi niya muna yung sasakyan saka siya bumaba. “I’ll settle this one.”

Mga ilang minuto rin bago siya bumalik.

“Sorry ah. Tayo na.”

“Ry, on a second thought. Parang meron akong gustong kainin.”

“Ano? Tacos?”

“Hindi. Hindi ko pa naman namimiss ang spanish food. Saka na lang tayo mag Rancho’s” mahal kaya dun. Lalo na siguro dito. May ganyan din kasi sa Spain saka sa Japan. Diyan kami madalas kumain ni lolo. Lolo ko na yun, kaya ibig sabihin, ginto ang pagkain dun.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon