CHAPTER 60 – Ang Kasagutan
REI’s POV
Ano ba yan. Bakit ganun? Kung kailan merong lovelife, meron din namang hadlang.
Naikwento rin sa akin ni Dylan yung iba pang sacrifice ni Ry.
Posibleng hindi na siya suportahan ng pamilya niya. Hindi siya sanay magtrabaho, hindi katulad ko, buong buhay niya, hindi siya nakaranas ng hirap. Saka isang taon na lang, makakatapos na siya, sayang naman.
Siguro ayaw talaga nila sa akin. O baka meron talagang gusto ang parents niya para sa kanya. Dahil may katigasan din ang ulo niya, kaya ayan, umabot pa sa ganyan.
I don’t want him to choose me over his family, mabait din naman ang parents niya. Saka, of all people, sila ang mas nakakaalam sa ikabubuti ng anak nila. Alam nila na hindi ako makabubuti para kay Ry. Simply speaking, hindi sila boto sa akin.
Bago pa lumala ang sitwasyon, pinatigil ko siya, pero sabi niya hindi raw niya ako susundin. Kahit paano, pinanghawakan ko yung sinabi niyang yun.
Pero pagkatapos nun, isang tawag at text lang kami. Ang pinag usapan namin? Ayun, paulit ulit lang rin.
Lagi ko siyang iniiwasan, hindi rin naman mahirap kasi meron na siyang ibang pinagkakaabalahan.
Tapos mga ilang araw, tumawag ulit. Pero hindi ko sinasagot. Paulit ulit siyang tumatawag pero lagi ko ring nire-reject. Nagsawa rin siya. Siguro naman, kung importante yun, mag message na lang siya.
Hanggang sa wala na ulit. Alam ko, dapat matuwa ako, baka sinunod niya na rin ako. Naka-realize na siya. Nauntog siguro.
“Rei, nagpaalam ba sayo si Ry?” si Dina, nagaalala nila akong sinundo sa aming college building.
“Ha? Bakit? Umalis ba siya?”
Dylan – “Hindi siya umuwi kagabi. Pinuntahan ko siya sa bahay niya, pero wala rin doon.”
Grace. - “Hindi rin namin siya matawagan.”
“Sandali lang, sa tingin niyo ba may masamang nangyari kay Ry?” nagaalala ako. “Hold up? Kidnap?” sige, maging paranoid pa.
Jay - “Posible bang ipakidnap siya ng nanay niya?”
Dina - “Hindi naman siguro.”
Andy – “hindi natin alam hanggang saan ang kaya ni Auntie.”
Dylan - “Pero kung talagang ginalit niya si Auntie, possible.”
“Hindi kaya umuwi lang siya?” think positive pa rin ako.
Dylan - “Subukan natin sa main house.”
Hindi na kami nagaksaya ng oras. Dumiretso na kami sa….okey..palasyo? Gate pa lang kasi nakakalula na.
Lalo na nung hindi kami papasukin nung bantay.
“Kabilin bilinan ni Madam, wala raw kaming papapasuking iba.”
Sa higpit ng security, nabuhayan kami ng pag asa na baka nga nandiyan si Ry.
Nang merong sasakyan ang papasok.
“Mga bata, anong ginagawa niyo rito?” tanong nung sumilip sa bintana ng kotse,
“Nanay Mil.” Halos sabay sabay kami.
“Halika na, pumasok na kayo.” Sumakay na ulit kami ng sasakyan. “Ako na ang bahala rito,” sabi naman niya dun sa mahigpit na guard.
Super layo nga kung lalakarin namin mula sa gate hanggang sa main house.
BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...