CHAPTER 54 – Ang Hindi Inaasahang Pagbabalik
REI’s POV
May kumatok sa pintuan, pinagbuksan ko. Hindi ko akalaing magugulat ako ng ganito.
“JC?” oo, siya nga, hindi lang ako namamalikmata. Totoong siya, kasi yumakap pa sa kin.
JC – “Rei, I miss you. Can I come back to you?”
Ano raw? Nakikipagbalikan siya? Ganun lang kadali yun? Teka nga muna, baka kung ano lang nakain nito. Lumipad siya all the way from America for this kind of his practical joke? At teka nga ulit, paano si Celine?
Ewan ko ha, hindi ko alam kung naliwanagan na ba ako sa mga sinabi ni JC. Umalis na rin siya after naming makapag usap.
Nalilito ako, napakabiglaan naman ng mga pangyayari. Isa lang ang gusto kong makausap kaya sinubukan kong i-dial yung number niya, kaso busy eh. Kaya napagpasyahan ko na puntahan na lang siya.
Malapit na ako sa bahay niya, may humintong taxi tapos may bumabang babae. Si Ry naghihintay na sa may gate na parang expected na niya na darating yung girl.
Lumakad na lang ako pabalik, hindi na ako tumuloy. Baka maging hadlang pa ako eh. Sa kanila ni Celine. Hindi malabong nandito siya lalo pa’t nandito rin naman si JC.
Sandali, hindi kaya na-realize ni Celine na si Ry talaga ang mahal niya? Wow, good for him, bad for JC. Kaya ba pagtitiyagaan na naman ako ng ex-fiancee ko?
Kinabukasan, nagkasalubong kami ni Ry sa school.
Ry – “Hi!” yun lang? ang yabang, porket makakaporma na siya kay Celine.
Ako – “Ry,” tawag ko nung pagtapat namin. Huminto naman siya. Parang wala naman siyang balak na sabihin sa akin yung tungkol kay Celine. “Nandito si JC.” Mukhang hindi naman siya nagulat. “Nakikipagbalikan siya sa akin.”
Ry – “Yan din ang sabi sa akin ni Celine, nandito rin siya.”
Ako – “Nakikipagbalikan rin siya sayo?”
Ry – “Toinks. Hindi naman naging kami ah. Tapos may balikan?” ngaks, nice one. Tablado lang.
Ako – “Eh sabi mo kasi ganun din ang sabi niya sayo.” Depensa ko.
Ry – “Oo nga, ganun na ganun din. Sabi niya, gusto raw makipagbalikan sa iyo ni JC” so yun ang dahilan kung bakit pinuntahan siya ni Celine, coz he is her crying shoulder. “hmmm, pumayag ka ba?”
Ako – “Honestly, I still care for JC. Uhm, ano sa tingin mo?” nagtanong din? Phone a friend lang? Hirap naman kasi nung tanong eh.
Ry – “Ikaw lang naman ang makakasagot niyan eh.”
Ako – “Kasi nananahimik na ako, tapos bigla na lang siyang susulpot. Syempre kasali ka rin dito.” Involved naman talaga siya dito eh. “Gusto mo ba? I mean, this is it, baka pwede ko namang ibahin yung noon. Si JC na ang nag alok. Kung nagkakalabuan na sila ni Celine, baka ito na yung chance mo.” Baka ito na kasi yung time na siya naman ang mag benefit sa sitwasyon. Kasi kung ako lang, hindi. Hindi kasi ako na-convince ni JC eh, Hard to get? hehe
Ry – “Mahal pa rin ni Celine si JC” baka nahihiya lang siyang aminin na mahal niya pa rin si Celine, kaya hindi ko na lang siya tatanungin. “At sa tingin ko, siya lang ang mamahalin ni Celine, wala na akong magagawa dun.” ay suko agad?
Ako – “Okey, sige. Sabi mo yan ah. At least ngayon tinanong kita. Kaya wag mo akong sisisihin.” Last time kasi decision ko lang ang magparaya, at least ngayon dalawa na kami. Nagma-mature na rin ito si Ry ah, hehe.
BINABASA MO ANG
Second Love
Lãng mạnSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...