CHAPTER 9- Ang Pagtulong 2
RYAN’s POV
Sa di kalayuan, papunta na ako ng plaza, magbabakasakaling andun sya. May nakita akong eksena. Tatlong lalaki laban sa isang….babae? Teka, parang si Rei yun ah. Nakita ko kung panu nya tinulak yung isa, sinipa pa..using karate?taekwondo?judo? Marunong sya nun? Napatumba naman yung isa..Hindi tama ito, pag pinagtulungan sya, matatalo parin sya. Mabilis ko nag pinatakbo yung kotse. Mabuti na lang nagsitakbuhan na rin yung tatlo.
“okay ka lang?” hinawakan ko sya sa balikat, tiningnan yung mukha nya baka may galos sya o anu man, pati na rin yung mga braso nya, malay ko ba kung anong ginawa sa kanya ng mga mokong nay un.
“Ayos lang”. Sagot niya, nagpapagpag pa ng balikat..may dandruff? Hehe..
“Akin na yan” kuha ko sa mga gamit niya. “Pumasok ka na sa kotse. Iuuwi na kita” utos ko pa sa kanya.
“Wala na kong uuwian”. Sagot nya naman.
“Iuuwi kita sa bahay ko”.
“Ano? Hindi na.” tapos kinuha nya ulit yung mga gamit nya.
“Eh san ka matutulog ngayon? Dito? Hindi ka pa ba nadala kanina? Panu kung mga adik naman? Kahit papano, babae ka pa rin.”
“Kahit papano? Hindi ba ako mukhang babae? Na pagtitiyagaan lang ako? Ganun? Kaya ko namang protektahan ang sarili ko sa mga magtitiyagang yun.” Nagalit pa? at may karapatan pa talaga syang mainsecure, eh recently lang dalawang lalaki ang di-nump nya. Ganun na lang ba nawala ang confidence nya ngaiwanan sya ni JC?
“Okey, Fine, gusto mo ditto e di samahan na lang kita.”tinabihan ko na lang sya sa may bench, umupo kasi siya dun kanina.
Ilang minutong katahimikan…
Itong babae talagang to, ma pride, wala na ngang matutuluyan matigas pa rin. Pero imbes na iwanan ko sya, andito naman ako.
Rei-“umuwi kana sa inyo, baka hinahanap ka na”
“Ayaw, sabi ko sasamahan kita. Kunsensya ko pa pag may nangyari say o,” kung makulit ka, mas makulit ako.
“Ganun? Wag ka ng makunsensya, its enough for me to know that you’re willing to help. Saka nakakahiya talaga eh.”
“Nahihiya ka? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin?”
“Uhm…”ayun, nag isip pa. “Oo naman,”..yun ba talaga ang gusto kong marinig? Ang gusto ko ba ay Ka-ibigan? Weh?? Di nga?? ;)
“Ayun naman pala eh, Bakit nahihiya ka sa akin? Hindi mo man lang naisip sabihin yun mga problema mo, ni tawag o text, sana man lang nagreply ka sa mga texts ko, hindi mo man lang ba naisip na nagaalala ko?” uy, sincere yun ah..
“Sorry…kung pinagalala kita.”tahimik ulit..tumayo na sya dala yung mga gamit nya. Saan naman kaya sya pupunta? “Tara, uwi na tayo……..sa inyo.”
“Ha?” ang eng eng ko naman, nagtanong pa? nagulat lang ako eh.
“Baka mahamugan ka pa st sipunin, mas lagot ako sa magulang mo.” Aba, ayus to ah, papayag rin pala, nang asar pa. Mukha bang mahina ang resistensya ko?
Nasa loob na kami ng kotse. Nagmamaneho na ko pauwi.
“Siguardo ka ba na okay lang talaga sa inyo? I mean, alam mu na, hindi naman nila ako kilala tapos makikitulog na ko.”
“Ayus lang.”
“Sure ka ha, ayus lang talaga sa papa mo?”
“Wala sya, nasa business trip.”
“Sa Mama mo?”
“Magkasama sila”
“Eh sa mga kapatid mo?”
“Only child ako, wala akong kapatid”
“You mean?”
“Yung kasambahay din namin kauuwi lang ng probinsya. Saka wala naman talagang magagalit, kasi TAYO LANG DALAWA.” Nang aasar lang naman ako, kasi naman, hindi ka na pwedeng mag back out. ;)
BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...
