CHAPTER 17- Ang Unang Laro

49 0 0
                                    

CHAPTER 17- Ang Unang Laro

REI's POV

Pagkatapos nung nangyaring concert ko..hehe.., ayun, naging medyo popular ako. Yun iba tinatawag akong Taylor Swift, feel ko naman, favorite ko kaya yun..haha. Hindi naman kasi ako popular kahit na famous ang family ko sa pinanggalingan ko. Sabagay, ito kasi pa-cute lang tapos lilipas din, tamang trending lang. Buti na nga lang din hindi sineryoso ni Dina na-i-upload yun video ko. Baka kasi mapanood ni Taylor tapos invite niya ko sa kanila..Choz! hahaha

"Excited na ko sa laban natin." Si Jacob talking about their upcoming match tomorrow.

During lunch, kasama ko na sila kasi halos tapos na ko sa mga adjustments ko kaya nakakasabay ko ng magluch sina Ryan, at isa pa, college week kasi namin ngayon kaya kahit paano, irregular yung mga klase namin. Kasama namin yung iba pang barkada at classmates ni Ryan, si Dina, kikay na official photographer, si Andy, yun basketball heartthrob na boyfriend niya. Si Grace, smartest sa group, counterpart ni Dylan, isang chess master, pero hindi naman siya mukhang nerd. Si Jacob na ngayon lang din napasama sa grupo, same course nila at ngayon classmate na rin. Pati si Eula, friend at classmate ko, may pagka-boyish siya. Lahat naman sila alam yung sitwasyon namin ni Ryan, I mean, yung pagiging maid ako ni Ryan kaya nakatira ako sa bahay nila.

"We'll surely be there Papa Ryan" si Dina, sus, buti hindi nagseselos yun boyfie niya.

"Syempre, eh di nawalan ng inspirasyon itong si Papa Andy" sabi naman ni Ryan, nakiki-papa? Bading ba siya? Hehe..

Grace- "How about you, Papa Ryan, sino namang inspirasyon mo?" alam naman kasi nila yun nangyari sa kanila ni Celine. Secretly kasi alam nila na si Celine ang inspirasyon nitong isa.

Ryan- "Rei" ha? Sinabi ba niya yung pangalan ko? Lahat naman sila napatingin sa akin. "Manuod ka bukas..... Para may maghanda ng mga gamit ko" psshh, uo naman, yaya niya nga ako eh.

Ako- "yes Boss!"

Dylan- "Ah, uo nga pala, walang magaasikaso kay Baby Ryan. Hahaha." Nagtawanan naman sila, pati si Eula at Jacob nakitawa na rin. At ayun, kanya kanyang kulitan na.

Kasi dati, bilang si Celine ang bestfriend niya at wala na nun si JC, siya ang laging nagaasikaso sa kanya. At ngayon, bilang yaya niya, ako ang gagawa nun.

Kaya lagi na kami late umuuwi kasi sa practice nila. Nanunuod na rin kasi ako, pag medyo naiinip, nilalabas ko yung sketch pad ko at nagdodrawing ako.

RYAN's POV

First game namin sa tournament na ito. ANdito na ang mga pangunahing fans ko. Syempre ang barkada, minus Rei. Tsk, sabi niya pupunta siya tapos wala naman pala. Dahil daw meron siyang ibang gagawin.

Flashback.

Rei- "Oh, andito na lahat ng gamit mo, wag kang magpapatuyo ng pawis dun ah." Habang hinahanda niya yung mga gamit ko, paalis na kami at papunta sa school kung saan gaganapin ang laro.

Ako- "Sabi mo manunuod ka." Tsk, kung magbilin naman parang nanay ko.

Rei- "Eh sorry naman, wala naman kaming klase ngayon. Natapat kasi na ngayon din namin gagawin yung mural sa wall ng building ng College namin." Okey, magaling nga pala siya sa painting kaya napili siya, "Promise, sa mga succedding games andun ako. Lalung lalo na sa championship" wow, talaga aabot kami sa championship ngayon, kasi sa semis lang kami umabot last year. Pressured? Hehe.

"Okey boys, let's go" tawag na samin ni Ate Jane. Lumabas na ako pagkabuhat ko ng bag.

"Ah, Ryan" tawag niya, napalingon naman ako. "Galingan mo ha. Bring home the bacon. Break a leg." Kumindat pa. haist, andaming idioms nung sinabi niya ah.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon