CHAPTER 18- Ang Obra Maestra

71 0 0
                                    

CHAPTER 18- Ang Obra Maestra 

RYAN’s POV

Dahil nga di pa ko pwedeng magpractice, maaga kaming umuuwi. Chance na rin ito para makapag aral kami sa bahay. Nakakagulat ba? Masipag din naman akong mag aral eh, minsan lang. Hehe. Hindi ah, sa maniwala kayo o hindi, masipag ako. ;)

Rei- “O, wag kang masyadong malikot,” wag malikot kasi ginagawan niya ako ng portrait.

Ako- “Picture ko na lang kasi ang gayahan mo.” Uso pa ba kasi ang portrait eh talamak na ang camera ngayon.

Rei- “Hindi pwede, kailangan makatotohanan ang gayahan.” Kasama raw kasi ito sa project nila.

Ako- “Nakakangawit naman,” angal ko.

Rei- “Tiis ka na lang, kaw kasi nagpatalo ka eh” Tsk, oo nga, napapayag ako kasi natalo ako sa kanya. Saan? Sa larong pitik bulag, akalain mong parang psychic nga ito kaya natalo niya ko.Yun lang kasi ang naisip naming laruin eh, kung alam ko lang na matatalo ako dun, e di sana niyaya ko siyang mag dota. Hehe.

“Hayaan mo na, sandali lang naman ito.” Pang uuto niya pa sa akin. “Mga isa’t kalahating oras pa” ha? Ganun katagal?

REI’s POV

Ako- “Mga isa’t kalahating oras pa” haha, sarap lokohin nito.

Haist, ang likot naman kasi eh. Buti na lang kahit paano kabisado ko ang mga features ng mukha niya.  Mas maganda kasing ilagay sa exhibit ang portrait ng sikat sa school. Buti naman natalo ko siya, ayan tuloy, wala siyang choice. Hehe..Joke lang naman yung one and a half hour sarap naman kasing idrowing nito, almost perfect ang features. Mapungay na mata, matangos na ilong, manipis na lips, wah..ano pa ba? ;) At least, legal ko siyang titigan ng hindi nakakailang.hehe.

Sa wakas, natapos ko na rin. Yung portrait niya na  ‘Wearing this, wearing only this’. Jack and Rose? Ay baliktad naman kami. Hahaha.. uy hindi ah, nakadamit siya. Ang pose niya, nakaupo sa  swing, hawak ng kaliwang kamay niya yung bola, yung kanan naman nakatukod sa sentido niya, yung parang nagiisp. Ang title kasi nito ay ‘Thinking Athlete’, hahaha, halata bang pinagisipan yung title? ;)

Habang tinitingnan ko. Great, kamukha naman niya na kahit hindi ko na siya pinag-jersey ay makikilala naman siya, in short, nabigyan ko naman ng justice yung modelo ko. Huh, yung modelo ko? Eto, nakatulog na pala.

Nilapitan ko, naku, kung nakatulog na siya, hindi ko naman siya kayang ipasok sa loob. Gisingin ko na nga, uhm teka, sandali, tingnan ko muna. Naman, para namang hindi ako nagsawa sa mukha niya. Hindi talaga, gwapu eh, haha, hilig ko talaga sa gwapu. Tsk, ambait naman ng itsura niya pagtulog. Hehe.

Tapos, biglang dumilat. Nagkatinginan tuloy kami.

“Gigisingin na nga sana kita eh.” Sabi ko sabay iwas ng tingin, para hindi halata, hehe.

Ryan- “Tapos na ba? Patingin.” Tumayo na siya, papunta dun sa ginawa ko.

Ako- “Teka,” inunahan ko siya, ako ang nakakuha. “Hindi pwede, punta ka sa exhibit namin, para makita mo ang aking obra maestra.”

Ryan- “Tsk, baka kung anong itsura ko diyan ah, di kaya ginawa mong abstract yan?” tamang hinala naman ito. “Ayusin mo pag edit diyan ah.”

Ako- “Ngeks, ano ito? Digital?” natawa na lang din siya sa kalokohan niya.

Pumasok na kami sa loob. Pinaghanda ko siya ng masarap na pagkain, bilang bayad na rin sa pagmomodelo niya.

RYAN’s POV

Ang daming arts. Ano ba naman nga kasing maaasahan sa exhibit ng Fine Arts. Yearly din itong ginagawa at minsan na akong nakapunta dito bilang suporta sa iba kong teammates from this college. Pero ngayon lang ako naging interesado sa mga nakadisplay dito.

Sabi ni Rei, magkita na lang kami rito. Habang hinihintay siya, nagtingin tingin na rin kami, si Andy lang ang nayaya ko, kasi yung iba may kanya kanya raw gagawin. Maraming arts from scrap items, sari saring paintings and…..portraits. Parang mas maraming tao sa side na yun.

Pumunta ako, at para makiusi na rin kung ano tinitingan dun. Mga portaits ng iba’t ibang kilalang tao, yung iba mga kilala dito sa school. Pagtapat ko dun sa maraming tao kanina…

‘Thinking athlete’ ang title, at sa lower right nung portrait yung gumawa saka yung date.  Pamilyar sa akin, syempre, ako ito eh.

“oh, andito na pala yung modelo.” Galing sa likod, napalingon ako, si Andy, kasama niya na si Rei.

Ako- “Nakita mo na ito?”

Andy- “Oo, kanina pa ko dito. Tiningnan ko na yan, kaso yung grupo ng mga girls, dumagsa dito, buti nakita ko si Rei, hinila niya na lang ako. Grabe appeal mo tsong ah, hanggang portrait, haha.” Asar to ah. DUmagsa raw.

Rei- “Nagustuhan mo ba? Nahirapan akong i-edit yan ah” naman, edit daw.

Ako- “Napansin ko, maraming kilalang tao na modelo. Napapayag din silang magpose ng matagal?”tanong ko, ano naman kayang isasagot nito. Halata naman kasing na-good time ako.

Rei- “Hmm, siguro,” sabi na eh. “Pwede rin naman na sa sobrang kabisado na nila yung modelo, kaya na nilang gawin ng walang gayahan.” Nag explain pa.

Andy- “O pwede rin naman tol na ikaw ay isa sa nagpauto at napapayag, hahaha.” Asar talaga to, halata na nga eh, pinagduldulan pa sa akin.

Rei- “Oy hindi ah” depensa naman niya. “Kaw talaga Andy, kung anu-ano sinasabi mo dyan. Eh tingnan mo naman yung gawa ko sa iba, sa akin mas pulido kasi live yung model” tama na nga yang pang uuto, bumawi ka na lang.

Andy- “Mismo, akalain mong meron ngang gustong mag uwi niyan, teka, parang gusto ko rin ng ganyan, ipapauwi ko kay Dina.hehe.”  loko talaga ito, kala naman niya kung may portrait siya diyan eh hindi pagkakaguluhan. Sikat din ito, may girlfriend na nga lang kasi kaya parang kahit paano, ilag na rin ang mga girls.

Ako- “Basta ba handa kang magpose ng 2 hrs.” banta ko sa kanya

Andy- “Okey, pag isipan ko” seryoso? “O paano,ayan magkasama na kayo, puntahan ko pa si Dina.”paalam ng loko. “Rei, ganda ng gawa mo ah, pati yung mural sa building, thumbs up” pahabol pa. Yung mural? Hindi ko pa pala nakikita yun. Ang sabi niya kasi hindi siya ang tumapos nun. Tsk, hindi naman sa nauto, masaya naman ako sa outcome ng obra niya.

Rei- “Thanks, sige pag usapan natin minsan yang portrait mo” paalam niya na rin kay Andy. Nagtawanan pa sila. “Mr. Athlete”  baling niya sa akin. Athlete? Parang athlete’s foot, alipunga? “May utang ako sayo, di bale, babawi ako. Libre kita.” Hinila na niya ako palabas.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon