CHAPTER 23- Ang First Date

57 0 0
                                        

CHAPTER 23- Ang First Date

REI’s POV

Maaga akong naligo. Sinuot ko yung pinaka girly kong damit. Naka dress ako, joke lang, wala ako nun dito eh. Jeans lang tapos blouse. Nag ayos din ako. Nilugay ko lang yung buhok ko saka nag clip.Sabado ngayon at hindi lang kami basta maggrocery at mamimili ni Ry, nagkasundo kasi kami kagabi na magde-date kami. Friendly date, bilang frustration namin sa first attempt naming mag move on.

Ry- “Pwede ka naman palang mag ayos babae.” Bungad niya sa akin paglabas ko ng kwarto.

Ako- “Aba, ayos ka pare ah, hindi ba ako mukhang babae mag ayos?”

Ry- “Tsk, kaw naman ang aga aga ang init ng ulo mo.” e ang aga aga kasi nangaasar ka. “Tara na, lets make this day memorable.”

Ako- “Saan ba tayo pupunta?” palabas na kami ng bahay.

Ry- “Hindi ko alam. Saan mo ba gusto?”

Ako- “Wala akong maisip eh, San ba kayo madalas magpunta ni Celine?”

Ry- “Magkaiba naman kayo eh.” Pumasok na siya sa kotse. Tsk, foul ata. Ang adik ko talaga, bakit ko ba isinisingit si Celine? Ni hindi nga niya binabanggit si JC.

Ako- “Kaw ang bahala, ikaw naman ang taya eh.”

Ry- “Tsk, oo naman, basta mag enjoy lang tayo.”

Ako-  “Di bale, pag naiuwi kita ng Barcelona, ako ang taya, wala kang aalalahanin dun” tsk, Barcelona? Balak ko talaga siyang iuwi? Ang tanong, may uuwian pa ba ako dun?

Ry- “Namimiss mo na sa inyo no?” tanong niya sa akin, nasa biyahe na kami.

Ako- “Oo, minsan.” Hindi ko gustong itanggi. “I feel home naman dito eh.” Totoo yun, I feel home with him. “Ikaw? Di mo ba namimiss yung parents mo?”

Ry- “Minsan din. Pero nasanay na rin. Saka….andyan ka naman eh.”

RYAN’s POV

Usual things muna ang ginawa namin, nag grocery muna kami ng supplies. Iniwan muna namin yung mga pinamili namin sa kotse para diretso na kami uwi in case na gabihin kami dito sa mall. Napagkasunduan kasi namin na dito na lang kami sa mall dahil marami rin namang pwedeng gawin dito.

Dito kami sa food court during lunch. DIto kasi niya gusto, hinayaan ko na lang siya sa mga trip niya, siya kasi ang boss sa ‘friendly’ date na ito.

Ako- “Sino ba yang kausap mo?” tanong ko sa kanya, simula ng umupo kami dito kausap na niya yan sa phone. Kita mo to, ako ang ka date pero may kausap na iba. DI ko naman alam kung anong pinaguusapan nila.

Rei- “Si Dina”

SI Dina lang pala, inagaw ko yung phone sa kanya. Bastos? Hehe ;)

Ako- “Hi Di!  Sensya na pero nag de-date kami ni Rei ngayon eh.”

Dina- “Hi Papa Ry! Ang possessive sa date? di pwedeng tawagan?” tumatawa pa, nang aasar, pero oo nga, ang possessive nga ng dating ko. “O siya, sige na, yung date mo kasi hindi naman sinabi na may ka-date siya.”

AKo- “Hayaan mo, paparealiaze ko sa kanya na may ka-date pala siya.”

Dina- “Haha, GO Papa RY! Chiao!”

Ako- “Okey, bye!” dun natapos ang usapan naming dalawa.

BInalik ko na sa kanya yung phone.

Ako- “Hindi mo naman daw kasi sinabi sa kanya na magkasama tayo”

Rei- “Eh, kasi alam mo naman pag nagsalita yun diba, medyo tuluy tuloy na, hindi na ko nakasingit.” Haha, ganun nga si Dina, masyadong hyper.

AKo- “tsk, sige na, kumain na lang tayo”

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon