CHAPTER 13- Ang Nangyari (Part 2)...

64 0 0
                                    

CHAPTER 13- Ang Nangyari 2…

RYAN’s POV

Umaga na pala, ang sakit ng ulo ko. Tsk, ano bang nangyari kagabi? Napasobra ba ang inom namin? Babangon na ako sa kama, teka…bakit wala akong?....I am naked? Paglingon ko sa tabi ko, there she is, sleeping beauty.. sleeping? Natutulog? Sa tabi ko? And we’re both….NAKED? Tsk..what have we done?.....

Ooppssss…joke lang…imagination lang yun..imagination ko? Andumi ah, kay author ata..hehehe.. Toinks, teka..lalaki ako nu? Tunay na lalaki. Kahit gusto ko yun, ginagalang ko yun, pero bastos pa rin kung iispin ko yun..haha, anu raw? I won’t take advantage on her…saka takot ko lang dun. Hehe..

Ito kasi talaga ang nangyari.

Niyakap ko siya kasi nga umiiyak na talaga siya, tapos nalasing na rin. Dalawa’t kalahating bote ng lights nalasing na, hindi naman ata ito umiinom eh, pinagtimpla ko siya ng kape para mahimasmasan. Hindi naman daw niya ako kayang iwan sa inuman, pumayag ako pero hindi ko na siya pinainom. Ako na lang ang uminom, andito lang siya, nagkwekwentuhan kami. Masarap sa pakiramdam ang nakapagshare ng nasa loob.

Ako si Ryan Albert Sanchez Gonzaga, 19 y/o. Wala akong kapatid. Third year student of Business Engineering. Kasi may business kami at ako ang magmamana nun. Ang business namin..Hotels and Resorts and Leisure, meron ding ilang restaurant. Ngayon, ang nagaasikaso nun, yung parents ko, kaya lagi silang wala. Lumaki ako sa yaya ko, tapos nung nagkaisip na ko, umalis ako, gusto kong bumukod. Ako lang kasi mag isa nakatira dun sa bahay namin, saka, ayun medyo nagrebelde. Pero hindi rebelde na nagdrugs at naging basagulero, way ko lang yun para maiparating sa kanila na hindi ko gusto ang set up ng pamilya, ang kaso, wa epek, NR sila, kasi wala naman silang magagawa eh. Pero minsan, dumadalaw naman sila, eh ganu lang ba kadalas ang minsan? Hehe..Ayos na rin at least hindi naman nila ako masyadong pinapakialaman. Sanay na rin naman ako ng mag isa.

Second year kami, last year lang nung una kong makita si Celine. Nag try akong pumasok sa varsity ng basketball. Siya naman, nanunuod sa bleacher, yun magaling na rookie na si JC, boyfriend niya pla. Tsk, may injury kasi ako nung first year kaya hindi muna ako nakasali, edi sana ako ang magaling na rookie..hehe.. Varsity rin kasi ako nung high school. Hanggang sa nakapasok na nga ako sa team. Lagi siyang nasa practice, supportive girlfriend, kaya kilala na rin siya ng buong team, popular din kasi siya,maganda, chinita.

Isang araw ng practice, napunta sa kanila yung bola, ihahagis niya kay JC para ibalik sa amin yung bola, kaya lang ako yung natamaan, nakatalikod kasi ako eh, aba masakit rin yun ah, sapul ako eh, para bang ako yung binato. Bumaba naman siya tapos nag-sorry sa akin, nag sorry rin yung bf niya. Ano bang magagawa ko? Ang sakit kaya, pasalamat na lang at crush ko na siya nun. Ayun, tapos same course pala kami kaya nung next sem, nag enroll kami ng sabay sabay kaya naging magkaklase kami. Dun nagsimula ang pagkaakibigan namin. Tapos si JC nagquit sa basketball, nag part time na rin kasi siya sa business nila eh, medyo naging busy siya kaya sa akin naiiwan si Celine, naging mag bestfriend kami, hanggang sa ayun nga, iniwan niya si Celine.

Yun ang kwinento ko sa kanya, I feel comfortable while talking to her. Para bang kaya kong sabihin sa kanya ang lahat. Ako na nagpapaka-mysterious (mas nakakadagdag kasi ng appeal ang pagiging mysterious,hahaha, joke lang, hindi lang talaga ako mahilig magkwento sa iba), ay nag o-open sa kanya, kasi ba close na kami? ;)

REI’s POV

Tsk..buti na lang hindi ako nagsuka kagabi. First time ko kasing uminom, itong si Ryan, tomador ata talaga, inubos ba naman yung mga binili niya, buti kaya niya namang dalhin. Nakapag open ako sa kanya, without hesitation. Hindi lang siguro dahil lasing ako kundi dahil gusto kong malaman niya. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, napaiyak pa ako. At sana iyon na ang huling beses na iiyakan ko si JC.

Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya, hindi naman fair kung ako lang ang may alam. Kaya nagpakilala na rin ako sa kanya.

Sandra Mikaella Rei Santos Valderama ang full name ko, ang haba noh? Si mama kasi isa lang ata talaga ang balak na anak kaya lahat ng pangalan na gusto niya, binuhos na niya sa akin. ¼ Spanish, ¼ Indian and Half Filipina, at least buo ako diba? Si Papa kasi half Spanish, si Mama half Indian.

High school pa lang magkaibigan na sina Mama at Papa, dito pa sa Pilipinas si Papa noon. Mas gusto kasi ni lola , (yung Filipina na mama ni papa) ditto eh wala namang nagawa si Lolo nun kasi mahal niya. Biglang namatay si Lola dahil sa leukemia kaya bumalik na si Lolo sa Spain, si papa naiwan pa dito, tatapusin muna ang pagaaral niya, alanganin na rin kasi kung hihinto siya,pero susunod na rin siya. Magkasintahan na sila ni Mama noon. Dumating na nga yun time na kailangan ng umalis ni Papa para sumunod sa Spain, hinintay siya ni Mama noon hanggang sa nabalitaan niya na kinasal si Papa, arranged marriage. Nalulugi na ang business nila kaya ipapakasal siya ni lolo sa anak ng kaibigan niya. Hindi yun natanggap ni Mama, pero nakapagpaliwanag naman si Papa kaya naintindihan niya rin. Sabi niya hihintayin niya pa rin si Papa.

Nagkaroon ng expansion ang business nila sa Pilipinas kaya nagbalik si Papa, nagkita sila ni Mama. Pinandigan nga ni Mama yung sinabi niya na maghihintay siya. Dahil mahal pa rin nila ang isa’t isa hindi nila napigilan, at ako nga ang bunga ng kasalanan na iyon. May dalawang anak na rin si Papa noon.

Ayaw makasira ng pamilya si Mama kaya umalis kami, nabuhay kaming dalawa lang, natakot din kasi siya na baka kunin ako ni Papa. Hangganag sa ayun, iniwan din ako ni Mama. Nasagasaan kasi siya. Hinanap ako ni Papa, kinuha niya ko at dinala sa Spain. Na-meet ko na rin ang legitimate family niya. Hindi ako gusto ni lolo kasi munitk ng hindi magpakasal si Papa sa iba dahil kay Mama, pati yung ate ko galit din sa akin, pero buti mabait sa akin si kuya  at lalung lalo na..si Tita Andrea, yung wife ni Papa. Mabait siya, hindi niya ako pinakitaan ng masama, naging mama talaga siya sa akin kaya ayos na rin na andito ako. Kaya lang, nadiagnose siya sa lung cancer, lahat ginagawa para gumaling siya. Pumunta pa sila nun sa Amerika ni Papa, sakay ng private plane, at naaksidente yun. Oh diba lahat na lang sila iniiwan ako? si Kuya na lang ang naging kakampi ko. Cold lang naman sila sa akin kasi hindi naman nila ako pinabayaan. I have everything I need kahit nga luxury na lang, binibigay din sa akin.

Hindi ba parehas lang ng kwento namin ni JC? Ikinasal si papa sa babaeng hindi niya gusto habang meron naman talaga siyang minamahal. Alam ko, nahirapan din si Mama Andrea nun kahit tanggap niya na hindi siya kayang mahalin ni Papa gaya ng pagmamahal niya kay Mama, and I really admire her for that. Kaya nga siguro hindi rin ako pumayag na makasal kay JC kasi baka maulit lang ang lahat. But I’m not on my Mama’s shoes kaya na kay Mama Andrea ang sympathy ko. I wonder kung naikasal nga kami ni JC tapos nagkita ulit sila ni Celine at nagkaanak..tsk, ano kayang gagawin ko? Kaya ko rin kayang magpaka- Mama Andrea? Siguro nga hindi ko kakayanin yun kaya iba ang naging kwento namin.

Mukha namang naintindihan ni Ryan yung kwento ko kasi parang kahit paano nasa tamang wisyo pa siya. Pero at least naintindihan nyo naman diba? Hehe..

Oh diba, matagal na kaming magkasama sa bahay pero hindi pa namin kilala ng lubusan ang isa’t isa. Well at least, dito magsisimula ang lahat.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon