CHAPTER 35 – Ang Childhood Friend
SKY’s POV
Sky Francisco T. Fuentes, lead vocalist ng SKYZ Band, which stands for the first letter of every band member (Sky, Kurt, Yohan and Zeth). Nagkataon lang na kapangalan ko yung banda.
Matagal na naming ginagawa ito, hindi nga lang full time kasi nag-aaral pa kami. It’s a good thing na rin na classmates ko rin yung banda kaya wala masyadong conflict sa schedules ng practice. At dahil may resto bar naman si Ate, dito na kami tumutugtog, magandang experience ito. Malay mo, biglang may makadiscover sa amin. Hehe.
Sabi ni ate may nagpreserve daw na group, basketball players na magce-celebrate ng championship. Earlier than usual yung set up namin. Ganito naman talaga ang tugtog namin every weekend.
Nagse-set up ako sa stage nang mapansin ko na may kausap na babae si ate. Sino kaya yun? Sandali, parang nakilala ko, pero imposible. Simula nung kunin siya ng tatay niya hindi na kami nagkaroon ng communication. Ang alam ko kasi malayo ang Spain.
“Ate, we’ll start in about five minutes.” Sa wakas, nakita ko na yung kausap niya sa malapitan. “Rei?”
Shayne – “Isko, hindi ka nagkakamali, siya na nga.” haist, si ate talaga. pwede bang sa bahay na lang yang Isko.
Ako – “Eh kasi babaeng porma mo ngayon eh.” Boyish kasi porma nito nung mga bata pa kami. Hindi pa rin naman girly ngayon. Pero aminin ko, mukhang babae na talaga siya ngayon at..ang ganda. ;)
Rei – “Siraulo! Hindi ka pa rin nagbabago, suntukin kita eh.” Maganda na sana, siga lang, hehe. Ayus lang maganda pa rin naman.
Ako – “Hahaha, no doubt! Ikaw na nga yan, pare, amazona.” Hindi ko alam kung pwede pa rin ito, basta lang hindi ko napigilan, yinakap ko siya. Namiss ko kaya siya. “Babae ka na rin yakapin ngayon ah.”
Rei – “Loko ka talaga” sana pala hindi ko na ginawa, para kasing ayoko ng bumitaw, hehe. Wala lang, parang nailang lang ako ng konti. SIguro kasi hindi na kami mga bata ngayon.
“Ehem” naku, at sino ito? Boyfriend niya? Hindi naman mukhang Spanish
Ipinakilala niya naman. Nalaman ko na sila pala yung team na nagpareserve. Bumalik na rin sila sa grupo nila.
Ako – “Ano? Mahilig ka pa rin ba sa music?” siya kasi talaga ang nag encourage na tumugtog ako nung mga bata pa kami. Pareho kasi naming paborito noon ang Parokya Ni Edgar.
Rei – “Oo naman, minsan tumutugtog pa rin ako.”
Ako – “Good.”
“Give it up for SKYZ” panimula ko. Tumugtog kami ng fast song at nagsayawan naman ang mga guest. Nakita ko si Rei hindi sumayaw, haha, hanggang ngayon siguro parehong kaliwa pa rin ang paa niya. Hindi naman siya iniwan dun ni Ryan, yung pinakilala ni Rei.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...