CHAPTER 24- Ang Group Date

51 0 0
                                    

REI's POV

Dina- "O, kumusta naman ang friendly date nyong dalawa?" sabi na nga ba, hindi pwedeng makalampas yan kay Dina. Lunch time yun, dun ko lang naman sila nakakasama bukod tuwing tapos ng klase sa basketball practice.

Grace- "Share niyo naman" gumatong pa siya. Hindi naman nakapagtataka na lahat sila alam na.

Jacob- "nag date nga talaga kayo?" itong si Jay hindi ata makapaniwala.

Dylan- "Ano naman kung nag date nga sila?"

Jacob- "Wala naman. E di pwede rin tayong magdate, Rei?" haha, ayos lang mag aya itong si Jay ah.

Ry- "Teka, tama na nga. Bakit ba parang big deal yang date na yan?" oo nga, tama, ano namang masama eh weekends naman talaga kaming lumalabas ni Ry. Hindi ko na rin tuloy nasagot si Jay.

Dina- "Eh kasi nga Papa Ry...wala lang, ang sarap niyo lang kasing asarin, hehehe."aba ang mga lokong ito, mga bully.

Andy- "Ssshh, awat na yan." Ayun, buti naman, may aawat. "Nagba-blush na yung dalawa oh." Nyak, babanat din pala. "nainggit ba kayo sa date? e di bibigyan ko rin kayo ng date. Group date." sabay may nilapag siyang mga tickets sa lamesa.

Grace- "Aba, weekends naman pala, Go ako dyan." Kumuha siya ng isa, ako rin kumuha. Ticket siya for professional basketball game.

Lahat kumuha at pumayag na sumama sa group date maliban kay...

"Eulz, hindi ka ba sasama?" tanong ko sa kanya, mukhang may problema na naman siya.

Dina- "Meron din namang ticket pa, pwedeng sumama si Basty." Hindi kasi nila alam yung nangyari kina Eula at Basty saka yun eksena namin sa bilyaran.

Eula- "Aalis na kasi ako eh."

"Ano?" Chorus kaming lahat. "bakit?"

Eula- "Punta akong France, na approve na kasi yung scholarship ko dun, eh sayang naman" naikwento na niya sa akin yan dati, ang bongga ng friend ko, sa Art School sa France magaaral, sige, siya na. hehe

Ako- "Kelan?" mahilig talaga akong magtanong ng date, hehe.

Eula- "Sa weekend na"

Dina- "Agad agad? Hindi ba pwedeng magpadespidida muna?" Lahat kasi kami nalungkot.

Ry- "Teka, hindi ba dapat maging masaya tayo. Big break na yan ni Eula."

Ako- "Korek. Saka may 1 week pa tayong makakasama siya." Kahit nalulungkot ako, hindi ko ipapahalata.

Grace- "Mamimiss ka namin Eulz. Group hug" group hug naman kami.

Eula- "Thank you guys, pinapaiyak nyo na agad ako,"

Dina- "Ay naku teh, wag, baklang bakla ka pag umiyak." Nagkatawanan na lang kami.

LUmipas pa ang ilang araw.

NAIA. Paalis na rin si Eula, pagkatapos ng unforgettable despidida namin para sa kanya. Kami lang ni Ry sumama paghatid, malayo pa kasi yung iba tapos napuyat nga kagabi.

AKo- "Eulz, bakit andito yan si Sebastian?"

Eula- "Kung maka-Sebastian ka naman. Kalma lang. Halika, ipapaliwanag ko sayo." Nagpunta kami ng Ladies' room

Ayun, naipaliwanag naman niya sa akin bago ako mag hysterical.

Ako- (Kay Basty) "pwede ba tayong mag usap sandali?" kakausapin ko lang naman para hindi na niya masaktan ulit si Eula.

After nun, nag check in na rin siya. Mamimiss ko siya, siya ang pinaka close na classmate ko. Dahil sa kanya, hindi ako naging loner sa klase. Para ito sa future niya kaya okey na rin.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon