CHAPTER 32- Ang Gamot sa Torpe
DYLAN’s POV
Charles Dylan M. Castro. Youngest son of a florist and a landscape architect. My family runs a landscaping and flower business. Mabuti na lang din at namana ko ang pagkahilig ng mga magulang ko sa halaman kaya I think I’ll be more willing to run our business someday. Gaya ng ate ko, yup, I have a sister, my one and only cibling. Aside dun, ang hobby ko, maglaro ng chess. Ewan ko, basta nahilig na lang ako dun. Pakiramdam ko kasi matalino kapag chess player, haha, oo, feeling matalino ako. ;) Hanggang sa medyo kinarir ko na, so I decided to quit basketball, I mean yung pagsali sa school league. Magkasama kami ni Ry noong gradeschool. Naswertehan lang ako na napili nung try out. Sabihin na natin na nagtampo siya sa akin. Matampuhin kasi yan si Ry.
NAkalimutan ko, wala nga pala ang buong basketball team dahil may training. HInanap ko na si Andy, nandun na rin ako sa bahay ni Ry. Kung naalala ko lang na wala siya, hindi na ako pumunta. That means, si Rei lang mag isa. I know there’s nothing wrong with it, kaya lang, shy type lang kasi talaga ako. Like we’ve never been alone before.
I first saw her nung pumunta sila ni JC sa campus. Yeah, I know about JC-Celine-Ry-Rei thing though Ry never opened the topic. Madamot lang sa kwento. hehe.
Aalis na rin sana ako pero hindi ako makatiis nung makita ko yung ginagawa niya. Uhm, wala namang masama. I offered to help her. I think this could be the fisrt step.
Umpisa pa lang, komportable naman. Natapos na namin yung ginagawa. She offered lunch, I was hesitant at first. Paanong ang isang heredera ay marunong magluto, kahit ba wala naman kaming naririnig na reklamo kay Ry sa mga iniluluto sa kanya. Pumayag na rin ako.
Nagsimula na akong kumain, natigilan ako. Kasi hindi ko talaga akalaing kaya niyang magluto ng masarap. I really pictured her as an spoiled brat kid na walang alam sa kusina at gawaing bahay. That proved me wrong. Nagpatuloy na kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Nagkaroon tuloy kami ng biglaang lakad. Kaya umuwi muna ako sandali para magpalit at kunin yung sasakyan ko. Hindi ko balak mag commute with her, dyahe naman. Ito kaya ang first date namin. Hehe.
Hindi na ako bumusina kasi baka mapressure naman siya at magmadali. BUmaba na ako ng kotse para mag doorbell. Hehe, mas pressured naman kasi kung busina ng sasakyan kaysa doorbell diba. Kaso.
Rei – “ANo? Tara na ba?” wow, excited? Prepared na kasi siya. Mabilis lang, eh paanong hindi, casual lang naman tapos walang arte sa katawan. Well, mas okey nga yang get up niya sa pupuntahan namin.
Ako – “When you’re ready.”
Rei – “Oo naman. Eh san ba tayo pupunta?” pinagbuksan ko na rin siya ng pinto ng kotse, gentleman ako eh. Uhm, ang totoo, medyo nangangamo rin kasi yung pintuan sa side na yun, baka hindi niya mabuksan. hehe.
Ako – “Malapit lang naman.”
Rei – “Huwag tayong magpapagabi ah.”
Ako – “Don’t worry, ibabalik kita on time, Cinderella.” I teased her.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...