CHAPTER 36 - Ang Duet
REI's POV
Haha, akala niya makakaligtas siya sa pambubuyo ng mga tao dito? Pwes, nagkakamali siya. Inabot na lang ni Sky sa kanya yung gitara. Pagkatapos niyang i-intro si Ry, lumapit siya sa table namin at tumabi sa akin. Medyo nagulat lang naman sila kaya I feel responsible na ipakilala siya.
Ako - "Ayos din ah. Para makapagpahinga?" biro ko sa kanya.
Sky - "Haha, you got me!" toinks, umamin agad? hehe
Ako - "Biro lang. Mukhang ang dami ngang gustong makipag-jamming sa inyo eh." Hindi ko maipagkakaila, in fairness marami rin silang fans kahit dito lang sila tumutugtog.
Sky - "Pero sa tingin ko ito ang pinakamasayang jamming."
Ako - "Syempre, naka-jamming mo ko eh." Pagmamalaki ko sa kanya.
Sky - "Mismo!" haha, aminado? "So, anong ginagawa mo rito?"
AKo - "Nagcecelebrate. Champion kasi kami." Umiling lang siya.
Sky - "Anong ginagawa mo rito sa Pinas?" ayan na, alam ko namang yan ang ibig niyang sabihin. "San ka tumutuloy? Wala kang kasama? Bodyguard?"
Ako - "Bakasyon lang. Nakatira ako sa family friend. Mas okey yun kaysa sa hotel."
Sky - "Yung totoo." Ngaks, hindi naniwala. Ang tagal na naming hindi nagkita pero basang basa niya pa rin ako. He really knows me. Siguro wala naman kasi talagang masyadong nagbago sa aming dalawa.
Ako - "Mahabang kwento." Palusot ko na lang. Gusto ko namang sabihin sa kanya ang totoo, I feel like I can still trust him, kaya lang kasi baka madamay pa siya.
Sky - "Okey. This won't be the last time."
Hindi na rin siya nagtanong ulit, nagsimula na kasing kumanta si Ry kaya nanood na lang kami.
Si Ryan, nagperform on stage. Ang cool naman, ka-inlove. Haha, kahit sanay naman ako ng tumutugtog siya, iba lang kasi yung ngayon. May tamang back up lang kasi siya eh.
Sky - "O sige ha. Baka kasi mawalan ako ng karir pag nagpatuloy pa yan si MVP. Hindi pa naman ako mahusay magbasketball." tapos ng magperform si Ry, standing ovation pa kami. Supportive eh. ;)
Ako - "Haha. Sira ka talaga"
SKY's POV
Masaya talaga itong 'Jam with the Band' dahil nakakasama naming magperform ang iba. At higit sa lahat, nakakapagpahinga ng kaunti. Hehe. Napansin pa talaga yun ni Rei.
I grabbed this chance para makausap siya kasi baka mamaya wala ng time. Hindi ko lang mapigilang magusisa sa kanya. Kaya marami akong tinanong. Nagtataka lang kasi ako eh. Alam ko kung saan siya nagpunta. Mayaman ang pamilya niya sa Spain at nung time na umalis siya, ni-ready ko na ang sarili ko na hindi ko na siya makikita ulit, dahil siguradong hindi na siya babalik.
Nung nagkahiwalay kami hindi pa kasi uso ang hi-technology nun kaya mahirap magkabalitaan kami. Kaya nung naglabasan ang mga social sites, I tried searching her. Stalker? Admirer kaya. Hehe. Pogi? ;). Kaya lang, wala naman akong napala. Naisip ko, sa isang prominenteng pamilya, it would be risky on them to go on public. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito siya, anuman ang dahilan, gusto ko pa ring malaman.
Hindi naman ako naniwala sa sagot niya. Same old her, hindi pa rin nagababago. Talaga lang hindi siya marunong magsinungaling.
Ako - "Okey. This won't be the last time." Hindi pa naman ito ang huli, dahil nagkita na kami, hindi na mahirap magkaroon ng kontak sa kanya.
BINABASA MO ANG
Second Love
RomansSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...