CHAPTER 11- Ang Proposal (Work Proposal) at Unang Araw

64 0 0
                                    

CHAPTER 11- Ang Proposal- (Work Proposal) at Unang Araw

Saturday na ulit, isang lingo na palang ganito ang set up namin.

Maghahanda sya ng almusal, sabay kaming papasok sa school, naghihiwalay din kami agad kasi nga magkaiba ang college building naming, sabi ko sa kanya ihahatid ko na sya sa room nila pero wag na raw kasi baka ma-late pa ako. Hindi kami sabay na nagla lunch kasi nagaaral sya, ginagamit nya rin kasi yun time nay un para makahabol sa mga lessons nya, late na kasi syang nakapasok sa university kaya kailangan niyang magadjust. Nung mga unang araw, pinapauna nya na akong umuwi kasi nag-aaplay sya ng trabaho after class. Ewan ko, meron pa bang tumatanggap ng applicant ng 4pm? Yun kasi ang pinakalate nyang dismissal ng klase. Pero umuuwi naman sya agad bago magdinner kasi nagluluto pa sya. Pero nitong huli ininsist ko na samahan sya sa mga inaaplayan niya, kung anu anong may “Hiring” ang inaaplayan nya, pero  hindi naman  sya matanggap. Its either mukhang manyak yun amo or masungit. So, hindi ko sya pinayagan na pumasok sa mga ganun.. Manager nya? Hehe..

“Wanted yaya….driver..secretary..GRO? with pleasing personality, at least 5’3” in height, high school graduate”si Rei na nag-i-scan sa classified ads habang sabay kaming nagaalmusal

“Ano ba yang binabasa mo?” agaw ko sa binabasa nya. “Hindi ka qualified dito.”

“Ang yabang mo naman!” agaw nya ulit sa akin ng dyaryo. “ Ang hirap naman pala talagang maghanap ng trabaho. Natyempuhan ko lang talaga yung restaurant na yun. Kapag nakahanap ako, magce-celebrate tayo.”

“Hindi ka naman na pwedeng bumalik dun eh. Eh kung ako na lang ang magbigay ng trabahao sayo?”

“Ano namang trabaho?”

“Kasama ko dito.”

“Maid?”

“Hindi naman, basta samahan mo lang ako ditto then you’ll get your salary, aside from board and lodging” sabi ko sabay higop ng hot chocolate.

“Tsk..ganun nga yun, yun ang tawag dun, don’t worry, wala namang masama sa maid ah, I’m not offended” so nahulaan nya, yoko naman kasing isipin na katulong ang gusto ko sa kanya, she’s my friend. “Seryoso ka ba dyan? Magandang offer yan. Pero pano si Manang? Ang lagay eh, agawan ko pa sya ng trabaho”

“Kumontak na sya sa akin, nanganak na kasi yung anak nya kaya walang magaalaga sa apo niya, kaya hindi pa sya makakabalik.”

”Wow, talaga? Then I’m employed” yumakap pa sya sa akin, nakatayo na ako nun kasi tapos na akong kumain, nilagay ko yung pinagkainan ko sa lababo. “You won’t regret it, all around ako. Kaya kong magluto, maglinis, maglaba, mamalansta, …mag drive…magkumpuni? Hindi masyado..”nakabitaw na sya sa akin.

“Regarding sa mga damit, I mean, sa paglalaba at plansta, leave it to ate Lucy, para hindi naman sya mawalan ng trabaho.  Just feed me at samahan mo lang ako.” gusto ko kasi talaga yung mga luto nya and most of all, I really enjoy her company. Kulang na lang hilahin ko ang oras sa school para dismissal na, hindi na rin ako sumasama sa lakwatsa except lang kung basketball practice, dahil gustong gusto ko ng umuwi… just to be with her. Daig pa ba ang may asawa? Hehe ;)

“And I can also take care of you..”pacute nya pang sinabi, hindi naman pilit kasi cute naman talaga, wah..stop it, naaakit ako..hehe.. “Ngayon na start ko ah, Koya.” Koya? Bisaya ng KUya?  Pinagtitripan ako nito ah. Patulan ko nga.

“Inday, bihisan mo na si Koya.” Sige nga..

“Oki, tara na Koya, dun na tayo sa kwarto, bibihisan na kita. Habang wala pa si Ati.” Tinutulak nya pa ako habang tumatawa? Talagang pinagtitripan ako nito ah.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon