CHAPTER 12- Ang Nangyari…
REI’s POV
“Saan ka ba galing?”tanong ko sa kanya. “Binigyan mo nga ako ng cellphone, iniwan mo naman yung sayo. Malamang makontak kita.” Nyi, sounded like a nagger wife? Parang umuwi naman siya ng lasing. Hindi pa lasing kasi maglalasing pa lang. Bumili kasi siya ng drinks as in alak.
Ryan- “Ang haba kasi ng pila dun sa convenience store kaya medyo natagalan ako. Sorry kung na-miss mo ko agad ah.” Ngumiti pa. “Come on, let’s celebrate”
Ako- “Na-miss ka dyan. Ano bang meron? Birthday mo?"
Ryan- “Di ba sabi mo pag nagkaroon ka ng trabaho, magce-celebrate tayo.” Pag nagcelebrate kelangan inuman? Hindi naman ako umiinom eh, saka dapat treat ko. “So eto na. Hindi naman tayo maglalasing eh, iinom lang.” nagsimula na siyang magbukas ng bote. Lights lang naman yun binili niya.
Ako- “Asus, celebrate ka dyan,..may problema ka noh?” tanong ko sa kanya. Umupo na rin ako at nagbukas ng bote, sigurado ako..may problema ito.
Ryan- “Porke ba iinom may problema na? Hindi ba pwedeng…………..” bunting hininga “tama ka.” Mahina lang niyang sinabi yung huli.
Ako- “Sa school? Tao ba ito?....Babae?” Pinoy Henyo ba ito?..hehe..well..I’m trying to joke around..pero seryoso talaga siya eh. “Si Celine?” natigilan naman siya. Tapos, tumingin siya sa akin ng diretso. Uminom na rin ako ng binuksan kong lights. Nyi, ampait. ;)
Ryan- “Bakit ko naman siya poproblemahin, masaya na yun”
AKo- “Eh ikaw, masaya ka rin ba?”
Ryan- “Hindi naman naging kami eh” anong konek? ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko, lasing na ba ito? Hindi pa nga niya nauubos yung isang bote. “Paano akong sasaya?” toinks, ayun naman pala, may follow up, hindi kasi ako naghihintay..hehe..nakuha ko na yung konek.
Ako- “Uhm, ano ba talagang nangyari?” sounds with interest. Alam kong gusto niyang mag open, I want him to know na handa akong makinig. “Pero kung ayaw mong pagusapan,…pag usapan pa rin natin,” hehe, ang kulit ko ba?
Ryan- “haha, ang kulit mo, lasing ka na ba?” naku, nag-joke pa. sige na, magmoment ka na kasi.
“Mas makakagaan kung may ibang makakaalam” yun ang sinabi ko.
“I was there when JC broke her heart.” Ayun, nagsimula na siya. “ I was glad I was there, nadamayan ko siya. Sobra siyang umiyak, sobra siyang nasaktan. Nainggit ako kay JC nun kasi may babaeng nagmamahal sa kanya katulad ni Celine, pero nagalit ako sa kanya, dahil nagawa niyang magpaiyak ng babae..as fragile as Celine. Pero hindi naman siya ganun kahina. I’m there as she struggles to get over him. Hiniling niya sa akin na huwag ko siyang iwan until she wants me to. Simula nun, lagi ako sa tabi niya. Natakot akong iwan siya. Kahit mas nasasaktan ako kapag nakikita siyang nasasaktan. Hindi ko namalayan, I’m starting to fall for her, unfortunately I fell so hard. My first love. I know she still loves JC, but I’m willing to wait until she loves me back. I never told her, maybe I regret not telling her…… or maybe not.”
“Tsk, torpe kasi ako eh, natorpe ako sa babaeng yun. I was about to tell her when suddenly he came back” teka yun yung time na dumating kami, “si Celine, kukunin na naman niya sa akin, and he did. Wala akong nagawa, hindi ako ang mahal niya, hindi ako ang pinili niya, kahit pinaramdam ko sa kanya na mahal ko siya. Hindi ko sinabi, dahil alam kong mahihirapan lang siya coz she can’t love me back. To her, I’m just a friend. At masakit yun, inisip ko nun kung kidnapin ko na lang siya para hindi na siya bumalik kay JC, selfish…pero kasalanan ko naman to eh.. sino bang nagsabi na mainlove ka sa babaeng may mahal ng iba. I chose to be hurt the moment I chose to love her.”
“Hindi naman porket nasaktan na, hindi na pwedeng magmahal ulit.” Sabi ko, at napansin ko…may luha? He cries? Hay, broken hearted naman kasi, sabi na hindi pa to nakakapag move on, first love niya yun eh.
Ryan-“Ikaw? Hindi ka ba nagsisi sa naging desisyon mo?”
Ako- “Ha? Ewan ko..Siguro..” ano bang tanong yun? Inom na lang ako, kesa sagutin ang tanong niya.
RYAN’s POV
Ako-“Ikaw? Hindi ka ba nagsisi sa naging desisyon mo?” tanong ko sa kanya, ang lagay eh ako lang ang magmomoment?
Rei- “Ha? Ewan ko..Siguro..” ano ba namang sagot yun. “Kung nagsisi man ako, huli na…Sandali, kuha pa ko ng pwedeng pulutan.” Tsk..tumakas pa.
Ako- “You can hide but you can’t escape.” Kanta yun ah..hehe, sabi ko sa kanya, nung pagbalik niya. Para naman siyang nagulat. “Do you think it’s all worth it?”
Rei- “Alin? Yung katangahan ko?” she started, “I’m just truly….madly…deeply..in love with him.” Aba, kanta rin yun ah. “Nung pinapunta ako ni Lolo sa Amerika para ma-meet ang fiancée ko raw, I was scared, malay ko ba kung anong klase ng tao ang mapapangasawa ko.” Sabay ubos ng ikalawang bote niya ng lights. “Naisip ko na sana, he’s a good person at sana magustuhan niya rin ako, magiging friends kami. I was never in love before, kaya ayos lang naman kung magpakasal na ako sa hindi ko gusto. I was hoping na eventually maiinlove din kami sa isa’t isa, tapos happily ever after na parang hindi naman kami pinagkasundo lang."
"Unfortunately, things did not fall into places. Nadaya ako, I did not expect that I will fall for him earlier than I planned. Hindi naman nga kasi pinaplano ang love eh. And what’s worst?... he just can’t love me back. But who cares? Ikakasal naman siya sa akin eh..pero kaya ko ba? Hindi pa man kami kinakasal, I am already cheated. Natakot ako na baka hindi niya ako magawang mahalin. Ramdam ko kung gaano niya kamahal si Celine, anu namang laban ko dun?. Hindi ko na sinabi kasi baka maawa lang siya sa akin. Baka mas lalo lang akong masaktan."
"So kung pinagsisihan ko nga ba? Pwedeng hindi, kasi pag nagmamahal ka, kaya mong mag sacrifice. Kaya lang kasi, ang sakit eh…unang lalaking minahal ko, hindi ako minahal. Masakit kasi para akong niloko.” Now she’s crying, ang babaeng matapang, malakas at mukhang manhid, umiiyak sa harapan ko. I can’t help it, ayoko siyang kaawaan kasi alam kong malakas siya at kaya niyang lampasan ito. Pero hindi ngayon, lumapit ako sa kanya, mukhang tipsy na siya, ako rin, nakainom na,.. then I hugged her..and then…….
BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...