CHAPTER 28- Ang Puppy Love
PJ’s POV
Peter Justin Park but known as Peter Park, playing forward of Bullets in National Basketball League. People close to me calls me PJ.
My family really felt sad when we lost my sister. We badly miss her lovely spirit. Pero hindi namin akalain na dobleng lungkot pala ang nararamdaman ni lolo. Paborito niyang apo yun eh. Lolo’s girl talaga siya kasi silang dalawa ang madalas na magkasama. At dahil sa kalagayan niya, hindi siya naniniwalang wala na siya. Ipinayo kasi ng doctor na bawal siyang madepress that’s why we did not insist the truth.
Until I met this fan of mine. Hindi maganda ang mood ko nun, maliban sa dahil natalo kami kundi dahil lumala raw ang kondisyon ni lolo.
Hindi ko napigilang humanga sa kanya. She looks familiar. Nagpapicture kami using my cellphone. I think I better have her photograph. Habang tinitingnan ko, lalo akong nakukumbinse, akala ko dahil namimiss ko lang si Pao pero totoo, malaki ang pagkakahawig nila.
“if only we can hire someone to play as your sister, para hindi na niya hanapin ang alam niyang buhay pa.” naalala kong sabi ni Uncle Tom. Habang pinagmamasdan ko yung picture after zooming in. Why not?
I’m desperate to make lolo happy kaya hinanap ko siya. Ginawa kong pagkakataon ang mga university tour to look for her. I’m pretty sure she’s in college.
Who would expect na sa mismong anniversary ng St. Anthony’s Basketball team ko lang pala siya makikita. I never wasted anytime, I got to know her more and I find her great.
Honestly, I never expect she would accept my proposal, at hindi rin daw siya tatanggap ng halagang kapalit.
The means justify the result. Unti-unti nang sumisigla si lolo sa ilang linggong nagkakasama sila. At first I don’t like the idea and I don’t think na seryoso si Uncle dun sa sinabi niya. Paola is irreplaceable. And I don’t intend to replace her. I just want lolo to know a person as beautiful as Rei.
Dapat susunduin ko siya ngayon pero sabi niya wag na lang raw. Meron din daw kasi siyang isasamang kaibigan.
Arf! Arf! Arf! Natanaw ko na sa bintana na paparating na yung dalawa. The expected friend of her. Nakita ko mula sa bintana kung paanong humarang sa harapan ni Rei si Ryan habang tumatahol at papalapit ang aso kong Labrador. Lumabas na rin ako para salubungin sila.
RYAN’s POV
Rei- “Ry, wag mo siyang takutin.” Ako pa ang nananakot sa kanya? Ang laki kaya nitong brown na Labrador. Eh kung hinayaan ko na lang kaya siyang malapa. “Hi Blaze, kumusta ka na?” magkakilala sila? parang tao lang yung kausap, nauna na siya papunta dun sa aso para hawakan. Parang natutuwa naman yung aso, habang hinihimas niya yun ulo. Hindi na tumahol. “Don’t worry, mabait naman siya eh, hindi nangangagat yan.” Kumindat pa sa akin. Teka, sino bang kinakausap niya, ako o yung aso. Asar ka na naman Rei.
Ako- “Sinong hindi nangangagat?” pakiramdam ko lang kasi na yung aso yung kinakausap niya at ako naman yung tinutukoy niya. Pang asar talaga to.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...