CHAPTER 20- Ang Date

50 0 0
                                    

CHAPTER 20- Ang Date

REI’s POV

Lumipas pa ang mga araw, normal naman ang lahat. Balik na sa dati ang klase namin. Minsan din may laban sila, syempre pa lagi akong nanonood. Kasama ko naman lahat ng barkada eh, saka enjoy naman panoorin silang maglaro, mahilig din ako sa sports na yan.

Mabuti naman yung usapan namin ni Ben ay natapat na wala naman silang laro. Nagpaalam na ko kay Ryan pagkatapos ng klase ko, nauna na akong umuwi, para makapaghanda pa ako ng dinner. 6pm kasi ang usapan namin na magkikita dun sa mall, samahan ko siyang bumili ng ibang gamit sa arts.

RYAN’s POV

Tsk, ngayon lang ulit ako nawalan ng gana sa practice. Mamaya kasi yun nakatakdang “date” niya dun sa Ben na yun, ni hindi ko nga kilala. Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos ng klase niya.  Bakit naman ako affected dun? Ang babaeng yun, parang ganun ganun lang kasing mag move on.

“Tol, parang wala ka sa sarili ah” si Andy, bumasag sa pag iisip ko. “Wala lang yun inspirasyon wala na sa sarili.”

Ako- “Ano?” tanong ko sa kanya. Nasabi niya yun kasi naagawan ako ng bola nung freshman, bihira mangyari yun.

Andy- “Wala” tumatakbo na kami sa kabilang court, kala naman niya hindi ko narinig yung sinabi niya kanina. Eh narinig ko naman pala bakit tinanong ko pa? TOinks. “Nasan ba si Rei ngayon?”

Ako- “Nakipag date” sabi ko habang dumidepensa.

Andy- “Ano? Nakipagdate?” tingnan mo, narinig naman nagtanong pa. Expression lang kasi naming yang ‘Ano’. “Sino naman?”

Ako- “Hindi ko kilala”

Andy- “Bakit hindi mo kilala? Adik ka ba?” nagulat pa siya, nakalusot tuloy yung binabantayan niya. “Hindi kaya mapaano yun si Rei”

“Gonzaga! Martinez! Magkukwentuhan ba kayo o maglalaro?” patay,  si Captain, mapapansin talaga kami kasi yung freshmen na kalaban namin, naka-score sa aming mga regular player nang walang kahirap hirap. Pinaupo na lang tuloy kami.

Ako- “Marunong ng self defense yun” sabi ko sa kanya bilang sagot sa sinabi niya kanina.

Andy- “Tsk, kaw bahala.” Sabi niya sabay inom ng tubig.

Napaisip naman ako sa sinabi ng lokong to. Kaya hindi ako mapakali kanina pa, nagaalala ako. MArunong nga siya ng karate, pero babae pa rin siya. Badtrip, ano ba itong pumapasok sa isip ko.

Hindi ko na tinapos yung practice, nagpaalam na ako. Hindi ko na tinawagan si Rei baka lumabas lang na exaggerated ako at bitter kasi nga una siyang nagkaroon ng date kaya lumalabas na unan siyang nagmo-move on. Baka maabutan ko pa siya sa bahay. Sabihin ko na sasamahan ko na lang siya, ay teka, date nga iyon bakit ako eepal? Tsk, bahala na.

Sa daan, may nakita akong pamilyar na mukha, sinundan ko na lang siya. Nakita ko, pumasok siya sa isang restaurant, yung dating pinagtatrabahuan ni Rei. Pumasok din ako. Nakita ko, diretso siya dun sa counter, sinundan ko. Ano pa bang ginagawa nito dito? Alas sais na, balak niya bang paghintayin si Rei dun?

REI’s POV

Naku ha, kanina pa ako dito sa likod ng mall. Ang lokong yun, wagas kung magpahintay. Ayos lang, pasalamat sya naaliw ako kakapanood sa mga tao. Kanina maraming tao pero ngayon parang kaunti na lang, hindi pa naman ganun kagabi ah. Ganun na ba kabilis mawalan ng tao dito, meaning, ganun na rin ako katagal naghihintay. Tsk, baka indianero yun lokong yun ah, o baka naman may nangyari dun? Wag naman sana, wala naman kasi kaming kontak eh.

Maya maya pa, I decided to go, nang biglang.

“Oops, sorry po.” May nabangga akong mama, si manong naman kasi ang laki ng daan humaharang pa sa akin.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon