CHAPTER 43 – Ang Bagong Buhay
RYAN’s POV
Buong maghapon kami in Rei’s place. Balak na rin naming dito mag-dinner. Imbes na magpadeliver, nagprisinta na akong bumili ng makakain namin. May malapit namang fast food chain kaya naglakad na lang kami.
SInama ko syempte si Rei para at least maging familiar na siya sa surroundings ng bago niyang tutuluyan.
Rei – “Ayan, kumpleto na lahat, pati yung kabilin bilinang salad ni Dina at Grace.”
Ako – “Let’s go. Nakakatakot kapag nagutom yung mga yun.”
Rei – “Hindi nga lang halata. Teka Ry, tungkol dun sa kapalit ko..”
Ako– “Si Mom na raw ang bahala. Hindi ko alam kung mapapayag niya pang bumalik si Nanay Mil.”
Rei – “Ah, mas maigi nga kung siya ang makakasama mo.”
Ako – “I think so.”
Rei – “SIya nga pala.” Tumigil siya, parang nagaalangan pa kung itutuloy niya. “I met your Dad”
Ako – “Really? Saan?”
Rei – “Kagabi, dun sa party. Nung lumabas ako, nakasalubong ko siya.”
AKo – “Nakasalubong o nabangga?” knowing her, she can be clumsy at times.
Rei – “uhmm, nabangga. Eh nagmo-moment kasi ako nun diba.” Nagpaliwanag pa. ngumiti lang ako.
Ako – “How did you know it’s my dad?”
Rei – “Nagpakilala siya.” As easy as that. “Tapos he asked my name.”
Ako – “Sinabi mo?”
Rei – “Oo, pero hindi ko sinabi na Valderama ako.” magaling lang talaga itong lumusot.
“Ang tagal niyo naman, nag-date pa ba kayo?” si Andy ang sumalubong sa amin pagpasok ng bahay.
“Naku pagbigyan niyo na yan. Uy Andy, halika na, ikaw na ang titira, liligtas ka pa.” si Dylan yun. Naglalaro kasi sila ng Scrabble.
Habang si Rei nakigulo na rin sa kanila.
Kung ganun, si Rei pala yung babaeng tinutukoy ni Dad na nakilala niya kagabi. Yung bagay raw sa akin. Uhmm, maybe I should trust my father’s instinct. ;)
REI’s POV
Ilang linggo na rin ang nakalipas. Medyo nakapag-adjust na rin ako sa bagong buhay.
Marami na rin ang nangyari simula nung araw na muntik na naming makaengkwentro ang Mom ni Ry. At dahil nga financially, hindi na ako pwedeng umasa kay Ry, ako na ang gumawa ng paraan. Pero hindi niya ako pinaalis sa bahay na pinili niya. SAbi niya kung hindi ko raw kaya, siya ang bahala. Titipirin na lang raw niya yung mga expenses niya, huwag lang raw akong umalis dun at lumipat sa isang boarding house para lang makamura. Hindi raw ako safe dun. At huwag rin daw ako basta bastang pumasok ng trabaho.
O di ba? Protective.
Hindi naman ako umalis sa apartment ni Ate Gina. Jobless pa rin ako, kasi wala na akong makuhang trabaho.
Nakakapagtaka ba kung paano kong nako-cover ang lahat ng expenses ko. Simple lang, meron kasi akong sugar daddy. Hindi ko na tinanggihan yung alok niyang suporta. Hindi ba kapani-paniwala, well, sa totoo lang,si Ry hindi rin naniniwala. E di bahala siya. Wala naman na kasi akong choice.
Or else, lalapit na lang ako kina Sky at ate Shayne. Dahil alam ko na kahit walang bakante sa Star Bar, tatanggapin niya ako. That also means na malalaman ni Ate Shayne ang sikreto ko. Si Sky lang kasi ang pinagsabihan ko nun.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...