D-89 ㅡ D-90

78 45 2
                                        

⚠️ Content Warning

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng matinding karahasan, emosyonal na trauma, at pagtatangkang pang-aabuso na maaaring makapag-trigger o maging hindi komportable para sa ilang mambabasa.

Kung ikaw ay sensitibo sa ganitong mga tema, maiging laktawan muna o basahin ito nang may pag-iingat.

Layunin ng bahaging ito na ipakita ang reyalidad ng sakit, galit, at kabiguan ng mga tauhan... hindi upang iromantisa o gawing magaan ang karahasan.

/ Flashback /

"Hi Claire, do you like my gift for you?" My Grandpa brother smiled. Napatango ako sa kaniya at niyakap siya. I missed him! Minsan lang kasi silang dumalaw dito sa bahay. Kapatid siya ni Lolo, kasama niya si Anthony, ang kan'yang Anak. 15 year old na yata si Uncle Anthony.

"Thanks Lolo Tony." I giggled. I am just 4 years old and I am sick.

"Baby what do you want to wish? I promise to give it to you." He smiled sweetly. Natuwa naman ako sa sinabi niya.

"I will wish for something one day Grandpa, not right now." I smiled. Binuhat naman ako ni Lolo at hinalikan ang noo ko.

/End of Flashback/

I smiled bitterly. I want to see my Grandpa. I will ask him for help. From what I heard from Daddy back then, Grandpa Tony is a powerful man. He is the richest in the whole country.

He can help me but I don't know where to find him. Since na nasa hospital na ako ay hindi narin nakakadalaw si Lolo Tony.

Kanina pa ako umiyak. Hindi nauubos ang luha ko. Iniisip ko si Dark Harris, paano kapag pinapahirapan siya doon? Paano kapag atakihin siya?! Hindi ba nila alam na may sakit si Dark Harris? Ano bang klaseng tao sila? Tao pa ba sila? Hindi ko gustong makita siyang--- ahhh! Mga hayop sila! Hindi ko pa nakikita kung sino ang dumukot kay Dark Harris, pero kinamumuhian ko sila! Masama ang kutob ko.

Nararamdaman ako ng antok habang hinahaplos ko ang tattoo sa wrist ko. Damn! Mas lalo ko lang naaalala si Dark Harris. Umiyak lang ako, Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali bakit naging ganito ang buhay ko? Bakit ako ang napili? Bakit kami pa ni Dark Harris ang napiling parusahan ng mapanakit na kapalaran?

Wala akong tulog simula no'ng gabing nawala sila Dark Harris at Pinky. Nakauwi narin si Kuya Elton kasama ang Lawyer niya. Hanggang ngayon ay patuloy parin ang paghahanap ng pulisya kila Dark Harris. Hindi ko na alam ang gagawin. Ngayon andito na si Kuya Elton at ang Abogado niya, sobrang dami kong natuklasan.

Magulo.... napakagulo sa isipan, nakakabaliw kung isipin, at nakakawasak ng damdamin ang katotohanang dapat ko pang malaman. Ang dahilan ng lahat.... Ang dahilan kung bakit nabuhay sa lungkot, sakit, at malayo sa isa't isa ang Pamilyang Montero.

Kinaumagahan, nakatulog ako kagabi ng umiiyak. Namamaga narin ang mga mata ko, andito parin kahit anong gawin ko ay ayaw mawala ang sugat, napakalaking sugat ng puso ko. Hanggang ngayon ay ayaw parin tumigil sa pagpatak ng mga luha ko. If last night I was afraid, today I am even more afraid.

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon