⚠️ Content Warning
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng matinding karahasan, emosyonal na trauma, at pagtatangkang pang-aabuso na maaaring makapag-trigger o maging hindi komportable para sa ilang mambabasa.
Kung ikaw ay sensitibo sa ganitong mga tema, maiging laktawan muna o basahin ito nang may pag-iingat.
Layunin ng bahaging ito na ipakita ang reyalidad ng sakit, galit, at kabiguan ng mga tauhan... hindi upang iromantisa o gawing magaan ang karahasan.
Continuation....
"Oras na para sundan nila ang kanilang mga magulang!" demonyong sabi ng lalaki. Narinig ko na lang na nagtawanan sila ng mala-demonyong tawa.
Nanatili akong nakayakap sa katawan ni Dark Harris. Andito na sila. Wala akong balak na humarap sa kanila at makita ang mga demonyo nilang pagmumukha.
"Mga hayop kayo!" biglang sigaw ni Xavier.
"Ang tapang yata ng pangatlong anak ni Harrison." halakhak ng matanda. Hindi ko pa nalalaman ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito! Pero sa kaniyang ginawa, wala siyang pinagkaiba sa demonyo!
"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo?! Hindi pa ba kayo nakuntento sa kayamanan namin na kinuha niyo?! Maraming buhay ang nadamay! Maraming buhay ang kinuha mo! Pinatay mo ang mga magulang ko! Maraming kababaihan ang ginahasa! Nasa iyo na ang lahat, Don Tony Clifford! Ikaw na ang pinakamayaman sa buong bansa! Ano pa ang gusto mo?!" malakas na sigaw ni Xavier na umalingawngaw sa paligid. Saglit na katahimikan bago sila muling nagtawanan.
Napatulala nalang ako.
"Kulang na kulang ang lahat! Hindi ako matatahimik hangga’t hindi nauubos ang lahi n’yo!" sigaw pabalik ng matanda.
"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo?!" muling sigaw ni Xavier.
"You don’t know anything?" He laughed for a moment.
"Just follow your father to hell and ask him there!" may hinanakit na sigaw ng matanda
"Mga hayop! Walang kasalanan ang mga magulang ko sa inyo!" umiiyak na sigaw ni Xavier. Hindi ko man nakikita, ay narinig ko ang tunog ng pagsuntok ng mga tauhan ng matanda kay Xavier at maging ang pagsigaw ni Xavier dahil sa sakit ng mga natanggap niyang suntok. Napaiyak ako lalo. Ano na ba ang mangyayari sa amin ngayon? Gustuhin ko mang tulungan si Xavier pero isa lang akong babaeng lampa na hindi makatayo!
"G-Gumising k-kana." iyak na bulong ko kay Dark Harris. Namamaos na ako, ni sarili kong bulong ay hindi ko na marinig. Unti-unti kong kinalas ang pagkakagapos niya habang nakadikit pa rin ang katawan ko sa kaniya. Naramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa leeg ko.
"Magbabayad kayo sa batas!" sigaw ni Xavier.
"Hawak ko ang batas, bata! Kung sana nanahimik na lang kayo, ay hindi ito mangyayari sa inyo!" sigaw pabalik ng matanda.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
