D-14

113 60 11
                                        

June 17 D-14 holding someone's hand and trust someone

ㅡㅡㅡㅡ

Napabangon ako sa aking malambot na kama. Dito ako sa abandonadong bahay natulog. Dark Harris and Xavier didn’t know that I am here.

Kagabi ako umalis sa mansion nila, dahil kapag nagpaalam ako sa kanila tiyak na hindi sila papayag.... lalo na si Dark Guy. Gusto akong makausap ni Dark Guy pero natatakot ako, kaya ako na mismo ang umalis.

Habang maaga pa ay kailangan kong masanay na hindi sila kasama. Gumagaan na kasi ang loob ko sa magkapatid. Kakaiba na rin ang tibok ng puso ko dahil sa mga trato sa akin ni Dark Guy. Ang tanging hindi ko magawa ay ang magtiwala.... 14 days ko pa lang siya nakilala. Kung iisipin, sobrang ikli lamang ng mga araw na nakasama ko siya. Agad kong inalis sa aking isipan ang tungkol sa kaniya.

Naligo ako at agad nagbihis ng kulay Sky Blue na Vintage Dress. I love wearing this kind of dress, I feel comfortable. I am so thankful today dahil medyo gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam. Humarap ako sa salamin at sandaling inayos ang aking mukha. Namumutla na ako masyado kaya naglagay ako ng lipstick. No need na magpulbo dahil ang puti ko na masyado, parang bampira na tuloy ako.

Lumabas na ako ng bahay, nakangiti kong hinarap ang abandonadong kapaligiran. Matamlay akong naglakad patungong abandonadong parke. Naupo ako sa kinakalawang na swing. What’s wrong with everything? I feel empty, longing for the happiness I truly deserve. I want to experience something new, like holding someone’s hand. What does it feel like? I’m so curious about it.

I closed my eyes for a while. The chirping of birds makes me feel that I am alive. The cold morning wind embraces my whole body. It was relaxing.... until the violent pain suddenly passed through my veins.

At that moment, the memories of him gradually flashed back in my mind. His dark presence, even his dark eyes.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil muli kong nararamdaman ang kaniyang presensya mula sa aking likuran. I could hear his footsteps.

“You are so stubborn, Britney,” he coldly said. “I will give you punishment later.” he added. As I blinked, I saw him standing in front of me. Malaki rin ang pinagbago ni Dark Guy. Hindi na siya ngumingiti tulad noong mga nakaraang araw. Siguro ay unti-unti na niyang nalaman ang mga kasinungalingan ko.

“How dare you stop me?” I yelled. I stood up and stepped backward. Kailangan ko itong gawin, kahit medyo masakit sa kalooban ko ang sigawan siya. Bakit kung titigan niya ako ay parang may ginawa akong mali sa kaniya?

“Speak gently, Lost Lady. Don’t yell, I’m not deaf.” he smirked. Bakit tinawag niya ulit ako ng ganoon? Is he treating me now like it was our first meeting? How could he! Inirapan ko na lang siya, wala ako sa mood para makipagtalo. Porket nakita niya ang kahinaan ko, maging ang pagdurusa ko, ay dapat ko na siyang pagkatiwalaan? Mahirap makuha ang tiwala ko. At the same time, I won’t beg for pity.

“Can we talk now? Tinakasan mo ako kagabi.” patuloy niyang sabi. He is really serious. Kahit tumakbo ako ngayon palayo, mahahabol niya pa rin ako. Kaya wala na akong ibang choice kundi ang kausapin siya.

“A-About what?” I asked. He was wearing a red polo long sleeve, it suits him. Halatang pinaghandaan niya ang araw na ito. Sabagay, birthday ngayon ng babaeng gusto niya.

“Sabi kong hindi ko kailangan ng tulong n’yo.” muli kong sabi. Masasabi ko lang ito pero hindi ko rin alam kung paano mabuhay sakaling hindi ko nakilala si Dark Harris. Hindi niya ako pinansin, na parang hindi niya narinig ang sinabi ko kahit malakas naman ang pagkakasabi ko.

100 Days Before I DieMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon