3

5.2K 142 5
                                    

"Diba magaling ka sumayaw? Bakit hindi ka sumali sa Dance club? Magaling ka din kumanta hindi ba? Bakit hindi ka mag audition sa Choir?" sunod-sunod na tanong ni Mel, ito ang tanging babaeng nakakausap niya sa kanilang Classroom, bukod kasi sa kanya at binubully din iyo sa kanilang klase ngunit matalino naman si Mel kumpara sa kanya kaya naman hindi iyo masyadong natutukso ng kanilang kaklase.

Katulad ni Sabby, isa din itong ordinaryong babae, matangkad ito kung ikukumpara sa kanya, morena din ito ay maayos ang buhok nito ngunit hindi din ito kagandahan.

"Ayaw ko nga, nakakahiya! Wala naman akong ka-close doon, baka mamaya awayin pa ako ng mga members doon at isa pa, nandoon din si Nicole."

"Talaga? Kasali pala ang bruhildang 'yon, hanggang ngayon ba galit pa din siya sa'yo dahil kay Uno?" Tukoy ni Mel kay Nicole, si Nicole ay dating kaibigan ni Sabby, simula maliit pa lang sila ay mag kasundi na ang mga ito, ngunit hindi na ngayon, dahil sa pagiging malapit niya kasi kay Uno ay nagalit ito sa kanya, matagal na kasing may gusto si Nicole kay Uno, matagal na din itong nag papapansin kay Uno ngunit binabalewala lang ito ng lalaki, mukhang wala itong interes sa babae.

Tumango si Sabby kay Mel at pasimpleng sumimangot, Kaibigan niya si Nicole, ayaw sana niyang magalit dito ngunit hindi niya kinakaya ang mga pang-bu-bully nito sa kanya, ito kasi ang nangunguna sa kanilang kaklaseng babae sa tuwing pinag-kakaisahan siya ng mga ito, tuluyan na talaga nitong nakalimutan na mag best friend sila dahil lang sa misunderstanding, akala kasi nito ay inaagaw niya dito si Uno, ngunit wala naman siyang gusto sa lalaki, at tanging kaibigan lang ang tingin niya dito.

"Eh ano naman kung nandoon siya sa dance club? Hindi naman siya magaling sumayaw 'no? Assumera lang talaga ang isang 'yon, baka nga matalbugan mo pa siya!" May bahid na panggigigil ang tono ni Mel, natawa na lang si Sabby at napa-isip, sa totoo lang kasi ay matagal na niyang pinapangarap na makasali sa dance club, gusto niyang sumali doon upang mapansin siya ni Cold, oo nga at pangit siya ngunit noong umulan ng talento ay gising na gising siya at nag tatampisaw.

"Ah basta! Sumali ka doon, pag isipan mo ng mabuti, sayang 'yon, pagkakataon mo na, malay mo doon pa tumaas ang marka mo." Hindi na siya sumagot sa sinabi sa kanya ni Mel, pinag iisipan niya talaga kung sasali siya, ayaw kasi niyang makabangga pa si Nicole dahil alam niyang hindi siya nito titigilan, kilalang-kilala niya ang babaeng 'yon, hindi ito nag papatalo at alam niyang ibubully lang siya nito once na sumali siya sa Club.

Napabuntong hininga siya, naguguluhan na siya, hindi niya alam kung sasali ba siya o ano, kapag kuwa'y sumuko na lang din siya sa kakaisip, saka na lang niya 'yon iisipin kapag nakapag desisyon na siya.

"Oy bes, una na muna ako ah, ako kasi ang naka toka ngayon sa computer room." pag papaalam sa kanya ni Mel, tumayo ito sa kinauupuan at pagkatapos ay pinagpagan nito ang mahaba nitong palda, mahaba ang palda nito halos umabot na sa mga paa nito, samantalang ang palda naman niya ay umaabot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya, kita tuloy ang maiitim niyang tuhod na halang kulang sa hilod.

"Sige! Sabay tayo mamaya ah!" Sigaw ni Sabby ng makalayo ito sa kanya kumaway lang ito pero hindi na siya nilingon pa halatang nag mamadali ito sa kanyang pupuntahan.

SABBY'S POV.

Napasandal ako sa puno at pumikit, ang ganda ng panahon ngayon, hindi masyadong mainit at malakas ang hangin, ganito kasi ang gusto kong panahon dahil narerelax ako, masyado na kasi akong stress sa mga kaklase ko, hindi na kasi nila ako tinantanan, ewan ko ba sa kanila, may mga sarili naman silang buhay pero bakit pa nila ako pinakekealaman hindi ba? Sa totoo lang eh inis na inis na talaga ako sa kanilang lahat, gusto ko na nga mag transfer ng School e, pero kasi malapit na ang graduation, konting tiis na lang at malapit na kaming grumaduate at makakatung-tong na din ako sa Highschool, naalala ko pa yung sinabi ng lola ko na dadalhin daw niya ako sa states pagkatapos kong grumaduate dito, masyado daw kasi akong nag papabaya sa pag aaral ko at walang nag aalaga sa akin dito, kaya naman nakapag desisyon siyang isama na lang ako doon, hindi ko alam kung totoo ba 'yon.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon