17

2.9K 79 1
                                    



SABRIANA'S POV

“Hi Sabriana!” kumaway si Kiro nang makita niya akong pumapasok sa classroom, ang lapad ng ngiti niya hindi naman siya excited na makita ang kagandahan ko diba? Kumaway na lang din ako sa kanya para hindi siya mapahiya iniwas kong mapatingin ang mga mata ko sa kanyang likod kung saan naka-upo si Cold.

Hanggang ngayon ay bwisit pa din ako sa kanya, ang nararamdaman kong galit para sa kanya ay mas lalong umusbong. Hindi niya kasi ako pinatulog sa kakaisip kung ano ba ang nangyari sa aming dalawa, I didn't even remember a single thing, did he took my virginity?

Kung oo, hindi ko 'yon matatanggap, like duh! Hindi siya ang lalaking pinapangarap kong makauna sa akin, I promise to my self na ang mapapangasawa ko lang ang tanging makakapasok sa kweba ko, pero dahil sa walang hiyang alak na iyon ay hindi ko sigurado kung napasok niya ang pinaka iniingat-ingatan ko, letche lang! Gusto kong mag pacheck-up at i-check kung ginalaw ba niya ako pero para naman akong tanga non.

“Hi” bati ni Uno ng makaupo ako sa tabi niya, bahagya siyang nakangiti sa akin kaya nginitian ko din siya, as usual he's holding a book, hindi ba siya nag sasawang mag basa ng libro? Is he nerd or what? Well, okay lang naman na mag mukha siyang nerd, ang gwapo naman niyang nerd.

“What happened to your neck?” sa tanong niyang iyon ay agad akong napahawak sa aking leeg, muntik ko ng makalimutan na nag suot ako ngayon ng scarf, para nga akong tanga dahil hindi bumagay sa uniform ang scarf na nasa leeg ko, hindi naman kasi ako pwedeng mag suot ng ordinary na damit dahil mahigpit na ipinagbabawal iyon dito sa school.

“It's nothing.” sagot ko at pilit na ngumiti, tama, wala lang ito, isa lang naman itong hickey. Nagulat nga ako kanina ng tumingin ako sa salamin ng banyo ko at kaagad kong nakita ang namumula kong leeg, pasimple pa akong nag dasal na sana ay hindi nakita ng lola ko ang hickey na nilagay ni Cold sa leeg ko.

“It's hickey right?” what tha actual fvck? Bakit bigla-bigla siyang nagsalita? Pinagdasal ko pa naman sa lahat ng santo na tuluyan na niyang makalimutan ang mag salita at manahimik na siya habang buhay, oo at minsan lang mag salita si Cold pero  kung mag salita naman siya ay hindi siya nag iisip.

“What?” kunot noong tanong ni Uno, mukha siyang nag tataka sa sinabi ni Cold, nag kibit balikat lang si Cold pagkatapos ay ngumisi sa akin, bwiset! Kumukulo ang dugo ko sa kanya! Kailangan kong maalala ang nangyari sa aming dalawa, hindi yung parang tanga ako dito sa harap nila.

“Hindi ka ba naiinitan sa scarf mo?” biglang lumapit si Uno at hinawakan ang pagkakatali ng scarf ko pero kaya agad kong inalis ang kanyang kamay, bakit ba ang pakialam ng isang ito? Kung hindi ko lang siya kaibigan dati ay nakatikim na siya ng sampal mula sa magagandang kong kamay.

“H-hindi naman, it's fashion.” gusto kong sapokin ang sarili ko, anong fashion ang pinagsasabi mo Sabriana? Fashion mo ba ang maging jejelogs? Halata naman na hindi bagay ang scarf sa uniform.

Mabuti na nga lang talaga at dumating na ang Prof kung hindi ay baka hindi ako tigilan ni Uno sa kanyang mga tanong.




Pagkatapos ng klase ay agad akong nag tungo sa banyo, sinigurado ko munang walang tao sa loob at tsaka ko nilabas ang make-up ko. Bakit ba ang tanga ko? Hindi ko agad naisipan na takpan ng make-up ang hickey sa leeg ko, hindi ko kasi iyon naisipan kanina dahil hindi gumagana ang utak ko sa sobrang pagkataranta.

Naglagay ako ng cream sa aking kamay pagkatapos ay unti-unti ko itong inapply sa aking leeg, maya-maya ay nakarinig ako ng flash sa toilet kaya naman natigilan ako sa aking ginagagawa, what the hell? May multo ba?

Tiningnan ko ng mabuti ang pinto mg cubicle kung saan ako narinig ang ingay at maya-maya pa ay halos malaglag ang puso ko dahil sa babaeng lumabas mula dito, obviously ay natakot ako sa kanyang pagmumukha, bwiset, she looks ugly.

Bakit sa dinami-dami ng makakasama ko dito sa loob ng banyo ay si Nicole pa? Naiimbyerna tuloy ako.

Napadako ang kanyang tingin sa akin pagkatapos ay bumaba ang tingin sa aking leeg, hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nakita ko ang sakit na bumahid sa kanyang mukha.

“Sabriana right?” maya-maya pa ay nag bago ang kanyang mood, muli na naman siyang bumalik sa dati niyang ugali, hindi ako nag patalo tiaasan ko siya ng kilay ko at tsaka ako tumango sa kanya, bakit ba niya kinakausap ang isang magandang tulad ko? Hindi hamak naman na mas maganda na ako kaysa sa kanya.

“The new toy." Dagdag pa niya na ikinakunot ng aking noo, anong new toy ang pinag sasabi niya? Wala akong maintindahan. Nahalata niya yatang naguguluhan ako sa kanyang sinabi kaya malakas siyang natawa, kita pa nga ang kanyang ngala-ngala, hindi pa din pala siya nag babago.

“Bagong laruan ni Cold.” tumawa na naman siya ng nakaloloko, halata namang bitter ang pagkakasabi niya, akala niya yata ay hindi ko papatulan ang pag tataray niya, well nag kakamali siya. Matagal ko ng pinagdasal na sana balang araw ay makaharap ko siya at magantihan sa mga ginawa niya sa akin noon.

“Atleast I'm the present, you know what? Ang sarap nga niyang humalik e, I really enjoyed last night-” hindi niya ako pinatapos dahil kaagad akong nakatikim ng sampal mula sa kanya, hindi ko iyon inaasahan kaya naman napangiwi ako sa sakit, letcheng Nicole ito, wala man lang pasabi kung kailan aatake, ang bilis niyang mapikon hindi pa nga ako tapos sa sinasabi kong puro kasinungalingan.

“Did you just slap my gorgeous face?!” I shouted at her fvgly face, kung inaakala niyang hindi ko siya lalabanan ay nag kakamali siya, ito na ang pagkakataon ko upang ilabas ang galit na inipon ko mula sa kanya, before she could speak, I immediately slapped her ugly face. Mas malakas ang pagkakasampal ko sa kanya kaysa sa sampal niya sa akin dahil muntik na siyang matumba.

Alam kong hindi siya makakapayag na hindi makaganti sa akin kaya hinanda ko na ang sarili ko sa kanya at inabangan ang paparating niyang kamay sa mukha ko. Agad kong nahawakan ito pagkatapos ay malakas ko siyang itinulak at tsaka ako dumagan sa kanya.

I slapped her face twice and then pull her hair, hindi din siya nag patalo dahil kinalmot niya ang mukha ko, nakaramdam ako ng hapdi sa pagkakakalmot niya pero hindi ko pa din tinigilan ang kanyang buhok. Now this is war!






HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon