19

2.8K 89 7
                                    

SABRIANA'S POV.

I suddenly remembered my past, when Cold always telling me that I'm stupid, loser and ugly. The hell with him! Gusto ko siyang pagsasapakin and I don't know the fvcking reason, nanumbalik lahat ng sakit na nararamdaman ko ng inilayo niya sa akin si Nicole, mukha ngang isinusupalpal sa akin ng mundo na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako magugustuhan ng lalaking iyon kahit gaano ako kaganda.

Eh ano naman kung hindi niya ako magustuhan? Hindi ko na din naman siya gusto at sa totoo lang ay kinasusuklaman ko siya, sa sobrang galit ko nga sa kanya ay parang gusto ko na siyang ipakulam, bwisit siya! Magsama sila ni Nicole sa impyerno tutal bagay naman silang dalawa.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha na tumutulo sa aking pisngi pero napangiwi ako dahil nahawakan ko ang sugat na kagagawan ni Nicole, ngayon ko lang naramdaman ang hapdi at sakit na dulot ng kanyang kalmot sa aking magandang mukha, inggit lang siguro iyon dahil mas maganda ako sa kanya.

“Okay ka lang? Samahan na kita sa Clinic” doon ko lang naalala na hanggang ngayon ay nakatayo pa din ako sa loob ng restroom. Nandito pa din ang tatlong bwiset sa buhay ko. Bakit ba hindi nila sundan ang kaibigan nilang g*go, naiinis din tuloy ako sa kanila.

Nilagpasan ko sila at hindi na muling nagsalita pa pero ramdam ko pa din ang pag sunod nilang tatlo, obviously ay hindi ko nagugustuhan ang pagiging buntot nila sa akin, ganito ba talaga? Kapag maganda ka madaming mag aalala sa'yo, at kung pangit ka naman bahala ka na sa buhay mo.

Unti-unti ko ng napatunayan na napaka-unfair ng mundo, pretty faces always win, maganda naman ako pero pakiramdam ko talo pa din ako, anong ibig sabihin non? Pangit pa din ba ako sa paningin ni Cold?

Geez! Nakakainis talaga! Bakit napaka big deal sa akin ang tingin ng lalaking iyon? Ano naman ang pakialam ko sa kanya.

Sinubukan kong alisin siya sa isipan ko pero hindi ko magawa, paano ba kasi ay mayat-maya kong naalala ang mukha niyang may bahid na pag-aalala kay Nicole at kung paano niya niyakap ang babaeng iyon sa harapan ko, ni hindi man lang niya ako tinanong kung ayos lang ba ako, parang hindi niya ako ginalaw noong isang gabi---the hell? Pati ba naman iyon ay sinasali ko? Nakakadiri.

“Are you really okay? Dumudugo kasi pisngi mo e, gamotin muna kita” tumigil ako sa aking paglalakad, hindi pa din ako tinatantanan ng tatlo, I'm sure kapag nag pakilala ako sa kanila na ako ang babaeng inaapi-api nila dati ay mawawalan sila sa akin ng pake.

“Can you please leave me alone? Hindi ko kailangan mag pagamot dahil hindi naman ito nakakamatay!” kulang na lang e talsikan ko sila ng laway sa mukha nila dahil sa lakas ng sigaw ko, muli silang natahimik kaya naman ay muli akong naglakad papalayo sa kanilang tatlo. Hindi ko na naramdaman pa ang pag sunod nila sa akin kaya napabuntong hininga ako.

Mabuti na lang talaga at tinatanan na ako ng mga gunggong na iyon, kung hindi ay baka napuno na ako at sila ang pag balingan ko ng inis.



Napadaan ako sa garden kaya naman ay tumigil ako at sinilip kung may tao bang nakatambay doon. Nang masigurado kong walang tao ay agad akong umupo sa ilalim ng puno at sumandal doon, nakakamiss din pala ang ganito, nakakamiss din tumambay sa ilalim ng puno. Naalala ko tuloy dati noong bata pa ako, mahilig ako tumambay sa ilalim ng puno habang nakikinig ng music, masaya iyon para sa akin pero ngayon ay isa na itong bangungot.

Kinalimutan ko na nga ang hobby kong iyon, I even stop singing, dahil kapag kumakanta ako ay iisang tao lang ang naiisip ko and now I already hate music and anything that connected with my past, pero ang hirap palang kalimutan ng mga bagay na kinagawian ko noon dahil namimiss ko din ang ganong buhay, but never! Hindi na ako babalik sa ganong buhay, sa pagiging pangit na Sabby!

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon